Kabanata 10

13 1 0
                                    

LOUIE'S POV

Nandito na ako sa labas ng school namin at hinihintay si Hailey.

'Ang tagal naman nun lumabas kahit kailan tssk.' Pabulong na sabi ko. Buti nakita ko sila Gab at Andrei.

'Drei! Nakita mo ba si Hailey??' Pagtatanong ko nito.

'Ay pasensya na brad hindi e, pero alam kong kanina pa lumabas yun e.' Pagsasabi niya.

'Ah ganun ba? Salamat brad.' Bilang sagot ko at tumango siya.

Fuck! Yung babaeng yun talaga kanina pa pala lumabas. Lagot talaga siya sa akin. Haynako.

To: Hailey
Hi sunflower! Ba't mo ko tinakbuhan?? Hayaan mo bukas hindi kana makakatakas sa akin hahaha 😘

Sisiguraduhin kong ako na talaga ang maghahatid sayo palagi.

HAILEY'S POV

After ko magshower narinig kong nagring yung phone ko.

*cring cring cring*

From: 09*********
Hi sunflower! Ba't mo ko tinakbuhan?? Hayaan mo bukas hindi kana makakatakas sa akin hahaha 😘

Hays etong si Louie talaga ang tigas tigas mukha! Haynako.

To: Louie
Talaga ba? Nek nek mo! Kala mo dyan.

From: Louie
Wow naman ma'am! Hahaha takot ako sayo. Basta see you bukas 😘

Argh!! Nakakainis talaga tong si Louie.
Ewan ko ba.. bigla ko nalang tinext si Gerald ng di ko alam bakit..

To: Gerald Ace
Hi... ahm ano? Okay lang ba if sabay tayo umuwi bukas? Atsaka pumasok??

Mas mabilis pa sa orasan ang pagreply ni Gerald infairness mga besh.

From: Gerald Ace
Oo naman no! Ano ka ba! So pano ba yan? See you bukas? 😄

To: Gerald Ace
Oo naman. See yah!

Di ko namalayan nakatulog na ako. Nagising nalang ako ng ginigising na ako ni Tita Marie.

'Hailey! Hailey! Gising may bisita ka sa baba! At malalate kana!!!' Paggising ni tita sa akin.

Kaagad ko naman kinusot mata ko at umunat umunat sabay nagtanong ng..

'Huh?? Sino po nandyan ta??' Pagtataka ko dito.

'Louie ba yun??' Pagiisip ni tita ng mabuti.

'Huh?!!! ANO BA KITA DAW?!?' Bigla nagising ang diwa ko.

'Malay ko din no! Aba bilisan mo na.' Pagsabi saka umalis.

'ARGHHHHHHHHHH NAKAKAINISS!!!!' Pagsigaw ko bago kumilos.

Tinagalan ko kumilos para mainip at umalis! Sana naman dumating na si Gerald huhu. Pagkatapos ko e saktong nakita ko si Gerald nandun! Yes sa wakas thank you Papa God!

'Good morning sunflower!' Ngising ngisi na sabi ni Louie. Pero inirapan ko to.

'Hi hailey' nakangiting bati ni Gerald at nginitian ko siya bilang tugon.

'So tayo na? Tara na malalate na tayo e.' Yaya ni Gerald at tumango ako bilang sagot. Nakita kong kumunot ang noo ni Louie at napanganga.

Umalis na kami at di na namin pinansin si Louie. Aba bahala siya dyan kasalanan niya yun no!

'T-Thank you Gerald...' nahihiyang sabi ko sakanya at ngumiti lang siya.

Habang asa baba kami ng school para tignan yung mga sunflower namin na malapit na ang pagbloom.

'Satingin ko kasing ganda mo tong sunflower hahaha.' Pambobola ni Gerald sa akin.

'Hindi no! Mas maganda yan sa akin hehe..' nahihiyang sagot ko.

'Sus! Para ka kayang isang bulaklak na kahit di pa nagblobloom maganda na... atsaka kalimutan mo na yun..' pagsabi niya pero di pa siya tapos magsalita..

'Gawin mong isang bulaklak ang sarili mo.. magsimula ka sa isang buto, hanggang sa dahan dahan ka nagblobloom.. bumuo ka uli ng panibagong bulaklak na pwede mahalin ng kung sino man..' pagduktong nito kahit nahihiya siya.

'Ah e.. wala naman na magmamahal sa akin e..' nahihiyang sagot ko habang nakatingin sa sunflower.

'Meron pa. Ako hailey.. ako..' madiin niyang sagot sa akin.

Hindi ako nakasagot at hinayaan nalang siya. Pero binasag niya ang katahimikan.

'Hindi ka naman mahirap mahalin hailey e...' pagsabi niya ng seryoso.

'Paano mo naman nasabi ha? E bat ako iniwan ng kaibigan mo?' Pagdidiin ko dito.

'Hindi ko alam hailey... pero an alam ko lang masyado kang mahalaga para sa akin.. ba't di nalang ako ang mahalin mo??' Pagsasabi niya.

'Hindi ko alam.. I'm sorry. Napagusapan na natin to diba? Na hanggang kaibigan lang... mas may deserving pa para sayo.. at hindi ako yun Gerald.' Naluluhang sabi ko skanaya.

'Pero para sa akin ikaw yung deserving para sa akin!' Medyo tumaas na yung boses niya.

'Hindi lang ako ang babae para sayo Gerald. May makikita ka pa! May dadaan pa sa buhay mo. At kung dumating man sila, mahalin mo siya kung paano mo ko tinanggap at minahal! I'm really sorry... n-nandito a-ako.. b-bilang kaibigan m-mo..' Umiiyak na sabi ko atsaka tumayo at tumakbo sa C.R..

Hindi ako sumabay sakanya pauwi.. at hindi ko din kinausap si Louie. Kahit mga kaibigan ko di ko kinikibo.. kaya ako lang magisa umuwi. Nakatulala ako sa walang hanggan at iniisip ko pa din si Lenard....

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now