Kabanata 13

9 2 4
                                    

Napalingon ako ng tinawag ako ni Uni at sumenyas na tabi kami. Wala din kasi si Lenard absent.

'Gaga ka! Alam mo na ba?' Pagtatanong nito sa akin.

'Ang alin ba? Hahaha ano pinagsasabi mo?' May kutob naman ako kung sino tinutukoy niya.

'Yung anes, yung bagong nagugustuhan daw ni Lenard?' Pagsasabi niya.

'Ah oo nababalitaan ko yun.. yung sa lower level ba?' Pagtatanong ko kung tama ba.

'Ou te! Balak na nga ata ligawan ni bruho e!' Mukhang di boto si Uni ah.

'Hahaha! Wag ka nga bitterela dyan! Di hamak naman kabogera tayo charot!' Sabay hampas ko ng mahina sakanya.

'Hahaha! Sino kaya ang hindi bitterala?!' Pangaasar ni Uni sa akin.

'Pero ang balita ko panget daw ugali nung bata!' Pagdagdag niya nito.

'Ay talaga te?? Hmm bata pa may attitude na ubra ba sa akin? Charot uli! Ahshahah' Pagtataka na may halong biro.

'Yun ang sabi sabi ateng! Di ko pa naman nacoconfirm.' Pagsabi niya.

'Ay hmm ano bang name nung babaeng yan ha?' Pagtatanong ko.

Nagisip siya ng mabuti. Baka kasi nakalimutan niya.

'Ayun! Michelle Quines hahaha!' Pagkalaman na pagkalaman niya.

'Hmmm parang narinig ko na yan! Ah alam ko na bff siya ng kateam ko na si Cia.. hehe sige thanks!!' Pagngisi ko ng malaman ko.

Yung batang yun pala hmm. Okay lang naman pero magsisiyasat pa ako.

'Ikaw ateng ha! Alam ko yang ngising yan!' Totoo alam na alam talaga ni Uni. Sabay kami nagapir at nagtawanan.

'Ahm hi cia' pagbati ko sakanya. Sabi ko kasi magusap kami may itatanong lang ako alam nyo na!

'Ay hello ate hailey!' Nakangiti siya.

'Ah e.. a-ano kasi may itatanong sana ako sayo...' nahihiyang sabi ko.

'Kung okay lang ba sayo?' Pagdagdag ko.

'Oo naman ate no! Ano po ba yun?' Pagtataka niyaa.

'Diba kaibigan mo si Michelle Quines?' Paguumpisa ko. Tumango naman siya bilang sagot.

'Ano kasi.. m-mabait ba siya????' Pagtatakang tanong ko.

'Yung totoo ba ate??' Seryosong tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

'Minsan may attitude siya! Malapitin nga yun sa boys e!' Pagsisimula niya habang nakikinig ako.

'Pero makikita mo din sa mga mata niya yung kalungkutan niya... mabait din naman siya ate.' Seryosong sabi niya.

'Ah ganun ba?? Hays thank you cia!' Atsaka nagpaalam na ako.

HAILEY'S POV

Mabait naman pala si Michelle e. Pero ano parin ang ikinatatakot ko? Natatakot ba akong pakawalan na siya??? Pero kasi hindi na niya ako mahal.. hindi na namin pagmamay ari ang isa't isa. Kaya okay lang sa amin kung sino ang mahalin naming dalawa.

Pero may mali e... nasasaktan ako e. Alam nyo ba yung pakiramdam na dinudurog ang puso ko? Yung nilalamon ako ng insecurities sa katawan ko.

Pero naalala ko yung huling sinabi ni Cia sa akin...

'Pero makikita mo din sa mga mata niya yung kalungkutan niya... mabait din naman siya ate.'

Hindi kaya si Lenard na ang susi para mawala ang mga kalungkutan niya? Mabait naman siya. At sa nakikita ko e maganda siyang dihamak sa akin. Masayahin pa.. oo madalas ko siyang makitang nakangiti kasama mga kaibigan niya. At nakikita ko yung magandang pagngiti niya.

Hindi na ako magtataka kun bakit gusto siya ni Lenard. Bukod kasi sa magandang ngiti niya..

Napakaganda ng kanyang mga mata. May straight siyang buhok pero hindi ganun katangkaran. Yung tipong cute version talaga! Tapos ang mga labi niya na mamula. Tas may maliit na dimple kapag ngumingiti siya!

Oh diba! Hindi na dapat pakawalan ni Lenard yan.. pero sana.. sana ako pa din ang maganda sa paningin niya.. kaso iba na ang sistema naming dalawa. Basta para sa akin.. kung saan siya masaya, magiging masaya na din ako para sa kanya.. at para na din sa sarili ko.

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now