Kabanata 1

29 2 3
                                    

After ng nangyari kagabi, niyaya ako ng tita kong kumain sa labas. Kasi naman daw broken hearted ang kanyang magandang pamangkin. Oo maganda ako wag na kayo tumutol pa! hahaha. Sa sobrang lakas ba naman daw ng hangulngol ko e. Alam ko kasing nagising ko sila sa mga iyak ko kagabi...  di ko nga namalayan na katulog na ako e.

'Magshopping tayo after natin kumain. Para naman kahit papaano di ka pa din lugi tignan' pangbobolang sabi ni Tita Marie sakin.
Pagkababa na pagkababa ko.

'Wag na ta, kain nalang tayo tas umuwi.. hahaha' kahit halatang pilit ang tawa ko habang umiinom ng fresh milk.

'Haynako wag mo ako tawanan dyan na pilit bruha ka, sayang libre ko pa naman.' Pagpupumilit ni tita sakin.

'Sige na nga, sakto naubos na din ang liptint ko at pangkilay ko. Hehe libre mo naman pala tita e.'

'Basta libre e no, haynako hahaha osige after mo kumain at magayos aalis na tayo.' Sabi ni tita atsaka siya tumayo na para maghanda.

Btw my name is hailey rose ortiz. Mag 3rd year highschool na ako ngayong pasukan. Oo tama kayo ng rinig, asa highschool palang ako pero maaga na ako lumandi hahahaha chos. At kanina siya naman si tita marie anne ortiz kapatid na panganay ni mama na nagbabantay sakin ngayon. Wala kasi mama ko ofw siya, kaming dalawa nalang mula ng iwan kami ni papa at bumuo na din ng sariling pamilya.

'Ano handa kana ba uli? Tila ka naman sinuntok sa mukha hahaha maglagay ka ng kahit liptint oh eto' sabay abot ni tita sakin ng liptint niya. Sobrang putla ko daw kasi at halatang sugatan ang puso.

'Sana naman may makita akong gwapo sa mall mamaya ta hahaha'

'Wow gwapo agad ang hanap teh?? Pero grabe ang hangulgol e noh???' Pangaasar ni tita sakin.

Oo gwapo talaga hanap ko kasi may kasabihang 'wag mo iyakan, palitan mo' pero ang tanong dito kaya ko ba siya palitan???

Kumain kami sa favorite kong kainan, walang iba kundi ang Mang Inasal bukod sa favorite ko yung color orange na sarsa e pwede pa ako magextra rice. Nakamili nadin ako ng liptint at pangkilay ko.

'Thank you talaga ta!! Kahit papaano medyo nakalimutan ko yung sakit hays...' sabi ko nung asa loob na kami ng sasakyan.

'Walang anuman hailey, wag kana umiyak dyan te!' Sabi ni tita sabay pinaandar ang kanyang sasakyan.

'Cause everyday, everynight
I kept looking of the skies
And i pray that someday
We will wake up in our arms

Napapikit nalang ako habang pinapakinggan ko ang mga lyricang pumapasok sa tainga ko, papunta sa isip at puso kong sugatan..

And love will never ends..
We belong together
Always and forever
Call my name,
And I'll be there..

Hindi ko namalayan asa bahay na pala kami, ginigising na kasi ako ni tita marie. Siguro nakatulog ako dahil sa kanta kanina hahaha.

'Ang sarap naman ng tulog nito, sarap na sarap siguro yang duguan mong puso sa kanta hahaha!' Pagbibiro nito sakin.

'Ewan ko sayo ta! Haha btw salamat uli tulog na po ako hehehe' sabay kiss sa pisngi ni tita at umakyat na ako sa kwarto ko.

Ano na kaya nangyayari sakanya? Hays ano na kaya ang mangyayari sakin sa susunod na araw na wala na siya sa piling ko? Kaya ko na ba siya kalimutan at palayain kahit na dinudurog padin nito ang puso ko.

*cring cring cring*

From: Mommy
Anak nabalitaan ko ang nangyari sayo, kamusta kana ba ha? Sabi ko naman sayo e wag muna magboypren at bata ka pa... magaral ka mbuti kya nga ako nanditu eh para sayu...

To: Mommy
Okay lang ako my! Oo naman hahaha magaaral po ako mabuti ingat ka dyan. Love u my 😘

From: Mommy
Ok.. magingat ka, love u too anak ❤️ miss ko na baby ko hehe

To: Mommy
Che my! Haha di na ako baby,i miss you more po. Magingat ka din po dyan.

Hays grabe kahit sa simpleng mensahe ni mommy napagaan niya yung sugatan kong puso. Legal naman kami e.. sa side ko nga lang. Pero madami kaming plano dapat ngayong vacation, ngayon din dapat niya ako ipapakilala ng formal kila tita. (Mama niya)

Bahala na nga ang tadhana.. ipagbabahala ko na ang mga mangyayari sa buhay ko. Sa ngayon kailangan ko nalang tanggapin. Kailangan ko gumising araw araw sa katotohanang tapos na ang aming pagiibigang dalawa.

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now