Chapter 3

3 1 0
                                    

-=Katelyn=-

"Kate!"

Kalalabas ko lang ng office ng boss ko ng makita ko si Jenn. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at diri-diretso akong naglakad papunta sa elevator.

"Uy Kate, anong problema mo?" tanong niya agad sa'kin nang maabutan niya ako.

Umiling ako bilang sagot. Maya-maya lang ay bumukas na rin ang pinto ng elevator. Nagmamadali akong pumasok sa loob pero tulad na lang ng inaasahan ko ay sinundan niya ako.

"Katelyn Miranda, OA ka na ha. Kanina pa ako tanong ng tanong di ka man lang nagsasalita. Ano ba kasing problema mo? Saka bakit tanghali na kita nakita? Wala ka kanina sa desk mo. Naghalf day ka ba?" Sunod-sunod ang tanong niya sa'kin habang sinusundan pa rin ako palabas ng building.

"Naglunch ka na ba?"

"Wow ha, sa dami ng sinabi ko 'yan lang ang tanong mo? Pero sige, pagbibigyan kita. Hindi pa ako nagla-lunch kaya tara na."

Hindi na ako nagsalita nang hilain niya ako.

Sa McDonald's kami nagpunta na nasa likod lang ng building na pinagtatrabahuan namin. Bukod sa iyon ang malapit na kainan ay 'yun din naman kasi ang favorite ni Jenn.

"Bakit ang dami mong in-order? Kaya mo bang ubusin lahat 'yan?" sabi ko kasi sa kaniya ay hindi ako kakain kaya hindi ko alam kung bakit ang dami pa rin niyang binili.

"Malamang, hindi. Kaya tutulungan mo akong ubusin ito."

"Di ba sabi ko naman na wala akong—"

"Kahit na, kailangan mo pa din kumain." Sabay lagay sa harapan ko ng one piece chicken with rice at saka cheese burger at coke float. "At saka bakit ba naka-sunglass ka? Taas ng araw girl ha." Biro pa niya sa'kin.

Isang tipid na ngiti lang ulit ang naisagot ko sa kanya tulad na lang ng kanina ko pang ginagawa.

"Not unless namamaga ang mga mata mo dahil umiyak ka." Balewalang sabi niya.

Awtomatikong napatungo ako. Naramdaman ko na namang malapit ng lumabas ang mga luha sa mata ko.

"K-kate? Okay ka lang? Ano ba talagang nangyari sa'yo?" Magsalita ka nga? Kahapon ang sa'ya mo pa ah. Tapos 'di ba my date nga kayo ni Jeff?"

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mga mata ko kaya tinaggal ko ang sunglass na suot para punasan ang mukha ko.

"Omigosh, Kate, anong nangyari sa'yo? Sinaktan ka ba ni Jeff? Nag-away ba kayo? Nagbreak ba kayo?"

Parang gusto kong matawa kahit na nasasaktan at sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi pa kasi ako nagku-kwento pero lahat ng sinasabi niya ay tama.

"Kate, ano ba? Magsalita ka nga mukha kang tanga at mukha na rin akong tanga kakadaldal dito. Buti na lang nasa sulok tayo."

"Si Jeff kasi, wala na kami."

"What?!"

"Niloko niya lang ako."

"Anong niloko? Eh kahapon may date kayo diba? Anong nangyari 'dun. Don't tell me na kahapon nangyari 'tong break up na 'to. Saka paano nangyari? Paano mo nasabing niloko ka niya? Nakita mo ba? Ikwento mo nga."

Ikinwento ko na lang sa kaniya ang lahat ng nangyari kahapon. Mas mabuti na rin 'yun para kahit papaano ay may isang taon nakakaintindi sa nararamdaman ko.

"At talagang hinayaan ka lang niya. Alam mo mas okay kung sinabi niyang ikaw ang girlfriend niya eh. Sana inamin niya na lang ang totoo sa restaurant at sa harap ng mga kaibigan niya at sa babaeng iyon. Sana inamin niya na lang na nagkamali siya at niloko niya kayong dalawa nung babae. Sana kahit naeskandalo siya at least naipakita niyang matapang siya at gusto nyang itama ang kung anuman ang pagkakamali niya."

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now