Kabanata 11

7 2 0
                                    

Ilang araw din ang lumipas simula ng nagkasagutan kami ni Gerald. Buti nga at di ako ginugulo ni Louie e.

'Morning ate hailey!' Pagbati sakin si Cia na kateam ko din sa basketball.

'Morning din! Saan si coach?' Pagtatanong ko.

'Nandun po sa faculty ate!' Nakangiting sabi nito sakin.

Oo saturday na ngayon. Ngayon din yung araw ng try out para sa ibang di nakapagtry out.

'Sige cia punta muna ako kay coach. Thanks!' Masayang sabi ko sakanya.

Habang naglalakad ako may nakita akong gwapong lalaki na halatang di to nagaaral dito sa HAA. Pinagmasdan kong maigi ang gwapong to.

Unang napansin ko yung pagkatangkadan niyang lalaki. Yung maamo niyang mukha. Napaka gandang kilay at mata na may magandang pilik mata! yung mga labi niya na mamula mula. Di naman ganun kamaskulado ang katawan pero tama na! Hahaha.

Shet! Siya na ba ang ibinigay para sa akin?! Charot. Landi landi ko naman mga besh. Pero seryoso.. sino kaya tong lalaking to! Makikilala din kita later baby hahaha!

Kumatok ako para pumunta sa table ni coach.

'Coach! Morning po. Ano na po gagawin natin?' Pagtatanong ko dito.

'Kunin mo yung mga cones pati natin tong check list ko. Paayusin mo na din yung mga players na andun. Sabihin mo kay cia na ayusin na nila ni Angel yung orasan at iba pa.' Paguutos ni coach.

'Sige po coach una na po ako sainyo' pagkuha ko ng mga kailangan at dumiretso na sa court.

'Cia! Sabi ni coach ayusin nyo na daw yung mga kailangan ni ate Angel, mukhang magstart na ata e.' Pagsasabi ko dito.

'Sige po ate!' Nakangiting sabi.

Eto talaga gusto ko kay Cia e masyadong masayahing bata. Yung tipong tila walang problema. Puro lang siya ngiti at nakakahawa. Ganun din kay ate Angel masaya kasama at mararamdaman mo talaga sakanya yung presensya n panginoon.

Naging maayos naman yung try out namin. May mga bagong nakuha siguro 4 kami. Ako, si yuri besco, si mandie dizon, tas yung isang bago.

'So congrats guys. Sa monday start na tayo ng training. Cia pakisabihan na iba mong teammates ganun din sayo angel.' Pagsabi ni coach bago kami iniwan.

'Ate kamusta kana pala?' Pagtatanong ni cia sa akin habang inaayos niya yung mga cones.

Kamusta nga ba ako? Kamusta na nga ba yung puso ko?? Tama bang isagot ko ay okay lang ako kahit ang totoo parang dinudurog pa din ako??

'Ah ano.. halo kasi e.. masaya ako na malungkot sa totoo lang..' yan lang nasagot ko.

'Bakit naman ate? Nabalitaan ko po yung sainyo ni kuya Lenard ah?' Pagusisa niya.

'Oo nga e. W-wala e, m-mahal ko parin siya.. kahit sabihin niya maghanap ako iba pa din pagnakasanayan mo na e..' pagpapaliwanag ko kay cia.

'Hayaan mo ate.. god knows yung pain mo ngayon.. Papalitan niya din yang pain mo ng happiness and alam kong magiging contented ka dun.. Malay mo near in the future, may dumating sa buhay mo na hihigitan yung pagmamahal na nakasanayan mo diba?' Pagpapaliwanag niya sa akin.

'Sana nga cia! Hayaan nalang natin.' Atsaka kami tumayo at magligpit ng mga gamit namin.

HAILEY'S POV

May tama naman sa sinabi ni Cia e. Paulit ulit din bumabalik sa isip ko yung mga binitawan niyang salita..

'Hayaan mo ate.. god knows yung pain mo ngayon.. Papalitan niya din yang pain mo ng happiness and alam kong magiging contented ka dun.. Malay mo near in the future, may dumating sa buhay mo na hihigitan yung pagmamahal na nakasanayan mo diba?'

Pero siguro hindi pa eto yung panahon para maglet go.. pero kung paglelet go lang naman ang susi pabalik sa kaligayahan ko kahit alam kong kaligayahan ko si Lenard mukhang mahihirapan talaga ako.

Acceptance is the key to your own happiness. Yan ang laging sinasabi para makalimutan mo ang nakaraan. Kasabay nun ang pagpaparaya.. pagpapakawala sa sarili mong matagal ng nakakulong sa tapos ng pangyayari at alaala.

Oo nga tinanggap mo nga pero pano mo pa din matatamo ang kasiyahan kung hindi mo pa pinapakawalan yung puso mo para sakanya? Yung mga hinanakit at bakit na tanong na naiiwan pa sa puso mo? Mga pagpaparaya na gagawin.. pagparaya sa sarili.. oo kailangan sarili muna ang intindihin natin. Di naman kasi tayo pwede magmahal uli kung hindi natin mamahalin unang una ang sarili natin.

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now