XVII

194 12 4
                                    

The referee blew his intense whistle with an extremely high pitch and I felt it surge through my veins; the game had begun. I felt the perfectly round black and white ball at my feet as I dribbled with the best control I knew.

Alas otso ng umaga nagsimula ang semi-finals at kasalukuyan naming kalaban ay ang Anderson University. Base sa mga napanood namin na laro nila, magaling ang kanilang goal keeper, ilang beses lamang itong napasokan sa goal.

Isa rin sa problema ko ngayon ay kung paano ko malulusotan ang nagbabantay sa akin. Sa lumipas na halos limang minuto matapos magsimula ang game ay hindi na ako nito nilulubayan.

Siya ang forward ng team nila. Mabilis siyang tumakbo at mabilis rin ang reflexes nito kaya hindi ako basta basta makawala. Halos hindi na ko maka drive ng bola at halos pass nalang. Dalawang attempt lang rin ang nagawa ko hanggang sa tumunog ang whistle indicating na tapos na ang first half at walang naka score. 0-0 ang nakalagay sa score board.

"Okay ka lang best?" Tanong ni Audrey at umakbay sa akin habang naglalakad papuntang bench ng team.

"Hindi ako okay. Wala akong maisip na paraan kung paano ako makakawala sa nagbabantay sa akin. Feeling ko wala akong naitulong sa team kanina dahil halos hindi na ako makaalis sa higpit ng bantay niya. Nagawa ko na lahat ng naisip kong paraan pero kulang pa rin. Hindi ko rin mabasa ang galaw niya." Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa katabing upuan ni coach.

"Okay lang yan, best. Kaya mo yung si
Martinez. Ikaw pa ba." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Audrey. Bilib talaga sa akin ang isang to.

"Alright girls. Pahinga muna kayo ng  ilang minuto then diretso na kayo sa dugout para pag-usapan ang mga susunod nating gagawin."

"Okay coach." We all said in unison.

"O siya, mauna na ako doon at papanuorin ko pa ang video na nakuha ko sa laro niyo kanina." Coach patted my shoulders twice at pagkatapos ay umalis na.

Napapikit ako at napabuntong ng malalim na hininga at pinapakalma ang sistema ko. Nang pagmulat ko ay  nilibot ko ang aking paningin. Ang daming tao. Marami ang nanuod galing sa iba't ibang Universities. Pero sigurado ako na mas dadami pa ito mamayang hapon sa finals.

Sa kanang bahagi mula dito sa pwesto ko ay nakikita ko  ang ilang teams na nakalaban namin nung elimination round kasama na ang Stanford University team na ngayon ay paalis na mula sa kinauupuan nila. Mag wa-warm up na siguro dahil sila na ang susunod na maglalaro pagkatapos namin.

Napadako ang aking tingin sa kaliwang bahagi na malapit lang sa bench namin. I saw Harper with Emily. Silang dalawa lang ang nandito dahil may championship game rin mamayang 10 A.M. si Isabelle. She's busy talking to someone on her cellphone. Maybe that's her cousin reminding her na manuod mamaya. Sigurado namang aabot pa kami mamaya bago magsimula ang game nila. Nang makita ako ni Harper na nakatingin sa kanya ay mabilis itong napangiti at napakaway sa akin. Napangiti nalang rin ako dahil sa naging reaksiyon niya.

How can she sit there and look so beautiful? I mean, have you seen someone you just can't take your eyes off to? That feeling you get when you see the one for the first time, you know, the butterflies and feeling like the whole world stops, when all else disappears and its just you and that one person left standing. When you look into her eyes and time seems to stop. That's exactly what I'm feeling right now at parang nawala bigla ang worries ko about sa game at biglang nabuhayan ng loob.

I waved back at her at tumayo na para sumunod kay coach. I have to find a way para makawala sa kalaban. We need to enter the finals para na rin sa mga seniors namin at dahil ito ang una kong laro sa U-Games.

~

Kasalukuyan kaming naglalakad ng team mates ko papuntang dugout at kaming dalawa ni Audrey ang nasa likuran. Nagbibiruan kaming nag-uusap ni best nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran namin.

My Illustrious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon