Chapter 1

13 1 0
                                    

-=Katelyn=-

Thirty minutes na lang at mag-aalas singko na ng hapon.

Kanina ko pa gusto umuwi kaya kung pwede nga lang na pabilisin ko pa ang oras ay kanina ko pa ginawa. Wala na rin namang gagawin dito sa office. Nauna na nga umalis ang boss ko dahil may meeting pa raw ito sa labas. Pero syempre hindi ako naniwala sa rason niya, alam ko naman kasi na kapag ganitong katapusan ng buwan, may idinidate na naman siyang babae kung saan.

"Hoy Katelyn Miranda, 'wag mong titigan 'yang orasan at baka matunaw 'yan." Agaw ni Jenn sa atensyon ko. "Sabihin mo nga sa'kin, may date ka ngayon 'no?"

Si Jenn, ang nag-iisang tao sa office na itinuring ko ng bestfriend mula noong nagtrabaho ako dito. Siya kasi ang una kong nakilala at una kong naging kaibigan. Akala ko nga, hindi kami magkakasundo dahil ang daldal ng dating niya para sa'kin pero habang tumatagal narealize ko na siya ang nagpapasaya ng araw ko. Kasi kung wala ang kakulitan niya sa office, baka matagal na akong nagresign dahil sa mga seryoso kong ka-office mate.

Palibhasa kasi mga matatanda na halos lahat ng nandito at kaming dalawa ang pinakabata sa department kung saan kami naka-assign.

"Why don't you check the calendar para malaman mo kung anong meron?"

Tumigil nga siya sa pagmi-make-up at sandaling nag-isip. "Hmmm, ano nga ba? Wait nga." At nadako nga ang tingin niya sa kalendaryo. "Alam ko na, third anniversary niyo ni Jeff. Tama ba?"

Ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya sabay kuha ng make-up kit at ako naman ang nag-umpisang mag-ayos.

"Huwag mo nga akong daanin sa pangiti-ngiti mo d'yan. Mukha kang baliw eh."

"Sinabi mo na nga di ba? Hindi ko na nga itinama eh."

"Ayieeh!" Kinikilig na siniko niya ako. "Ang lupit niyong dalawa. Alam mo 'yun, parang nakakainggit lang. Sana meron rin akong ganyan."

"Eh paano ka ba naman magkakaroon ng ganitong klaseng relationship kung ayaw mo namang magpaligaw?"

"Tsk, huwag mo na nga ibato sa'kin ang usapan. Hindi lang talaga sencere 'yung mga lalaking lumalapit sa'kin. Pero I know, kapag dumating na sa life ko si Mr. Right hindi lang years ang bibilangin naming dalawa –magbibilang kami ng decades." Nakatingala pa siya habang nakangiti na para bang napi-picture out nga nito ang lahat.

"Haay, sige lang mangarap ka lang."

"Sungit mo eh 'no." Nangalumbaba na lang siya sa lamesa habang pinapanood akong maglagay ng blush-on. "Pero alam mo minsan parang nakakatakot."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ang alin?"

"Ang pagkakaroon ng love life." Agad na sagot niya. "Kahit na hindi ko pa nararanasan 'yun, feeling ko habang tumatagal mas lalo 'yun nagiging nakakatakot. Baka kasi hindi lang halata or hindi mo lang alam eh nagsasawa na 'yung partner mo sa'yo. Or kaya naman hindi niya gusto pero di niya maiwasan ang tukso sa paligid niya. Tapos di mo alam nangangaliwa na pala siya."

"Alam mo friend, napaka-nega mo. Kapag ipinagpatuloy mo ang pag-iisip ng ganyan tingnan ko na lang kung magka-love life ka pa." Pagkatapos kong maglagay ng blush on ay namili na ako ng lipstick na gagamitin. "Saka kapag nandun ka na sa isang relasyon wala ng space sa utak mo para mag-isip ng ganyan." I-aapply ko na sana ang litpstick na napili ko nang bigla na naman syang nagsalita.

"Eh ikaw Kate, sa loob ba talaga ng tatlong taon ay hindi ka nagkagusto sa iba?"

Bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa at napalingon sa kaniya. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"

"I'm just asking. You can just say 'yes' or 'no' and that's it. Mayroon din kasing mga tao na kahit super love nila ang boyfriend or girlfriend nila ay nakukuha pa rin na makipag-flirt sa iba. Hindi naman sa hindi na nila mahal ang jowabels nila, it's just sometimes they encounter a person who has some characteristics that they never find in their partners."

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now