-=Katelyn=-
Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang buong isla. Pakiramdam ko ay ngayon pa lang ito nag-uumpisang magising. Konti lang ang mga taong nakikita ko kaninang hapon habang naglalakad-lakad, pero ngayon ay halos mapuno ng tao ang buong lugar. Kung hindi yata ako bumaba ngayong gabi, baka ako lang ang nag-iisang tulog.
Pumasok ako sa isa sa mga bar na nasa gitnang parte ng resort. Sa loob ako pumweto imbes na sa labas kung saan tila mas gusto ng karamihan. Ayokong kasing tingnan ako ng ibang dumadaan at isipin na loner ako. Pansin ko ang ilang kalalakihang nakatingin sa direksyon ko na naging dahilan para makaramdam ako ng pagka-ilang. Hindi na rin naman bago sa'kin ito noon –lalo na kapag kasama ko si Jenn. Pero iba ngayon eh. This time, mag-isa lang ako; wala si Jenn sa tabi ko at wala rin si Jeff na—
Shit.
Bakit ba kasi hindi siya mawala-wala sa isip ko? Lagi na lang siya, puro na lang siya, at dahil sa kaniya andito ako sa labas at naglalakad mag-isa. And yes, I have to admit that he's the reason why I couldn't sleep.
"Good evening ma'am."
Bati sa'kin ng isang waiter na may dalang menu nang makaupo ako sa mesang nasa dakong sulok ng bar.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya bago pinasadahan ng tingin ang menu kahit na alam ko naman kung ano lang ang bibilhin ko.
"Beer lang, please."
"Isang bucket po ba?"
"Ha?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Di ko naman kasi naisip 'yun kanina. Pero andito na rin lang ako at balak ko na rin namang uminom, ano pa nga ba ang sagot? "Sige."
Hindi ako umiinom pero hindi naman siguro masamang i-try kung hanggang saan ang kaya ko. Pwede naman akong umalis kung kelan ko gusto at wala namang kahit na sinong pipilit sa'kin na ubusin ang bibilhin ko.
Sandali lang at dumating na ang in-order ko. Napalunok pa ako habang binubuksan iyon isa-isa sa harapan ko. Saglit ko iyong tiningnan pagkaalis nung waiter bago kumuha ng isang bote at nagsalin sa baso.
Napailing ako sa sarili ko habang tinitingnan iyon. This could be one of the craziest thing na gagawin ko sa buhay ko –ang magpakalasing sa isang bar ng mag-isa.
Pero hindi, hindi naman ako magpapakalasing. Kailangan ko lang uminom ng konti para makalimot at makatulog. Tama, yun lang ang gagawin ko. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa sarili ko.
Idinako ko na lang ang atensyon sa bandang tumutugtog sa harapan. Mas mabuti ng doon ako magfocus kesa naman bigla ko na lang kausapin ang sarili ko.
Saglit akong nag-alis ng tingin sa harapan nang matapos nila ang isang kanta. Ngunit noon ko naman biglang nahagip ng tingin ang magkasintahan na nakapwesto sa kabilang sulok ng bar kasama ang isang grupo. Naglalambingan ang dalawa na parang hindi nila alintana na may iba pa silang kasama.
Awtomatikong napakunot ang noo ko nang may ibulong ang lalaki dun sa girlfriend niya. Bigla na lang natawa 'yung babae at humalik sa boyfriend niya.
"What the hell?" Hanggang dito ba naman?"
Bakit ba para akong pinaglalaruan ng pagkakataon? Sa kinarami-rami ng eksenang pwedeng makita ay ito pa talagang makakasakit sa'kin ang ipapakita niya?
Inilang lagok ko ang beer na nasa baso bago nagsalin ng panibago.
Hindi nagtagal at umiiyak na naman ako. Hindi ko na kaya dahil sobrang sakit na.
Hindi kasi ako sanay sa ganito eh. Ngayon lang naman ako nasaktan ng sobra. Ngayon lang naman kasi ako iniwan. Ngayon ko lang naman naranasan kung gaano ba kasakit ang salitang "break up". Paano ba naman hindi, eh siya lang naman ang nag-iisang naging boyfriend ko.
YOU ARE READING
Somewhere with Someone
RomanceKaty is one of a kind when it comes to relationship. Masasabing swerte nga sa kanya ang boyfriend nyang si Jeff dahil sa pagiging loyal, understanding and supportive na girlfriend nya. But things aren't always good kahit pa gaano mu iniingatan at in...