After ng walkout incident ni Harper and Isabelle sa Lit class, pinagpatuloy lang ni sir Jim ang lesson na parang walang nangyari hanggang sa mag dismiss ito.
Hindi na rin bumalik ang mag pinsan at mabilis na natapos ang ibang subject namin sa umaga kaya heto kami ngayon ni Audrey naglalakad papuntang cafeteria para mag lunch.
"Best, sabay muna ako sa car mo ha? Hindi ko dala yung car ko eh. Sumabay lang din ako kay dad and mom kanina para tipid sa gas." Napailing nalang ako sa kanya. See? Napakakuripot talaga. Sobra.
"Eh pano kung ayaw ko?" Naghahamon kong tanong sa kanya.
"Hindi ka aayaw. Hindi mo ko matiis kasi love mo ko." Nakangisi niyang sagot.
"Oo na. Ay nako kung hindi lang kita mahal best, hindi kita pasasakayin kay Rex." Natatawa kong sagot sa kanya. Rex nga pala ang pangalan ng Jeep ko. Ang badass kasi ng datingan ng kotse. Ang weird ko no? Binibigyan ng pangalan yung sasakyan. Si Rex ay regalo sakin ng parents ko nung nag graduate ako ng high school.
Pagpasok namin ng cafeteria, maraming pares ng mata ang napatingin sa amin kaya dali-dali kaming dumiretso sa usual table namin. Yung pinakamalapit sa counter.
"Best, lasagna pa rin ba sayo?" Tanong ni Audrey sakin. Nakasanayan na kasing siya lagi ang umo-order ng lunch namin.
"Oo best. Salamat." Agad naman itong pumila sa counter.
And I swear pagtingin ko sa entrance para na naman akong nakakita ng diyosa. Napatigil siya sa paglalakad and it looks like may hinahanap siya at nang magtama ang mga mata namin ay nagsimula na ulit itong maglakad papunta sa usual table nila or sa 'popular table'. She's with Isabelle and her friends. Their group is consists of six people.
Of course, Harper Williams, napakilala ko naman siya sa inyo pero may kulang. Hindi siya marunong magseryoso sa relasyon, pinaglalaruan niya lang ang mga dumaan sa kanya. Mapa babae o lalaki. Yeah, she swings both ways. Napaka player niya pero kahit ganun, mahal ko parin siya. Her family owned famous five-star hotels and international schools all around the globe. And of course, siya ay mahal ko at mamahalin ko. Tsk malala ka na talaga Paris.
Isabelle, her cousin. Member ng volleyball team and cheerleading team. They owned international airlines and shipping companies.
Andi, the captain of their cheer leading team and the daughter of famous lawyer and had the biggest law firm sa lugar namin.
Emily, anak ng isang congressman at ang may biggest crush kay Audrey. Isa rin to eh. Lakas rin ng tama neto sa bestfriend ko.
Harry, isang hearthrob dahil sa famous nitong killer smile at pagka gentleman, member ng HWU basketball team. Kaso hindi lang bola pinaglalaruan niya pati na rin feelings ng mga babae. Napaka playboy. Ang family niya naman ang nagmamay-ari ng mga magagandang resorts dito sa lugar namain and sa ibang parte na rin ng Pilipinas.
And lastly, Austin Hillary. The 'perfect guy' nga daw sabi nila, gwapo, maganda ang pangangatawan, mayaman, captain ng basketball team at anak ng co-owner ng HWU. His dad is a famous doctor. They owned the biggest hospital here in the Philippines and even on the other countries.
"U-hm. Hi? Pwedeng maki-share dito? Kasi as you see, wala nang vacant na table. So, can I?" Natigil lang ako sa pagde daydream na naman kay Harper ng may nagsalitang babae. And to my surprise, hindi lang siya isang babae. Diwata yata to na napadpad sa cafeteria. Shit! Ang ganda! With naturally red lips, straight nose, thick eyebrows, and piercing green eyes. She was the kind of person who would get a second, third, hundred stares as she passed. Pero sorry, wala nang mas gaganda pa sa Harper ko.
"Sure. Sumabay ka nang mag lunch sa amin. Pabalik na rin naman ang kasama ko." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Thank you! I'm Brooklyn. Brooklyn Mars." Pagpapakilala nito at nilahad ang isa niyang kamay.
"Mars? Okay cool. So what is a gorgeous planet doing in a crowded cafeteria like this when you have every right to be in the galaxy? To tell you the truth, you're so beautiful that you're out of this world. Has anybody told you that?" Papuri kong tanong habang nakipag shakehands sa kanya.
"Are you hitting on me?" Natatawa niyang tanong and oh! She's blushing. Gandang planeta.
"Silly. I'm not. I'm Paris. Paris Gutierrez." pagpapakilala ko.
"I know." She said at nag wink pa. This girl is something.
"Best! Sorry natagalan mahaba ang pila eh." Pagpapaliwanag ni Audrey habang nilalagay ang pagkain sa mesa at umupo na habang nakatingin sa akin na nagtatanong ang mga mata kung sinong tong diwatang kasama ko.
"Oh best! Si Brooklyn nga pala nakikishare ng table satin kasi wala nang vacant" paliwanag ko.
Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay kumain na kami habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Medicine pala ang kinukuha niya. Nasa family na rin daw kasi nila ang pagiging doctor. They owned hospitals and pharmacies all over Asia.
Biglang naputol ang kwentuhan at tawanan namin ng may silyang natumba. Pagtingin ko ay doon pala nanggaling sa table nina Harper. Nakita kong nakatayo na ito at kanya pala ang silyang gumawa ng ingay. Bigla kaming nagkatinginan at jusko naman po ang sama-sama ng tingin sa akin. Matapos ang halos limang segundong pagtitigan ay umiwas na siya ng tingin at padabog na kinuha ang bag at naglakad palabas ng cafeteria. Sumunod naman agad ang mga kasama niya.
Hayyy ang maldita talaga ng love ko. Pano nalang kaya kapag naging kami? Ganun parin kaya yun? Nako. Paris tama na yan. Wag kang mangarap ng gisng.
"Best malapit na mag start ulit ang class. Tayo na?" napabalik ako sa kasalukuyan sa tanong ni Audrey.
"Sige best. Pano ba yan, Brooklyn? Kita nalang tayo ulit mauuna na kami ni Audrey ha? May klase pa eh. Ikaw rin, bumalik ka na sa buliding ninyong mga medicine students" pamamaalam ko sa kanya.
"Sige. See you around, Paris." Brooklyn said then winked. Ibang klase talaga ang isang to.
BINABASA MO ANG
My Illustrious Lover
RomanceI will go back to the cities we photographed together, cities that witnessed our love. And I will try to find out where we lost it. On which part did we go wrong. - Paris