4

0 0 0
                                    

"AYY PETCHAY- Bakit ka na naman nandito?" Gulat na tanong ko ng madatnan ko syang nakahiga sa kama ko pagkalabas ko ng cr.

Kakatapos ko lang maligo at medjo nakakagalaw na ako ng ayos. Wala na din kase ang dextrose sa kamay ko at naghihilom na ang mga tahi ko. Minsan sumasakit pero bearable na naman 'di gaya nung 1st and 2nd week.

Tinapunan nya lang ako ng tingin bago dumapa sa kama na para bang hindi narinig ang tanong ko. Wow ahh ganoon trip nya ngayon? Iignore ako?

Padabog akong naglakad sa paanan ng kama ko. So ganyan ang gagawin nya matapos niyang hindi magpakita sa akin ilang araw? Matapos nya akong batukan at iwan na lang bigla nung nakaraang gabi, magpapakita sya ngayon sa akin?! Hep! Hindi ko sya namiss okay, gusto ko lang talaga bumawi sa pangbabatok nya sa akin! Ang lakas kaya non! Walanjo!

1 week na ang nakakalipas mula ng batukan nya ako at hindi pa din maprocess ng sistema ko na binatukan nya talaga ako. Seryoso? After making her tummy happy, let her chill in my room for a while, babatukan nya pa ako? Kasalanan ko ba na inakala ko na suicidal sya ha? Bakit ba kase may band aid sa doon tas nung tinanong ko kung bakit ang sasabihin nya bored sya?! Yan tuloy napasabi pa ako ng maraming words of wisdom tapos hindi naman pala sya pariwara! Kainis ha! Sayang effort ko.

Ilang sigundo na akong nakatayo sa paanan ng kama pero hindi pa din sya kumikilos. Teka? Baka patay na 'to ha!

"Hoy bumangon ka dyan!" Hinila ko ang paa nya pero nagpupumiglas sya. Ayy buhay pa pala.

"Bitawan mo ang paa ko, Con! Sisipain kita!" Natakot ako sa banta nya. Mahirap na baka sipain pa nito gwapo kong mukha kaya binitawan ko na lang ang paa nya. Nakakainis naman!

Kinuha ko ang towel na nasa balikat ko at inis na ipinatong iyon sa ulo ko.

"Ayoko ng istorbo ngayon babae!" Sigaw ko sa kanya na may halong inis habang pinupunasan ko ang buhok ko ng towel.

Kahit kaylan talaga istorbo 'to. May kwarto naman sya sa taas pero dito pa talaga niyang piniling makihiga pwede naman sa kwarto nya! For sure dumadamoves lang naman 'to kase crush nya ako. Mga dahilan nya! Walanjo, 'di naman effective sa akin pagpapansin nya! Purwisyo sa akin yon. Tsk. Sya ibabayad ko sa cashier e!

"Edi lumayas ka kung ayaw mo ng istorbo." Walang kwentang sagot nya. Walanjo! Napasabunot ako sa basa kong buhok. Kakalabas ko lang ng banyo pero naiistress na agad ako. Hindi na ako fresh, ano ba yan!

Padabog akong umalis sa paanan ng kama, "Nasstress genes ko potek." Inis na bulong ko habang naglalakad patungo sa cr para isinasampay ang towel ko. Kahit kailan talaga walang magandang dulot 'to sa buhay ko!

Nang makalabas ako ng banyo ay agad kong kinuha ang unan na nahagip ko sa sofa. Tamad na tamad syang bumangon ng inihampas ko iyon sa likod nya.

"Bakit na naman ba?" Nagmamaktol na turan nya sa akin habang nakapikit. Lasing ba 'to?

"Ayy wow parang ako pa nang-istorbo sayo ha."

Inirapan nya ako, "Istorbo ka naman lagi e."

"Nahiya naman yung may ari ng kwarto na iniistorbo mo." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Walanjo! Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya ha! Ako pa talaga ang istorbo e sya nga 'tong lagi na lang nang-iistorbo sa payapa kong mundo! Panira!

"Magpapahinga ako. Manahimik ka dyan." Mataray na saad nya, hindi pinansin ang huli kong alintana. "Kung ayaw mo ng istorbo, lumabas ka muna." Pagkasabi nya non ay kinuha nya ang unan na pinanghampas ko sa kanya at humiga ulit.

Napahawak ako sa sintido ko. I'm losing my patience! Damn! "May kwarto ka diba?! Doon ka magpahinga!"

Patabog itong tumagilid ng higa, "Gusto ko dito magpahinga. Manahimik ka muna parang awa mo na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Solemnly Given PledgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon