Chapter 7

3 0 0
                                    



-=Katelyn=-

Pagkatapos niya sa kusina ay sinamahan niya na ako pabalik sa cottage ko.

Kanina ko pa alam na malaki talaga ang resthouse niya, pero hindi ko inaasahan na paglabas namin ay wala akong makikitang kahit na anong cottage o resthouse na iba sa paligid. Literal na mga puno, halaman at mga bulaklak lang ang tumambad sa harap ko na para bang wala ako sa resort.

Sinulyapan ko pa ng huling tingin ang dalawang palapag na resthouse niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong parte na ito ng resort?" tanong ko nang sabay na kaming naglalakad.

"Actually, wala tayo sa resort, pero malapit naman."

"Ha? Ah eh, eh di yung parang resthouse na 'yun, sa'yo talaga? Hindi mo inuupahan?"

Natawa siya sa tanong ko pero hindi ko na siya pinansin. "Yup, dapat talaga resthouse lang, pero dito na ako nakatira for almost two years."

"Wow!" Hindi ko mapigilan ang mapahanga dahil sa bahay niya.

Iyon yung laging pinapangarap ni Jenn eh. Lagi niyang kinikwento sa'kin na gusto niyang tumira sa magandang bahay na nakapwesto sa gitna ng mga puno't halamanan. Napakapeaceful daw kasi ng dating, mas masarap mag-isip-isip. Tapos itong lalaking ito, ganun lang naman ang bahay niya for almost two years.

Siya na talaga ang mayaman.

"Eh nasan nga tayo?"

"Nasa halos pinakagitna nitong isla." Nakangiting sagot niya sa'kin. "Yung bahay ko, nasa pinakaunahang parte ng private area nitong Isla."

"Private? Tapos 'yung public area ay 'yung resort, tama ba?"

"Tama ulit, 'yung resort ang public area, at syempre yung private area ay yung nasa kabilang parte ng isla." Paliwanag niya sa'kin. "Puro mga member lang ng Acabrielle Resort Club ang may resthouse doon."

Medyo pataas na yung daan na nilalakaran namin. Nadidisenyohan pa rin ng iba't ibang bulaklak ang magkabilang gilid habang puro mga punong kahoy at halaman na lang ang nakikita ko. Walang kahit na anong uri ng structure, kahit isang palatandaan ng cottage o resthouse ay wala.

Siguro mga limang minuto rin yung nagdaan bago ako nakatanaw ng cottage na katulad ng sa akin. Mas malaki nga lang iyon na parang pang group or family size yung dating. Nang makalagpas kami doon ay naging pababa na ang daan, may mga mabababang hagdan na rin at katamtamang laki ng cottage. Unti-unti nagiging pamilyar na sa'kin ang lugar.

"Hmmm, so member ka rin?" naitanong ko sa kanya nang maalala kung saan nakatayo ang sinasabi niyang bahay niya.

Natawa na naman siya sa di ko malamang dahilan. "Yeah, let's just say that."

"Anong—"

"Iyon na yung cottage mo di ba?"

Hindi ko na naituloy ang tanong ko dahil napatingin na ako sa tinuturo niya. Cottage ko nga 'yon. Di ko lang napansin dahil sa likod kami dumaan. At kahit na malapit na kami dun, hinatid niya pa rin ako hanggang sa labas.

"Ahm, thank you." Naiilang ako dahil nakatingin lang siya sa'kin na parang may ikinatutuwa siyang bagay habang tinitingnan ako.

"Pwede mo na akong iwan." sabi ko ulit sa kaniya nang hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.

"Okay. It's nice to talk with you, Katelyn Miranda."

"Sayo din." Ngumiti pa ako sa kaniya bago tumalikod. Aakyatin ko na sana ang tatlong baitang na hagdan ng cottage ko nang may bigla akong may maalala. "DC, wait lang."

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now