Kabanata 2

18 3 0
                                    

Lumipas ang dalawang buwan, lumipas ang summer at pasukan na nga namin. Pero bakit ganito? Bakit nakaramdam ako ng sakit at saya? Sakit kasi makikita ko nanaman siya.. at saya dahil nalaman kong magsasama nanaman kami sa iisang school, at ang malupit pa dun classmate ko siya! Oo nakakainis na nakakakilig.

Halos buong summer ko din siya sinusuyo.. sinusuyo na ayusin pa namin pero wala na talaga e.

*cring cring cring*
Ang ingay naman ng alarm ko, sabay ko kinusot mata ko at pinatay ito.

As usual nagmamadali nanaman ako dahil late nanaman ako, ano pa nga ba bago dito? Halos tulad din nung last school year lagi ako late at tulog sa klase hahaha! Ano pa nga ba magagawa ko e no.

'Bilisan mo na dyan hailey aba! Late ka nanaman! Aba first day na first day e.' Sigaw sakin ni tita marie.

'Pababa na po ako tita wag kana magalit! Ahahaha.' Pang aasar ko at bumaba na ako, nagbeso na ako kay tita at umalis na.

Habang naglalakad ako bigla ko naman nakita yung bestfriend ko. Kaya sabay na kami pumasok, at masaya naman ako kasi magclassmate uli kami ngayong taon kahit papaano naman diba?

'Aba laki ata ng ipinayat mo kahit papaano!' Pambobola niya sakin.

'Che! Ewan ko sayo umagang umaga hahaha.' sagot ko sakanya.

'Ano na nga pala nangyari sa summer mong duguan ang puso? Hahahaha!' Pagusisa niya sakin.

'Wala na talaga e, halos magmakaawa na ako pero wala..' malungkot na tono ng boses ko.

'Hays ganyan talaga ang buhay! Hayaan mo na makakalimutan mo din siya.' Sabi ni gab sa akin.

'Sana nga gab, sana makalimutan ko nga siya.' Yan nalang ang nasagot ko. Alam ko naman kasi na di ko kayang kalimutan ang isang tulad niya e.

Maya maya habang naglalakad kami may biglang umakbay sa aming dalawa! Himala nandito ang isa naming kaibigan. Hahaha oo tatlo kami. Ako, si Andrei Cruz at si Gabrielle Santos yung kakwentuhan ko ngayon.

'Kamusta naman ang mga panget kong kaibigan! Hahahahaha.' sabi nito sa amin. At sabay namin siyang hinampas.

'Ako masaya naman hahaha ewan ko lang dito sa tropa nating sugatan!' Pangaasar ni gab sa akin.

'Ay broken lang ang peg hanggang ngayon?? Balita ko madaming transferee sa lower levels baka mapalitan mo na yang si Lenard.' Pagdagdag nito ni Andrei.

'Eww patol bata lang ang peg??' Sabay sabi namin ni gab at sabay tumawa.

Oo na panget na pangalan ng nakaraan ko ano magagawa nyo! Hahaha pero pak na pak naman ang itsura mga besh.

Ang puti puti niya, hindi naman ganun katangkadan pero matangos ang ilong niya, may time na naninigkit ang kanyang mga mata, at ang pinaka maganda sakanya ang kanyang labi, mga labi niyang napaka pinkish at ganda! Oh diba pak na pak lang mga besh. Pangalan lang naman niya is Lenard Raymart Cruz. Ang nagiisang taong minahal ko, at minamahal ko pa din hanggang ngayon...

'Aba loko tong babaeng to! Nagdaydreaming pa ang gaga!' Sabay batok sakin ni Andrei tas tumawa lang samin si Gab.

'Haynako! Tila naman di ko kayo mga kaibigan bala nga kayo dyan!' Sabay nagwalk out ang ate nyo. Narinig ko naman nagtawanan ng malakas ang mga loko loko.

Pagkapasok namin sa room, nakita ko si Lenard na kausap ang ilan niyang mga kaibigan. Saktong nagkatitigan pa kami, pero di ko kinaya kasi for sure mamumula ako na parang kamatis pagtumagal pa at umiwas na ako ng tingin.

'Dun tayo sa dulo! Hahaha alam nyo na gaya last school year.' Sabay turo ni Andrei sa dulo sa mga upuan. Kung saan mas malapit to kila Lenard.

'Wag na dun, dito nalang tayo oh.. tsaka wala ako matututunan sa likod hehe.' Pagdadahilan ko sakanila.
'Sus yun ba talaga? Oh dahil malapit lang kay Lenard! Ano ba tara na hayaan mo yan! Hahaha.' Sabay hila saakin ng dalawang loko loko.

Natapos ang dalawa naming subjects ang recess na. Syempre wala naman bago sa first day. Puro pakilala lang naman sa mga classmates and teacher. So far so good wala naman bago kaya ayun, kaya lang nakakaumay sila padin ang mga kabatch ko last year.

Nagdasal na kami at saktong pagkadilat ko ng mata nahuli kong nakatingin si Lenard sakin. Pero di ko nalang pinansin yun. Nagmadali na ako lumabas.

'Ano ba yan hailey! Saglit lang nagmamadali lang ha?! may date may date te?!?' Sabi ni Gab sakin kasunod si Andrei.

'Wala di ko lang bet atmosphere sa loob tingin kasi ng tingin kaurat.' Sabi ko sakanila hahaha

'Sus feeler naman nitong tropa natin! Hahahaa bahala ka dyan magassume, umupo na nga tayo!' Pangasar naman ni Andrei sakin.

Di naman talaga ako feeler, totoo yun, dalawang beses kami nagtitigan hays ewan ko ba. Tila tuloy gusto sumabog ng puso at kaluluwa ko sa saya pero gusto din sumabog nito sa galit sakanya... pero ang hirap e. Nangingibabaw pa din yung pagmamahal ko kahit pinagsawaan niya ako....

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now