SHAWN SKYLER'S P.O.V.
Hindi mapawi ang mga ngiti ko matapos kong makipag-usap sa professor na si Mrs Pasino. Nagrequest kasi akong isali si Ella sa contest dahil ako ang escort niya. Agad namang pumayag ang si Mrs Pasino sa'kin kaya naman gano'n na lang ligayang nararamdaman ko ngayon. Nakikinita ko na kasi ang magiging reaksiyon ni Ella kapag nalaman niya ito. Habang naglalakad ako sa corridor ng university. Nakarinig akong may tumatawag sa'kin.
"Shawn!"
Huminto ako sa paglalakad upang kilalanin ang tumawag sa'kin, pumihit ako patalikod upang tingnan ang taong iyon at nang makilala ko iyon hindi ko napigilan titigan siya ng masama. Kuyom pa ang kamao ko.
"Bakit?"
Seryoso ang mukha niya habang papalapit sa'kin. Bitbit niya ang bag niya mukhang kakatapos lang ng klase niya at sinadya niyang abangan ako.
"Tigilan mo na si Ella." Sinalubong pa niya ang matalim kong tingin sa kanya.
Umalon-alon ang adams apple ko habang ang dalawang kamay ko ay nakatikom ng mariin. "Wala na akong pakialam kay Ella."
"Kung wala kang pakialam tigilan mo na ang kakapadala mo ng bulaklak sa kanya. Wag mo siyang pahirap."
"Ano bang pakialam mo bestfriend ka lang niya."
"Tigilan mo na si Ella dahil ako ang makakalaban mo." Pagbabanta niya.
"Do you think I'm fuckin scared of you?" lumapit pa ako sa kanya.
"Hayup ka!" kinuwelyuhan niya ako. Halos manlisik ang mata niya sa sobrang galit sa'kin. Hindi ako gumawa ng anumang hakbang kahit na nga gusto ko na siyang sapakin.
"Manahimik ka na lang Andrei." Sabi ko.
"F*ck!" sabi niya. Pagkatapos sinuntok niya ako sa pisngi. Bumagsak ako dahil nawalan ako ng panimbang.
Nang kinapa ko ang mukha ko may dugo akong nakapa na nagmula sa labi ko. Doon bumulusok ang galit ko sa kanya. Tumayo ako at pagkatapos sinugod ko siya ng suntok.
"Damn you!" sabi ko sa kanya.
Doon na tuluyang nakatawag pansin sa mga estudyante ang pag-aaway namin. May humawak sa katawan ko maging kay Andrei may humawak na rin upang awatin kaming dalawa."Hindi ako papayag na makalapit ka uli kay Ella, tandaan mo 'yan!" sigaw pa niya.
"Psh! In your dreams." Sagot ko.
Pagkatapos tuluyan na kaming pinaglayo ng mga estudyanteng umawat sa'min. Dire-diretso naman akong pumunta ng parking area upang umuwi na plano ko pa sanang makipag bonding sa mga kaibigan ko ngunit dahil nasira ang araw ko dahil kay Andrei nawalan ako ng ganang tumuloy. Hanggang ngayon si Andrei pa rin ang kaunahang kinaiinisan ko sa school siya ang dahilan kung bakit hindi mawala ang inis ko kay Ella, siya kasi ang laging nakabuntot kay Ella. Alam kong may pagtingin siya kay Ella mula pa noon ngunit dahil girlfriend ko noon si Ella, hindi siya napapansin si Andrei.Mabilis ang naging pagpapatakbo ko ng kotse ko dahil sa badtrip ko kay Andrei nang hindi ko agad napansin ang tumawid na babae. "Shit!" sinikap kong iwasan nagawa ko namang i-preno ngunit hindi ko na rin siya nagawang iwasan tumalsik siya ng isang dipa ang layo. Agad akong bumaba ng kotse upang alamin kung ano ang lagay ng babaing nabangga ko.
"Are you okay?" tanong ko sa babaing nakadapa sa kalsada. Nakasuot siya ng white t'shirt at blue jeans. Naka rubber shoes at blue cap siyang suot. Kinabahan ako sa pag-iisip na baka patay na siya.
Dahan-dahang inangat ng babae ang katawan niya at humarap sa'kin. Nakita ko sa mukha niya ang takot at sakit na dulot ng pagkakabangga ko sa kanya, kahit kasi nagawa kong I-preno tinamaan pa rin naman siya.

BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Roman pour AdolescentsAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!