Kabanata 9

10 1 0
                                    

Dalawang araw din ako naging absent at di din ako nagparamdam sa mga kaibigan ko. Pagkapasok ko at sila gab at drei din ang bumungad sa akin.

'Bakit ganyan kayo makatingin?? Bangkay ba ako ha?!' Pagbibiro ko sakanilang dalawa.

Pero hindi nila ako iniimik kaya umupo nalang ako tas biglang tumabi sa akin si Gerald.

'Ok kana ba? Di mo man lang ako sinabihan na aabsent ka pala.' Pagsasabi nito.

'Ah pasensya na wala din kasi ako naging time nun.. kamusta pala yung mga sunflower natin?' Pagiiba ko ng usapan.

'Ok naman sila hahaha. Oh eto kopyahin mo nalang yung report ko.' Nakangiting inabot niya sa akin. Kinuha ko yun at kinopya.

Pagkapasok ni Ms. Love inabot ko sakanya ang excuse letter ko. Siya din kasi ang Adviser namin kaya ayun.

Ilang oras na din ako di kinikibo nung dalawa kaya ako na naglakas loob.

'Wag na kayo magtampo sakin please??? lilibre ko kayo bilang pagbawi..' pagsasabi ko at di pa din ako kinikibo..

'Ok fine... nung nakaraang nakaraang araw.. tinext ako ni lenard para daw magusap kami..' pagpapaliwanag ko at bigla silang ngumisi at nakinig.

'Tapos.. sabi niya na wag na ako umasa ganun.. na maghanap nalang ako ng iba..'
'Iyak ako ng iyak nung gabi nun hanggang sa nagkasakit ako.. nagpasya din ako na patayin muna ang phone ko.. I'm sorry kung di ko agad sinabi sainyo..' pagpapaliwanag ko sabay nagpa awa na mukha hehehe.

Bigla silang nagtinginan at niyakap ako ng sobrang higpit.

'Sabi ko naman kasi sayo e! Yan tuloy!' Pangsesermon ni Gab sa akin.

'Hayaan mo na yung lokong yun! Btw pinapapunta ka mamaya ni coach.' Pagdagdag naman ni drei.

Napansin ko din na tila wala ata si Lenard ngayon. Mabuti na din yung ganun... after ng class namin dumiretso ako kay coach Jaja.

'Good morning coach!' Pagbati ko dito.

'Anong nangyari sayo ha? Hinintay ka namin para magtry out e.' Pagsasabi nito sa akin.

'Pasensya na coach bigla kasi akong nagkasakit kaya ayun.. bawi nalang po ako.' Pagpapaliwanag ko.

'Osige sakto sa sabado may training sila at pangalawang try out uli. Nahirapan kasi kami pumili e.' Pagdagdag ni coach.

'Sige po coach! Salamat po.' Nakangiting sabi ko saknaya.

'Sige aasahan ka na namin hailey ha?' Nakangiting sabi at tumango ako bilang sagot kay coach at umalis na.

Habang naglalakad ako papunta kila Gab at Drei na nasa court. Nakasalubong ko si Louie.

'Hi sunflower! Anong nangyari sayo??' Nakangiting sabi at tanong nito.

'Ano bang pake mo ha?' Pagsusungit ko dito.

'Hahahaha! Wow ang taray ha wag kana masungit sunflower hatid kita mamaya ha?' Pangaasar nito.

'Neknek mo! Ewan ko sayo.' Sabay na alis ko. Narinig ko lang siyang tumawa.

'Yieee hailey! Nakita namin yun ha!' Pangaasar ni Andrei sa akin.

'Anong meron sainyo ha ha?!' Pagdagdag ni Gab.

'Wala no mga baliw kayo! Ano pala gusto nyo?' Pagtatanong ko sakanila.

'Ice cream nalang hehe cookies n cream ha?' Sabay na sabi nila sakin at tumango ako.

Naalala kong paborito naming flavor to ni Lenard kahit saang pagkain. Lalo na sa frappe and ice cream. Hays napaka liit talaga ng mundo. Kahit saan ako tumingin maaalala ko siya.

After class, nakita ko ngang nagaabang si louie sa gate. Umiwas ako at dumaan ako sa kabila para di niya ako makita. Dali dali din ako sumakay ng tricycle. Nagulat ako ng nandito pala si Gerald sa tricyle na sinasakyan ko.

'Uy hailey! Ikaw pala.. tila may humahabol sayo ah?' Pangaasar nito sakin halata naman kasi sa mukha ko.

'Ah.. e.. a-ano kasi.. tinataguan ko kasi si Louie.' Nahihiyang sagot ko.

Nakita kong nagiba ang ekspresyon niya at nagtaka siya bigla.

'Ah bakit naman??' Pagtatakang tanong niya.

'Kasi naman lagi niya ako kinukulit na siya maghatid sa akin araw araw. E ayoko kaya ayun..' pagpapaliwanag ko skanaya.

'Ganun ba? Sige..' Bilang sagot niya at sabay ngumisi ng onti.

'Sige bye Gerald dito nalang ako. Ingat ka salamat uli.' Pagpaalam ko at bumaba na ako. Ngumiti lang siya sa akin.

Sana maging maayos na ang lahat. Sana maging okay na ang lahat lalo na ang puso ko. Ang hirap kasi kung asa iisa lang kayong kwarto kahit sabihin mong malawak yun.. di mo pa din maiiwasang mapatingin sakanya.. mapaisip sakanya..

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now