-=Katelyn=-
"Hindi nga, Jenn. What happened before was just a coincidence." Saglit kong ipinikit ang aking mga mata para pawiin ang inis ko sa tanong niya.
Dalawang araw na kasi ang nakakaraan mula noong ikinwento ko sa kaniya ang nangyari sa'kin at kung sino ang tumulong sa'kin. At mula noon, ay lagi na lang siya tumatawag –hindi para kamustahin ako, pero para lang itanong kung nakita ko na ulit si DC.
Kahit na ba ilang ulit kong sabihin sa kaniya ang parehong litanya – na hindi ko na nga siya nakikita dahil nagkataon lang ang lahat at wala akong balak hanapin siya—ay hindi niya pa rin ako pinapakinggan.
"Ang sad naman. Ang liit lang naman ng isla pero hindi mo man lang siya makita kahit isang sulyap lang."
"Aiist, hindi ito kasing liit ng iniisip mo."
"Weh? Inilibot ka niya d'yan?" at sa isang iglap ay napuno na naman ng excitement ang boses niya.
"Hindi, hindi, hindi!" Konti na lang talaga ay mabababaan ko na siya ng phone.
"Eh ano nga, kwento mo kasi!"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Buti na lang pala hindi ko nasabi sa kaniya na dun ako dinala ni DC sa bahay niya nung nalasing ako.
"Enough, Jenn. Wala ng kwento."
"Naman eh..." reklamo niya pa sakin.
Pero kahit na magdabog pa siya wala na talaga akong balak magsalita.
"Saka na lang, kapag nakabalik na ako d'yan." Sagot ko sa kaniya. "And promise, ikukwento ko lahat ng gusto mong malaman pagbalik ko. Huwag lang ngayon, please." Dagdag ko pa, para hindi na siya mangulit.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang pag-uusap namin at pumayag siya sa sinabi ko. Buti na lang talaga at pinakinggan nya ako this time. Kasi kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Pagkatapos ko mag-almusal ay naisip kong maglakad-lakad ulit.
Halos paulit-ulit na lang ang ginagawa ko, pero hindi naman ako nagsasawa. Natutuwa kasi akong panoorin ang mga tao sa may tabing dagat, habang nagkakwentuhan sila o naglalaro ng kung ano. Meron ding nagpi-paint, may nagdo-drawing, may gumagawa ng sand castle, minsan may nagpo-photoshoot, may nagbabasa, may nagsusulat, at kung anu-ano pa. Pero ang pinaka may epekto sa'kin, ay 'yung mga lovers na magkahawak-kamay na naglalakad.
Nakakainggit, nakakamiss, pero saglit lang dumadaan ang mga pakiramdam na iyon. Agad kasi silang napapalitan ng sakit.
Bago pa kung saan mapunta ang iniiisip ko ay nagpunta na lang ako sa gitnang parte ng resort kung saan nakapwesto ang mga souvenir shops, at ilang bar at mga kainan. Isang beses pa lang ako nakapunta dito sa pinakaloob, hindi ko nga lang masyadong na-enjoy noong una dahil masyadong maraming tao. Marami pa rin namang tao ngayon, pero dahil medyo malapit ng magtanghali, hindi na ganun karami na halos kailanganin ko pa makipagsiksikan.
Sa mga souvenir shops lang ako pumunta at saglit akong naglibot bago huminto sa isang store na gusto ko sanang tingnan noong nakaraan. Nasa may dulo na 'yun at kumpara sa iba ay mas mura ng konti ang mga tindang bracelets, bags at kung anu-anong pang summer accessories dito.
Parang lahat naman ng tinda dito maganda, masarap bilhin, pero ang nakita ko lang talaga na pinakagusto ko ay yung isang simpleng bracelet na gawa sa mga maliliit na seashells. Simple lang pero ang cute, cute tingnan.
"Katelyn!"
Napalingon ako sa direksyon ng tumawag sa'kin at nakita si DC na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.
YOU ARE READING
Somewhere with Someone
RomanceKaty is one of a kind when it comes to relationship. Masasabing swerte nga sa kanya ang boyfriend nyang si Jeff dahil sa pagiging loyal, understanding and supportive na girlfriend nya. But things aren't always good kahit pa gaano mu iniingatan at in...