Chapter 2

5 1 0
                                    

-=Katelyn=-

Unti-unti ng umaayos ang mood ko. Unti-unti na ring bumubuo ng mga positibong imahe ang isip ko. Pero sa isang iglap ang lahat ng iyon ay bigla na lang nawala nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha sa loob ng restaurant.

Gusto kong isiping nagkakamali lang ang mga mata ko, na dinadaya lang ako ng paningin ko. Pero hindi eh, dahil habang mas lumalapit ako sa restaurant na iyon, lalo ko lang nakokompirmang tama ang nakikita ko.

Hindi ako nag-alis ng tingin hanggang sa tuluyan akong nakatawid sa kalsada. Huminto ako sa labas ng restaurant at wala sa sariling pinakatitigan lang ang mukhang iyon. Nasa dulong bahagi ito ng restaurant kaya malaya ko siyang napagmamasdan mula sa labas ng hindi man lang niya ako napapansin.

It was him, si Jefferson Valencia –walang iba kundi ang boyfriend ko. Ang inaakala kong napakasipag kong boyfriend ay nakikipagkwentuhan lang pala sa mga ka-office mate niya. Sa tabi niya ay nakaupo ang isang mistisang babae na napakalawak ng ngiti habang ang isang braso ni Jeff ay naka-akbay sa kaniya.

Maya-maya ay may ibinulong si Jeff dun sa babae. At ewan kung ano ang sinabi niya pero bigla na lang natawa 'yung babae sabay halik sa mga labi ng boyfriend ko na tinugon naman nito ng walang pag-aalinlangan. Iyong mga kasama nila ay parang wala namang paki-alam na para bang natural na natural lang ang ginagawa ng dalawa. Sa madaling salita, mukhang bulgar nga talaga ang relasyon ng mga ito sa office.

Sobrang sakit lang isipin dahil lumalabas na niloko niya lang talaga ako.

Kahit kailan hindi ko naisip na kaya niya akong gawing tanga, na kaya niyang magsinungaling at kumuha ng isa pang babaeng isasabay sa'kin.

Sobrang sama ng loob ang nararamdaman ko. At dahil pakiramdam ko sobra-sobra na, hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang totoong masakit –ang eksena bang nangyayari sa harapan ko o ang katotohanan na ang tanga-tanga ko dahil pinagkatiwalaan at minahal ko siya ng sobra-sobra habang siya naman ay hindi man lang ako binigyan ng respeto at halaga.

Nagpapasalamat na lang ako na hanggang ngayon ay kaya ko pa ring kontrolin ang sarili ko. Hindi pa rin kasi bumibigay ang mga mata ko. Kahit na nararamdaman ko na at any time pwede ng bumagsak ang mga luha mula dito kung hahayaan ko lang. Akala ko pa naman katawan ko lang ang may malakas na pain tolerance, ngayon ko lang nalaman na ganun rin pala ang puso ko.

Tama, all in all, masasabi kong malakas ako. At dapat lang talaga, dahil hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako tumiklop. Sa pagkakataong tulad nito, sino pa ba ang pwede kong asahan? Wala namang iba kundi ang sarili ko di ba? And I need to do something to help myself, to fight for myself and to prove to them that I'm not weak. Wala akong balak sirain ang sarili ko, at lalong wala akong balak mag-eskandalo.

Sisiguraduhin ko na walang ibang maapetuhan dito kundi si Jeff. Siya lang naman ang may atraso sa'kin eh. Dahil malay ko ba kung alam nung babaeng dalawa kaming pinagsabay ng walanghiyang 'to. Kung nagpakilala kasing totally single si Jeff, hindi na kasalanan ng babae 'yun, kaya wala ng rason para idamay ko pa siya dito.

It just took me a minute to compose myself. Ilang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago tinungo ang pinto papasok ng restaurant.

Ngayon ko masusubukan kung gaano talaga ako katapang.

Let's see how far you can go Katelyn Miranda.

Nagkunwari akong pupunta sa wash area na nagkataon naman na nasa gawi ng kunauupuan nila. Hindi ko inalis ang tingin kay Jeff habang buo ang kompyansa sa sariling naglalakad. Kung sa tingin niya ay babagsak ang mga luha sa mga mata ko, pwes nagkakamali siya. Sisiguraduhin kong hindi niya makikita ang mga bagay na inaasahan niyang makita.

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now