Langit ay nais abutin. Di man lubos batid ay nais arukin. Malabo ma'y pilit sinisilip. Di nauunawaan ng maigi, susubukin lusungin. Bulag man, pikit matang titimtimin.
Lunod sa palakpaka't hiyawan kahit iilan ang mga manunuod ang tatlong nauna. Labing pito, labing walo, mga dalawampu ang naghihiyawang walang humpay. Bago pa man matigil ang palakpakan, tinawag ng tatlong nauna ang magkakaibigang pabirong nagtatalo sa backstage.
"Palakpakan for Colorful Azon, Sweet Cake and Gorgeous Aki!", ang sabay sabay na sigaw nila Obet, Bogs at Abbey. "Magandang gabi!", ang panimulang impit na pagbati ni Aki. "Hello po.", sweet na sunod ni Cake. "Good evening!", ang mahalinang pahabol ni Azon.
Lumalalim na ang gabi at tumatakbo na ang sing-along sa entablado. Base sa salita, sing-along ang tawag sa pagaanyaya sa mga customer para kumanta sa entablado. Ito ang paraan ng mga host o stand up comedians para masulit ng mga tao ang pagbisita sa bar. Pangatlong customer na rin ang napakanta ng mga bakla at nabiyayaan na rin sila ng ilang donasyon. Donasyon naman ang tawag sa tip na naiipon ng mga stand up comedian na tanda na napasaya nila ng lubusan ang mga parukyano.
Nakasampa sa entablado sila Obet, Abbey, Azon at Cake habang nakaupo sa may harap ng entablado sila Bogs at Aki. Para maayos ang programa, di nagsasabay sabay ang mga komidyante sa entablado. Madalas sa hindi ay naghahalinhinan sila sa pagsampa.
Habang nanunuod si Aki ng mga kasama napansin nitong panay ang lingon at pagpapacute ni Bogs sa kabilang mesa. Nang mapansin ito sinipat ni Aki ang kabilang mesa. Nakita nito ang grupo ng dalawang lalaki at isang cross dresser na bakla. May itsura ang mga ito maliban sa baklang mukha namang masiyahin.
Panay kindat at kagat ng labi na tila nangaakit ang gawa ni Bogs. Alam ni Aki na ang lalaki sa dulo ng mesa ang inaakit ng kasama. Matipuno, mganda ang mga mata at makinis ang balat, pansing babad ito sa aircon. Dahan dahang nilapit ni Bogs ang upuan sa mesa ng grupo. Bagaman nasa mesa na ng grupo ang nangaakit, halata ni Aki na sa direksyon pa rin niya nakatingin ang may itsura.
Sa ayaw magpahalata ni Aki na batid niyang tinititigan siya nito, naisip nitong magCR. Nasa daan patungong CR ang mesa ng lalaki kaya madadaanan niya ito. Kahit na maluwang ang daan, alam ni Aki na pagkakataon niya iyon para makisali sa usapan ng grupo kung sasagiin niya si Bogs.
Nang malapit na sa kinauupuan ni Bogs si Aki, nagkunwari itong may kukunin sa bulsa ng kanyang pantalon. Saktong tumama ang kanyang siko sa batok ni Bogs na walang sawa sa pagpapayummy. "Aray naman!", ang sigaw ni Bogs. Nang mapansing si Aki ang nakasapul sa kanya, "Nay naman eh! Lakas makasira ng moment.", ang reklamo ng kasama. "Ay sorry!", sabay tuloy sa paglalakad. Kahit na mabilis ang mga pangyayari nagawa nito sulyapan ang lalaki. Napansin niyang todo ang ngiti nito sa kanya. Muli ay iniwasan niyang magpahalata at tumuloy sa paglalakad. Pag pasok ng CR, agad nitong sinara ang pinto at sumandal dito. Napatingin sa kisame at sabay taas ng mga balikat na wari ay teenager na kinikilig.
