I

932 33 0
                                    

"Captain, bilisan mo gusto ko nang mag shower!" Pagmamaktol ng bestfriend kong si Audrey. Katatapos lang ng soccer practice namin ngayon at kami nalang ang natira dito sa field. Hindi pa kasi ako tapos magligpit ng mga gamit ko. Seven ang training and Eight thirty naman ang first class ko. Amazing, right?

"Wag mo na nga akong tawaging captain, best. Alam mo naman na ayaw kong tinatawag na ganun eh." Ayoko naman kasi talaga sanang maging captain ng soccer team dito sa Hillary-Williams University (HWU) at saka pinilit lang din ako ni coach.

Kapag kasi varsity player ka, sikat ka or kilala ka sa school. Ano pa kaya kapag captain ka pa? Malaking responsibilidad rin ito kaso wala rin naman akong karapatan na magreklamo at saka passion ko talagang maglaro ng soccer. Gusto ko lang naman sanang mag-aral ng maayos at tahimik dito sa HWU pero parang malabo itong mangyari.

"Oo na nga lang Princess Charming." Biro niya. "Bilis na diyan kasi ang haggard ko na. Unlike sayo, di man lang nababawasan ang ganda kahit pawisan or may putik pa sa mukha. Kaya ang daming nagkakagusto eh. Mapa babae o lalaki. Ligawan nalang kaya kita, best?" Tumatawang sabi ni Audrey habang naglalakad kami papuntang locker. Siraulo talaga.

"Oh kita mo na, malayo pa lang natatanaw ko na ang notes and flowers sa locker mo." Ang ingay talaga nitong bestfriend ko. Kaya ayun, siniko ko sa sikmura. Napatigil naman siya sa pagtawa at napahawak sa parte na tinamaan ko. Natawa nalang din ako sa ginawa ko. Ayaw manahimik eh. Akala mo naman masakit.

Instead na mga gamit ko ang nakalagay sa locker, nilalagay ko nalang ang flowers and kung ano-ano pang gifts na iniiwan nila. It was uncomfortable at first, yung makikita mo nalang na maraming bulaklak, notes, stuffed toys and chocolates sa harapan ng locker mo. Para kasing namatayan lang sa dami ng bulaklak, pero sa huli nasanay na rin. Tapos yung mga chocolates, si best lagi ang kumakain. Laging gutom eh, ang dami ng pera ayaw namang bumili.

Oo, napakayaman pero napaka kuripot. Siya si Audrey Buenavedez, anak ng dalawang taong napaka successful at kilala sa larangan ng business world. Her parents were both business tycoon, and siya ang pinakamamahal kong bestfriend. Parang kapatid na nga ang turingan namin. Dalawang only child eh.

Pagkatapos naming mag shower ay naglakad na kami papuntang first subject namin since magkaklase din kami.

Tahimik kaming dalawa ni Audrey na naglalakad sa hallway at hindi na lamang pinapansin ang ingay sa paligid. May mga nagmamadali, may mga nagbubulungan habang nakatingin sa amin at ang iba naman ay busy sa kanya kanyang ginagawa.

"Ang ganda talaga ni Paris"

"Wow wet look. Hot niya talaga"

"Bes sana magustohan rin ako ni Paris"

"Akin ka nalang baby Paris"

Here we go again. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga sa mga naririnig ko. Paris. Paris. Paris. Yan na naman ang bulong-bulongan ng mga students sa hallway. Di ko nga alam kung bulongan or nagpaparinig sila eh.

"Ayusin mo nga mukha mo best. Wag ka na mairita parang hindi ka pa nasanay. Eh ganyan naman kadalasan ang eksena tuwing makikita ka nila." Audrey said habang nagpipigil ng tawa niya. Isa pa to. Tinatawanan lang ako lagi. Kunin ko kaya lahat ng chocolates dito? Tignan natin makatawa pa. Tsk.

"Eh kasi naman best! Paris dito, Paris diyan, eh HWU nga to eh. Hindi France!" May diin sa bawat salita kong reklamo kay Audrey at napa-pout nalang pero mas lalo lang itong natawa sa akin. Ang aga-aga na ba-badtrip na naman ako.

Anyway, I'm Paris Gutierrez. Freshman sa college, and Engineering student here sa HWU and as I said, captain ng soccer team. Isang successful and kilalang Engineer ang dad ko and chef naman si mom. Only child but not spoiled.

Sabi nga ng bestfriend ko, maraming nagkakagusto and nagtry na manligaw sakin pero wala eh. I don't want anyone else other than this girl who's walking like a supermodel towards us kaya napatigil ako sa paglalakad at napatigil sandali sa paghinga ng masilayan ko siya, mesmerized by her every move and by her beauty.

I didn't think I would ever get used to how beautiful she is. Looking at her made me feel like my eyes were seeing the most pleasing scenic spot they had never encountered before.

Her hair was cascading down her shoulders in gorgeous waves, gently kissing her flawless, perfectly carved, marble-like face. Her brown eyes were beautifully disarming and so alert, I felt like she could feel me watching her.

Her adroit character and the air she carried around her or within herself leaves me breathless. I can't help myself but stare at her with admiration and awe.

She's with her cousin and they're our classmates. Yeah, she's an engineering student too. Smart, talented, and beautiful- no, she's much more than that. Member of cheering squad, student council and school paper. Yes she's a writer. How can you not fall in love with that lady? Nasa kanya na ang lahat.

Hmm.. Konting ayos nga lang ng ugali ang kailangan. Ang sungit kasi ni love eh. Yeah I'm calling her 'love'. So what?

Hindi lang pala masungit kundi ubod ng sungit. Parang pinaglihi sa sama ng loob. She's the Queen bee, what do you expect? She's also the daughter of the co-owner ng university. Marami na itong na-achieve kahit freshman pa lang kami.

Natauhan lang ako sa pagkatitig sa kanya ng sikohin ako ni Audrey.

"Best, you're drooling. Stop that masyado kang halata." She giggled. "Nag de-daydream ka na naman sa all-time crush mo. Wag ka namang pahalata. Alam mo namang player yan bakit sa kanya ka pa nagkagusto? Masasaktan ka lang." Bulong niya sakin.

"Hi Paris, my love." Maloko at nakangising bati ni Isabelle, which is pinsan ng love ko. So, I smiled back at her. And as I look at her side, parang tumigil na naman ang mundo ko ng magtama ang mga mata namin.

At bigla nalang gumuho ng tinaasan lang ako nito ng kilay at dire-diretsong pumasok na sa room namin.

Harper Williams, what am I supposed to do with you?

My Illustrious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon