Chapter 4

4 0 0
                                    



-=Katelyn=-

Kahapon lang ay tinitingnan ko ang voucher ng Acabrielle Resort pero ngayon ay heto na ako at pababa ng ng bangka na naghatid sa'kin sa isla kasabay ang iba pang turista.

"Welcome to Isla Acabrielle Ma'am." Nakangiting bati sa akin ng isang staff ng resort sabay lahad ng kamay upang alalayan akong bumaba ng bangka.

"Thank you." Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kaniya kahit na hindi pa rin maganda ang mood ko physically and emotionally. Paano ba namang hindi, kung ganitong napakaluwag ng ngiti nito at pati na rin ng ibang staff na sumasalubong sa mga bagong dating.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Napakasigla ng buong isla at pati na rin ng mga taong naroroon lalo na ng mga staff ng resort. Parang lahat masaya at nag-eenjoy. Isang bagay na lalong nakakapagbigay ng buhay sa lugar.

"Ah ma'am, I'm Aldrine. One of the staff here in Acabrielle resort. Ako po ang mag-aassist sa inyo para makapagcheck-in tapos ako na rin po ang maghahatid sa inyo sa room kung saan kayo mag-i-stay.

"Ah okay, salamat."

At ang sosyal ng resort na ito huh, may kaniya-kaniyang nag-a-assist sa mga guest.

"Ako na po ma'am." Pagboboluntaryo niya nang akmang bubuhatin ko ang dalawang travelling bag na dala. "Pwede rin po ba malaman ang pangalan niyo if you don't mind?"

"Ahm Katelyn. Katelyn Miranda."

"Thank you, Miss Miranda. Didiretso po muna tayo sa hotel for the check in process."

Naglakad na kami papunta roon. For sure iyon na ang building na tinutumbok namin ngayon. Malapit lang naman iyon sa pinagbabaan ng bangka kanina.

Pagkatapos ng check-in, ang alam ko ay dapat ihahatid niya na ako sa room ko pero hindi ko alam kung bakit palabas kami ng hotel ngayon. Di ba dapat aakyat kami sa taas dahil nandun ang mga rooms?

"Aldrine, s-saan tayo pupunta?"

"Ihahatid ko na po kayo sa room niyo –sa cottage niyo to be exact. Iyon po kasi ang nakalagay sa voucher niyo at nasa kanang bahagi iyon ng resort.

"Ah okay, hindi ko alam. Hindi kasi ako ang nagbook nito."

"Huwag po kayong mag-alala ma'am kasi kung ako ang tatanungin. Mas maganda 'yun kesa sa isang tipikal na hotel room."

"Talaga?"

"Opo, basta siguradong magugustuhan niyo 'yun."

Ilang minuto pa kaming naglakad bago namin narating ang kabilang panig ng resort. Puro mga native cottage ang naroroon pero hindi naman masyadong makita, kaya sigurong hindi ko nahalata kanina pagdating sa resort. Kahit na kasi nasa mataas na lugar ang mga ito ay napapalibutan naman ng mga halaman ang bawat isa giving each cottage some privacy na siguradong gusto ng mga guests.

At dahil nga mataas ang pwesto ng mga ito ay pahagdan ang daan papunta sa bawat cottage. Sa gilid naman ay iba't ibang klase ng halaman na lalo lang nagpaganda sa daan kaya parang hindi nakakapagod maglakad.

Feeling ko tuloy at any time may lalabas na diwata para salubungin ako.

"'Yung susunod po na cottage ang sa inyo, Miss Miranda."

Tumango lang ako sa kaniya at hinayaan kong mauna siya papunta dun.

Nakaalis na lang si Aldrine pero nakatulala pa rin ako habang nakatayo sa may pintuan ng cottage. Ikinurap ko pa ang mga mata ko nang makita ang loob n'un.

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now