Chapter 5

4 0 0
                                    

-=Katelyn=-

Nagising ako sa isang kwarto –o mas magandang sabihin na sa isang clinic kung pagbabasehan ang pagkakaayos ng nito. Ilang hakbang mula sa kanan ko ay ang pinto at sa kaliwang banda ko naman ay may tatlo pang bakanteng kama.

Ilang minuto na rin akong gising. Kasalukuyan akong nag-iisip kung sino ang nakakita at nagdala sa'kin dito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki sa loob. For sure, hindi siya ang doctor o nurse dahil naka-beach short at sando lang siya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalala sa tono ng boses niya at hindi ko naman alam kung bakit dahil hindi ko naman siya kilala.

"Medyo okay na." Iyon lang ang naisagot ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Physically ang emotionally ay hinang-hina na ako. Ilang araw na rin kasi akong hindi kumakain at hindi natutulog ng maayos. Hindi ko naman sinasadya, pero ano bang magagawa ko kung hindi iyon ang mga bagay na gustong gawin ng katawan ko?

"That's good to hear, Katelyn. Pero sa tingin ko kailangan mo pa ng pahinga dahil maputla ka pa. Ang lalim din ng mga mata mo. Parang ilang gabi kang hindi natulog."

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"One of the staff saw us habang buhat kita papunta dito sa clinic. He said that your name is Katelyn Miranda." Saglit pa siyang huminto sa pagsasalita, tinatantya kung tama ang sinabi niya mula sa expresyon ng mukha ko. "Siya daw 'yung nag-assist sa'yo kaninang umaga."

Malamang si Aldrine ang tinutukoy niya.

Dahan-dahang pagtango lang ang naisagot ko.

Pero teka, ibig sabihin ang lalaking 'to—"Ikaw ang nagdala sa'kin dito? So ikaw ang nakakita sa'kin?"

"Yes," may gumuhit na simpleng ngiti sa mga labi niya. "buti na lang madalas akong tumambay dun sa may batuhan. Akala ko nga ako lang 'yung nandoon, tapos bigla na lang may narinig akong bumagsak. Hinanap ko kung ano 'yun at nakita kita na wala ng malay d'un sa likod ng malaking bato."

So ito pala 'yung sinisilip kong kumanta kanina.

Kung ganun, tama nga ako. Kung gaano kaganda ang boses niya ay ganun din siya kagwapo. He's a good singer, guitarist and a real hunk. Parang complete package lang.

"Are you okay?"

Ikinurap ko ang mga mata. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sa mukha niya kaya napaiwas ako agad ng tingin dahil sa naramdamang pagkapahiya.

"Pasensya na," hindi ko alam kung sinasabi ko iyon dahil sa abala o dahil sa pagkatulala ko sa mukha niya, "pero salamat sa pagdala dito. Naistorbo pa tuloy kita."

"Wala 'yun, paalis na rin naman ako nung time na 'yun."

Ngumiti ulit siya sa'kin pero bago pa ako tuluyang madala ng mga ngiting iyon ay bigla namang bumukas ang pinto.

"Hi Katelyn, gising ka na pala."

Sabay pa kaming napatingin sa direksyon nito.

"I'm Jared and I'm the doctor here in Isla Acabrielle." Pagpapakilala niya nang makalapit.

Tipid lang na ngumiti ako sa kaniya bilang sagot.

"Eh itong katabi ko, nagpakilala na ba sa'yo?" tanong ulit ni Doc Jared na ang tinutukoy ay ang lalaking nagdala sa'kin.

Sa pagkakataong ito ay umiling naman ako sa kaniya. Inilipat ko ang tingin sa lalaking naghatid sa'kin pero mabilis itong nag-iwas ng mga mata.

"Sus, wala talaga." Iiling-iling pa siyang tumingin sa katabi niya bago ibinalik ang tingin sa'kin. "Yan si DC, pinsan ko 'yan at siya rin ang—."

Somewhere with SomeoneWhere stories live. Discover now