Bago pa man ito makaalis sa kinasasandalan ay biglang may malakas na katok sa pinto ang bumasag sa kanyang kilig. "Ay putik!", ang gulat na sigaw niya. Binuksan ang pinto at laking gulat ng makita ang lalaki. "Ay sorry! Nagulat ba kita?", ang tanung nito. Habang nagsosori ito natameme si Aki sa pungay ng mga mata at ganda ng balat nito. "Ok ka lang ba?", ang paguusisa nito. "Ay oo naman. Nagulat lang ako.", ang gulat na sagot niya. "Jessie nga pala.", sabay abot ng kamay nito. Inabot ni Aki ang kamay niya at di naiwasang Salatin ito. Makinis at malambot ang kamay ni Jessie. "Gorg...", ang tangkang pagpapakilala ni Aki. "Oo, gorgeous Aki. I know.", ang pagputol na patuloy ni Jessie.
"Nice meeting you, sige I'll go ahead.", ang biglang pamamaalam ni Aki. "Sige, see you around.", ang sagot ni Jessie.
Pagbukas ng pinto ng CR at pagkaalis na pagkalis ng paningin niya kay Jessie ay muntik naman niya mabangga ang isang lalaki. Natigilan ang pareho at pansing walang isang dipa ang layo ng mga mukha sa isa't isa. "Bogs naman! Nanunuot pa rin yung amoy ng ulam mo kagabi!", ang pabulyaw ni Aki habang kinukusot ang ilong nito. Nang mabalik ang paningin nito kay Bogs, nawari niya ang pagkahabag sa mukha nito. "Nay, ako unang nakakita sa kanya. Ang kay Beyonce ay kay Beyonce. Ang kay Lady Gaga ay kay Lady Gaga lang. Hindi ang kay Kim Chiu ay kay Maja Salvador rin!", ang litanya ni Bogs. "Hoy!", sabay sabunot sa kahuntahan bagaman wala itong buhok. "Walang sayo Bogs! Akin lang ang asawa ko!", pagtataray ni Aki at sabay walk out nito. "Nay, tandaan mo, bukas luluhod ang mga tala!", pahabol ng bigo.
Sa pagakyat ni Aki sa entablado siya namang baba ni Cake. Nang paupo na ito ay bigla niyang narinig ang pagtawag ng isang grupo ng mga babae at tomboy sa di kalayuang mesa. Nang papalapit ito bigla itong nabangga ang isang waiter na kumukuha ng order ng isa pang mesa. "Sorry po Ms. Cake!", ang paghingi nito ng paumanhin. Napaatras si Cake at tila nawala sa ulirat ng makitang mabuti ang waiter.
Gwapo, maputi at may kisig ang tindig. Hawig ni Kian Cipriano. May pagka singkit at sa lenggahe ng mga bakla, yummy. Ito ang kahinaan ni Cake sa lalaki.
Napaatras ng ilang pang hakbang na wari lumulutang sa ulap. Bumagal ang lahat sa kanyang paligid. Bakas sa mukha ng waiter ang pagtataka at di ito pansin ng tulala. Nasisilayan ni Cake ang ilan ilang butil ng ilaw na sumisilay sa mukha ng nakabanggaan. "Ba-bago ka ba dito?", ang nauutal na tanong ni Cake. "First day po.", ang agad na sagot ng waiter. "Anu nga pangalan mo?", ang biglang pagalit na tanung ng tila nagpapakipot. "Nitoy ho.", sabay ngiti. Parang natunaw sa amo ng mukha ni Nitoy ang nabangga. "Sige, usap tayo mamaya!", muling pagtataray ni Cake. "Sige po kita tayo mamaya", may ngiting tugon nito na tila biglang nanabik sa trabaho. Mabilis nangyari ang lahat ngunit para kay Cake tumigil ang kanyang mundo sa pagikot. Sa palitan ng ilang salitang iyon, parang alam na ng dalawa ang nais ng isa't isa.
