Kabanata 7

15 1 0
                                    

HAILEY'S POV

Nakatingin ako sa kawalan kasi iniisip ko pa din yung napaginipin ko kagabi. Nakipagbalikan daw sakin si Lenard ay saktong sa birthday ko pa. Hays kung totoo man yung naging panaginip ko sana di nalang ako nagising. Para naman kahit sa panaginip naranasan ko uli mahalin ang isang tulad niya. Maranasan ko uli mahalin ang isang tulad niyang matagal ko ng pinangarap sa buhay ko. Mahal ko pa din naman siya e kahit tatlong buwan na ang nakakalipas. Mahal ko pa din siya kahit sabihin man nating eto na yung 3 month rule, na after ng tatlong buwan na hiwalayan pwede na ako maghanap ng iba. Pero hindi e, di naman kasi ganun kadali yun lalo na't ang dami na namin napagsamahan. Lalo na't ang dami na namin napagdaanan sa loob ng isang taon... oo halos isang taon din ang relasyon namin. Isang taon din namin minahal ang isa't isa kahit madami din ang mga naging problema namin.

Biglang napatigil ako sa pagtingin sa kalawakan ng may kumakalabit sakin.

'Hoy hailey!!! Bakit ka umiiyak????' Bulong na tanong ni drei sakin.
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

'Ah.. e.. wala to may naisip lang ako na nakakaiyak na pinanood ko kagabi...' Pagiwas ko ng tingin sabay punas sa luha ko.

'Sus hailey wag nga kami. Alam naman naming si Lenard pa din ang iniisip mo! Ano ba move on na te.' Pagsingit ni Gab sa usapan namin.

Nagulat ako ng makita kong nakatingin sa amin si Lenard na tila ba't nagtataka ang kanyang mga mukha. Umiwas nalang ako sabay nagsulat uli ng notes.

LENARD'S POV

Nakita ko siyang nakatingi sa bintana at tila ang lalim ng iniisip niya. Baka naman inlove na siya uli kaya ganyan nalang siya kung magisip??? Pero mali e tila ang lungkot ng mga mata niya. Hindi ko matukoy kung ano yung iniisip niya. Nakita ko nalang bigla ang pagtulo ng mga luha sa mata niya kaya dali dali kong sinabihan si Phoebe, yung seatmate ko na sabihan si Andrei na umiiyak si Hailey.

'Pasabi naman kay Andrei na kalabitin si hailey...' pabulong na sabi ko kay Phoebe. Tumango naman siya bilang sagot.

Nakita ko ngang kinalabit ni Andrei si Hailey. Sana hindi ako yung rason... sana hindi ako uli yung rason sa pagiyak niya.

Mga ilang minuto din sila nagusap, nagkibit balikat sakin si Andrei para sabihing di niya alam ang sagot bat umiyak si hailey... pero alam kong alam niya yung sagot. Nakatingin lang ako ngayon kay Hailey ngayon pero nakita kong umiwas siya at nagsulat.

Hays hailey wag kana umiyak.. wag mo na ako iyakan. Makakahanap ka din ng iba na mas papahalagahan ka at di ako yun.. may mas deserving pa para sayo.

'Hoy! gab try out ka naman bukas para may kasama ako!!' Pagaaya ko kay Gab habang nakaupo kami sa court.

'Haynako hailey tantanan mo ko! Ayoko nga! kayo nalang ni drei cheer leader nyo ko no!!' Pagsusungit ni Gab sakin.

'Hayaan mo nga yan hailey! Alam mo naman sainyong dalawa mas pabebe at babaeng babae kumilos yang si Gab! Hahahahahahaha!' Pagtawa ng malakas ni drei na may halong pangaasar.

'Wow ha! Kala mo di ka pabebe! Utot mo drei.' Pagtaray na sagot nito.

'Hep! Tama na yan mamaya magkapikunan pa kayo e.' Pagsingit ko sa dalawa.

'Ikaw lang naman pikon samin e.' Sabay na sabi ni Gab at drei.

'Sabay pa talaga ha? Edi wow sainyo tantanan nyo ko.' Pagtaray ko sabay tumingin ako sa mga bata sa field na naglalaro.

Pauwi na din ako galing sa school ng may biglang tumigil na motor sa harap ko.

'Hi sunflower!' Bungad na sabi nito.

'Ikaw??? Ikaw si sunflower???' Laking gulat na tanong ko.

'Yes sunflower hahaha! Namiss mo ba ako??' Sabi nito sakin.

Siya??? Si Louie Hayes!! Ang naging ultimate crush ko nung elementary pa ako. Pero wait! Pano niya nalaman number ko?????

'Stalker ba kota ha?! Atsaka FIY di kita namiss wag ka nga.' Pagtataray na sabi ko habang naglalakad.

'Sus nako nako di daw talaga ba??' Pangaasar nito sakin.

'Hindi talaga! Atsaka pano mo nalaman number ko ha?!? Wag mo nga akong sundan!' Naiinis na sabi ko.

'Mahalaga ba yun? Hahaha! Tara na sakay na hatid kita.' Pagkulit nito sakin.

'Ayoko nga mamaya kung san mo pa ako dalhin e!' Pagtataray ko.

'Kahit kailan talaga hailey walang pinagbago tara na!' Sabay hila sa akin at sinuotan ako ng  helmet.

Pinaghahampas ko naman siya! Pero tinigil ko din natatakot ako e hahaha mamaya masemplang pa kami. Hinatid nga niya ako at sabay sabi ng

'See you bukas sunflower! Isang buong school year nanaman kita kukulitin.' Sabay flying kiss at harurot sa motor niya.

Nakakaloka tong isang to. Masemplang sana siya napaka yabang e! Pero atleast gwapo pa din charot lang kay Lenard lang ang mga mata ko.

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now