Audrey and I were walking sa hallway papunta sa afternoon classes namin when she suddenly asked me.
"Best napapansin ko lang ha, lagi ka nang dinadapuan ng tingin ni Harper. May ginawa ka ba? Ginayuma mo? Hinipnotismo? Or baka naman may nagawa kang kasalanan? Lagot ka best. Hindi naman mahahalata ang mga pag tingin-tingin niya sayo kung normal lang akong estudyante dito pero bestfriend mo to eh kaya alam na alam ko. Kagaya nalang sa literature class and cafeteria kanina." Mapanukso niyang sabi sabay kiliti sa gilid ko.
"Ewan ko nga best eh. Ang sama lagi ng tangin sakin. As far as I remember, wala naman akong kasalanan sa kanya." Naka pout kong reklamo kay best.
"Ay! Baka alam na niyang may gusto ka sa kanya kaya ganun nalang kung makatingin best? 'Yan kasi eh palaging pinagpapantasyan si Harper kaya siguro nahalata." Panunukso niya sakin.
Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang cellphone niya.
"Best, tumawag si mom. May aasikasuhin daw silang business sa London kaya hindi sila makaka-uwi ngayon and who knows kung kailan sila makakabalik. Pwede bang doon muna ako matulog sa inyo?" Oh so si tita pala ang tumawag. Busy na naman ang parents niya. Kapag kasi out of the country parents ni Audrey eh sa amin ito natutulog. Share kami sa room ko.
"Sure best. Paampon ka nalang kaya sa parents ko?" Natatawa kong tanong sa kanya at hinampas lang ako nito sa braso. Sadista rin eh.
After for how many long hours natapos rin ang afternoon class nang walang kibo si Harper. Tuwing titingin ako sa likod, tulala lang siya at nakatingin sa may bintana. Ano kaya iniisip nun? Baka ako? Lol. Ang lalim eh. Yan ka na naman sa pagpapa-asa sa sarili mo Paris. Wag ka masyadong umasa baka ikaw ang hindi makaahon sa lalim ng feelings mo eh.
Huli kaming lumabas sa classroom kasi kinausap ako ng prof ko about sa mga upcoming events dito sa school. Malapit na rin kasing mag Christmas break baka hindi na mapag-usapan. After mostly 15 minutes na pag-uusap ay lumabas na kami papuntang parking lot.
"Hi Paris! Ingat pauwi"
"Ingat sa pagdrive, Ris. Or gusto mo hatid ko nalang kayo"
"Paris pasakay naman ako sayo oh. Este sa badass car mo pala"
"Nag smile sakin si Paris. Bes kita mo yun? My poor heart"
'Yan lagi ang set-up kapag dadaan kami sa hallway tuwing matatapos ang klase sa hapon. So, ngingiti nalang ako sa mga bumabati sakin para wala ng maraming salita.
Nang dumaan kami malapit sa field, may nakabangga kay Audrey at biglang nanlaki ang mata nang makita kung sino ang nabangga niya.
"Hala Audrey! Sorry! Sorry! Sorry! Nagamadali kasi ako eh" at biglang dumami ang estudyante sa gitna ng field. Nakapalibot ang mga ito na parang may nagaganap sa gitna.
"Anong nandun?" tanong ko sa babaeng bumangga kay Audrey sabay nguso sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa field.
"Yan nga dahilan bakit nagmamadali ako eh. Bali-balita kasi na liligawan na daw ni Austin si Harper. For real! Oh my gosh kinikilig ako. Sorry talaga ha? Mauuna na ako" mahaba niyang paliwanag at tumakbo na papuntang field. At ako naman ay naestatwa na sa kinatatyuan ko nang marinig ang mga sinasabi niya. Para akong maiiyak.
Si Austin at Harper ko? Alam ko na may gusto talaga si Austin kay Harper. Kalat na rin sa school eh. Pero nga lang hindi naman ito gumagalaw para manligaw kaya akala ko rin ay hindi ito seryoso kay Harper. Nakakagulat talaga na after how many months ay naisipan na nitong gumawa ng paraan para manligaw sa love ko.
Hinila ako ni Audrey papunta sa gitna at hinawi ang mga taong nakaharang sa daan namin at parang ang bigat nang mga hakbang ko papunta doon at unti-unti kong nararamdaman ang pagbasag ng puso ko sa naabutan naming eksena.
Nakatalikod samin si Austin habang nakayakap kay Harper na siya namang may hawak na napakagandang bouquet of roses, nakangiti at pumapalakpak ang mga friends nila sa likod nito since nakaharap si Harper sa kinatatayuan namin. Maliban nalang siguro kay Isabelle. Hindi ko alam kung nakangiti or nakangiwi ito pero pumapalakpak na din.
Sakto namang pagtingin ko kay Harper ay nakatingin din pala ito sa akin. Para itong nagulat kasi napahigpit ang hawak niya sa bulaklak na hawak niya pero agad din naman niyang natago ang pagkagulat at pumikit. Bago pa siya makadilat ay mabilis akong naglakad ng mabilis papuntang parking lot habang nakasunod si Audrey. Lakad takbo ang ginawa ko para makaalis agad sa lugar na yon. And I swear, I can feel my heart shattering into pieces.
BINABASA MO ANG
My Illustrious Lover
RomanceI will go back to the cities we photographed together, cities that witnessed our love. And I will try to find out where we lost it. On which part did we go wrong. - Paris