Palihim na sumusulyap si Cake kay Nitoy habang tumuloy ito sa paglalakad. At ganito rin ang waiter na parang tinamaan. Bago pa man abutin ang patutunguhang mesa ay muli itong nabangga. "Anu ba yan!", muling pagtataray. Agad nakita nito ang kasamahang pamilyar sa pangungutya, si Bogs. Tinitigan lamang siya nito na parang pinagsukluban ng langit at muling nagpatuloy sa paglalakad na parang zombie. Sa isip isip ni Cake ang pagwawaring kung anung nangyari dito.
Wala pa man sa mesang patutunguha'y sumambulat na ang mga alok nito ng mga panindang naiwan niya sa backstage. Liban sa pagawit sa entablado, magaling ito sa pagawit sa mga customer para magbenta ng mga bag at wallet. Gabigabi dala nito ang mga class A na paninda at nagbabaka sakaling kumita mula sa mga parukyano ng mga bar na pinagtatrabahuhan niya.
Tapos na ang gabi at tila excited pa rin si Cake. Batid ni Aki na may kung anung mangyayari kung bakit kita ang mga kislap sa mata ng kaibigan. "Una na kami, Nay.", paalam nila Abbey at Obet. "Ikaw?", tanung ni Obet kay Bogs. Tulala ito at wari may malalim na iniisip. "Iyong iyo na yun Bogs, wala akong balak patulan iyon matapos yung kaguluhan nila kanina nung mga mukhang goons.", ang pagpapaliwanag ni Aki. Bago matapos ang set ng mga bakla, ay nagkaroon ng tensyon sa table nila Jessie at ng katabi nitong grupo sa kadahilanang binastos ng kabilang mesa ang kasama nila Jessie na pagirl na bakla.
"Di naman yun ang iniisip ko Nay.", ang sambit ni Bogs, "Nakita kasi ni Tonton si Eric may kalandiang bakla sa Baclaran.", ang patuloy niya. Boyfriend ni Bogs ang nasabing nakita ni Tonton. Si Tonton ay kaibigang matalik ni Bogs na tulad nila ay isang komidyante din.
"Yan ang sinasabi ko. Lalaki ng lalaki, di muna kilalanin kasi. Porket may itsura, go agad.", panunumbat ni Cake. "Look who's talking.", singit ni Azon. "Isa, ka pa rin bes.", ang gatong ni Aki. "Bakit ngiti ka ng ngiti?! Sinung lalaki yan? The last time na makita kitang ganyan kasaya eh nung makilala mo yung mga ama nila Una, Dos, Trixie at Pot. Na tapos kang anakan ay iiwan ka. At kung hindi ka man iwan patuloy kang sinasaktan para maisip mo namang sila ang iwan.", patuloy niya.
"Tigilan niyo ko! Si Bogs ang paksa ng usapan natin at di ako. Kaya lang naman ako nabuntis nun eh dahil di ko alam paano isinusuot ang condom bago ipasok.", paliwanag ni Cake. "So ngayon alam mo na?", pabirong tanung ni Aki. "Ang anu? Magsuot ng condom," ang tanung nito. "Hindi, pag masaya ka nabubuntis ka.", ang sagot ni Aki.
Nagisip ng mabuti si Cake at alam nitong may laman ang mga sinasabi ng kaibigan. Medyo hirap itong tanggapin ang mga pagkakamali nito sa mga nakaraang pagibig pero batid niyang isang sugal ang pagibig. Minsan masarap, madalas sa hindi ay masakit. Batid na masasaktan, pero pikit mata pa ring sinusuong.
BINABASA MO ANG
Bakla ako, Babae ka!
HumorIs a comedy drama story of two friends in a society full of stereo types and prejudice. One, a mother with loud and strong personality who strives to prove her worth in a community dominated by homosexuals. The other, a gay dad who simply wants to m...