PROLOGUE

15 1 0
                                    

"Sana sa pagkakaroon mo ng panibagong instrumento na magbibigay buhay sayo ay maramdaman mo ang taong tunay na nagmamay-ari nito. At 'wag mo din sanang kalimutan ang mga taong nagsilbing gabay para magkaroon ka ng panibagong buhay at mas makita ang mundo sa tunay nitong ganda."

Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay at pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha. Hindi ko napigilan na mapangiti habang patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha.

"Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'to. Mukhang anghel pero demonyo ang ugali," Saglit akong tumigil para punasan ang luhang umaagos sa aking pisngi, "I will never regret that I met you. Kahit na nakakainis ka na minsan. Ang arte mo kase. Bwiset!" Bahagya pa akong napangiti ng maaalala ko ang una naming pagkikita.

"Psst!!!!"

Nilibot ko ang aking paningin, hinahanap ang sumisitsit. Maggagabi na at mausok na din sa paligid. Sino ba kase yon at bakit sya sumisitsit?

Niyakap ko ang aking sarili. "Hello? May tao ba dyan?" Paninigurado ko pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ding sumasagot sa akin, bagkos, isang kaluskos sa 'di kalayuan ang aking naramdaman.

"Psst!!" Muli itong sumitsit.

"Just for you to know, I have no time for this." I bluntly said kahit na hindi naman ako sigurado kung may nakakarinig ba o kung may tutugon sa akin.

Muling na naman itong sumitsit sa ikatlong pagkakataon. And then I felt chills all over my body and my palms started to sweat. Kinakabahan na ako ha. 'Di nakakatuwang biro ang sumitsit at mantrip sa ganitong oras. And hey check the location please! I'm on a goddamn hospital!

Naging alerto ako sa paligid. At ng humangin ng pagkalamig-lamig awtomatikong nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.

Bigla kong naalala ang paalala lagi sakin ng matanda kong Lola sa tuhod. Lagi nya akong pinagbabawalan na maglaro sa hardin kapag lulubog na ang araw. At ng magtanong ako sa kanya kung bakit, ay bago daw sumapit ang dilim ay nagpapakita ang mga ligaw na kaluluha upang humingi ng tulong sapagkat hindi ang mga ito makapunta o makatawid sa kabilang buhay at may ipakahulugan. Ngunit ang iba naman daw ay nanttrip at nagpaparamdam sa iba upang manakot at gawing katuwaan. Di ako naniniwala sa sinabi na yon ni Lala. For me it is just an old tale or maybe superstitious lang nila yon. But right now, parang gusto ko na lang maniwala at magtatakbo pabalik sa kwarto ko dahil sa pinaghalong kaba at takot na baka totoo talaga ang sinabi ni Lala sa akin. And hey, hindi nakatulong sa akin na inaalala ko ang sinabi na yon ni Lala kase lalo lang akong kinabahan. Kainis.

Muli na namang may kumaluskos kasabay ng isa pang pagsit-sit. Inihanda ko na ang sarili ko para sa pagtakbo. "Kung kaluluwa man 'to, sorry po pero wala akong maitutulong sa inyo. Bye po!" At nagtatakbo na ako. Diretso lang ang tingin ko. Nakatutok sa pinto papasok sa hospital na tinutuluy-

"AY HUDAS!"

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakadapa at 'di inalintana ang sakit ng tuhod ko. Omygulay! Nadapa ako! Ohmy!

Tinitigan ko ang tuhod ko. Shit! May sugat ako!

"Ano bang problema mo!?" Sigaw ko sa isang tumatawang damuhong walang magawa sa buhay at ako pa ang naisipang pagtripan. Siguro sya din ang sumisitsit sakin kanina. Hmp.

Tumigil ito sa pagtawa para titigan ako mula ulo hanggang paa ngunit ilang sandali pa lang ang lumilipas ay tumawa na naman ito ng tumawa.

"What the fuck is your problem?" Frustrated na ako. "Ano bang nakakatawa?" If nakakamatay man ang tingin, kanina pa 'to nasa ER.

A Solemnly Given PledgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon