Kabanata 8

5 1 0
                                    

LOUIE'S POV

Sobrang ganda pa din ni Hailey. Walang kupas kahit isang taon din ako nawala. Hindi mo talaga aakalain na siya yun.

Sinundan ko siya upang kulitin na ako na maghahatid sakanaya pero makulit e. Napilitan ako buhatin siya.

Pinaghahampas niya din ako, pero tumigil siya hahaha ang takot niya lang siguro na baka sumemplang kami.

See you bukas sunflower! Isang buong school year nanaman kita kukulitin.' Sabay flying kiss at harurot sa motor ko.

Oo see you bukas sakanya kasi makikita na niya uli ako. Sa Hearts Angel Academy na uli ako magaaral kung saan dun niya ako naging crush nung mga elem pa kami.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling inlove
With you...

Oh shall I stay?
Would it be a sin
Oh if I can't help falling inlove
With you...

Pinapakinggan ko sa mga tengga ko habang nakahiga ako sa kama ko. Ewan ko ba pagnaririnig ko yang kantang yan sumisigla ako at naaalala ang masasayang alaala namin ni Lenard. Hating gabi na din pala di ko namalayan. Makatulog na nga at may try out pa bukas hays.

*cring cring cring*

From: Lenard
Hailey? Can we talk.... labas ka naman...

To: Lenard
Ah.. e.. sige saglit lang.

From: Lenard
Ok.. I'll wait for you..

Nagpaalam ako kay tita kahit saglit lang at may kakausapin lang ako importante. Dali dali ako bumaba at nakita ko ngang nandun siya.

'Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah.' Pagtatakang tanong ko sakanya.

'I missed you hailey.. I'm really sorry...' bilang sagot niya at niyakap ako.

Sunod sunod na nagunahan ang mga luha ko sa sinabi niya.. pero tinulak ko pa din siya. Mali to e.. mali tong mga to.

'Ano bang kailangan mo ha Lenard??!' Pagalit na sabi ko...

'Wala hailey.. I'm really sorry kung ginanun kita.. pero kasi ayokong nakikita kang umiiyak dahil sakin.'

'Minahal kita pero noon yun e.. minahal kita ng totoo pero wala e napagod lang talaga ako.. napagod ako sa pagdi natin pagkakaunawaan. Napagod nalang ako bigla. Patawarin mo ako....' Sunod sunod na sabi niya at sunod sunod din ang mga luha ko... ang sakit marinig! Ang sakit lalo na kung harap harapan niya sinabi sayo yun.

'Tama na.. Umuwi kana. Umuwi kana! hindi ko na kaya...' humihikbing sabi ko sakanya...

'Kalimutan mo na ako hailey. Pakawalan mo na ako pati yang puso mo! Wag mo na ikulong pa ang sarili mo para di kana masaktan pa... I'm really really sorry.' Sabi niya sabay umalis na.

Nandito ako ngayon sa labas naiwang luhaan nanaman. Sobrang sakit marinig mula sakanya harap harapan.. ano yung mga ginawa niya noon?!? Ano yung pagkain?!? Yung mga titig?!? Lahat yin ano yun?!? Bullshit. Tama nga si Gab ako lang ang uuwing luhaan sa aming dalawa...

'Hailey! Gising na late kana 6:30 am na!' Paggising ni tita marie sa akin.

'Ayoko po ta pumasok ngayon.. masama ang pakiramdam ko..' Matamlay na sagot ko.

Hinipo nga ni tita ang noo ko at nagulat siya ng sobrang taas nga ng lagnat ko. Ganito ba talaga pagnasasaktan? Nagkakasakit din physical??? Hays basta ang alam ko lang ngayon mabuti na yun dahil ayokong makita ang pagmumukha niya.

'Dito ka lang at bibili ako ng gamot at pagluluto kita ng makakain mo..' sabi ni tita at tumango nalang ako.

Naalala ko nanaman ang nangyaring sagutan namin kagabi. Nasasaktan nanaman ako at naramdaman ko nanaman ang mga luhang pumatak sa mga mata ko.

'Kalimutan mo na ako hailey. Pakawalan mo na ako pati yang puso mo! Wag mo na ikulong pa ang sarili mo para di kana masaktan pa... I'm really really sorry.' Pumasok nanaman sa isipan ko ang mga salitang binitiwan niya kagabi..

Bakit ganun lang kadali para sakanya?!?? bakit ganun lang kadali skanaya sabihin iyon sa akin?!? Alam naman niyang mahal ko pa din siya pero bakit niya sinabi sa akin ang mga yun!! Sobra na akong nasasaktan hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit kasi sayo pa ako nahulog Lenard! Bakit kasi sa isang tulad mo pa ako napunta. Ang sakit sakit e.

Hindi ko namalayan nakatulog ako kakaiyak. Nagising nalang ako ng pinapabangon ako ni tita.

'Inumin mo to ha? After mo kumain. Eto lugaw.. meron pa niyan sa kaldero ha hailey kumain at uminom ka ng gamot.. kailangan ko tlaaga pumasok ngayon sa work pasensya kana pamangkin.. magpagaling ka mauna na ako sayo..' pagpaalam ni tita at kiniss ako sa noo tumango nalang ako.

As usual uminom ako ng gamot pero isang beses lang at di na naulit pa. Ewan ko nakasanayan ko na kasi wag uminom ng gamot pagmay sakit. Ganun katigas ulo ko. Natulog nalang ako maghapon... madami na din ang nagmemessage sakin pero hindi ko na pinansin.. naalala kong ngayon pala ang try out napapikit nalang ako. Babawi nalang ako sa susunod..

I'll always love you, with all my heartWhere stories live. Discover now