Isang malawak na hardin ng mga rosas ang bumungad sa akin ng iminulat ko ang aking mga mata mga mula sa pagkakasilaw. What the? Nasaan ako?
Tiningnan ko ang paligid at hindi ko naiwasang hindi mamangha sa ganda ng tanawin. Nakakabakla ang ganda!
Napakadaming rosas na may iba't-ibang kulay ang nagbibigay buhay sa napakalawak na taniman. Napapalibutan din ito ng mga kabundukan at mga paruparo na naglilipadan. This is wonderful. The sun is bright, the skies are blue, the wind is breeze and at the west side of it there's a rainbow.
Napakaganda ng paligid at mas lalong dumagdag sa kagandahan nito ang mga ibon na nagkakantahan. This is like a paradise that would only exist on imagination of a man. Mala-langit sa ganda. A heavenly paradise!
Teka.. Hindi kaya nasa langit na ako? Napailing ako. Bakit naman ako mapupunta sa langit? 'Ni hindi ko nga matandaan na namatay ako kaya imposible yon! Pinakiramdam ko ang aking sarili. Wala namang masakit sa akin at nararamdaman ko pa din ang katawan kong matcho. Pero teka kung hindi ito ang langit, ano 'to? Nasaan ako?
'Di bale na, hindi ko na muna papakaisipin kung nasaan akong lupalop ng mundo o kung mundo pa ba 'to. I-eenjoy ko na lang ang stay ko dito. Pero wala talaga akong maalala na nagpunta ako dito. Imposible naman na nagsleep walking ako at dito ako dinala ng mga paa ko. Napakalupet naman non!
Bigla kong naalala si Mom. Teka pakana na naman siguro 'to ni Mom. Kung saan-saan na naman siguro ako non dinala habang payapa akong natutulog sa aking kama.
Napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Mom dati. Dinala ba naman ako sa beach ng wala akong kaalam-alam. Ang malala pa, 'di man lang ako ginising at hinayaang magsun baiting sa buhanginan. Pwede naman na sa kwarto na lang ako ilagay o kaya doon sa malilom aba't sa buhanginan pa talaga. Nasunog tuloy ang maganda kong balat na kinahuhumalingan ng mga kababaihan at naexposed pa ang maganda kong katawan! Nadagdagan na naman tuloy ang nahuhumaling sa akin. Hayy buhay!
Hinanap ng paningin ko si Mom. Nasaan na kaya 'yong si Mom? Pipisilin ko talaga sya kapag nakita ko sya at kapag nalaman kong pakana nya lahat ng 'to! Hayy nako Mom! Bakit ka ba ganyan?
Once again, I scan the place. Searching for someone or some place to stay. Nang wala akong makita, tinahak ko ang daan na nasa pagitan ng mga rosas. Muli na naman akong namangha. Napakatahimik at napakapayapa. 'Di ko na muna iisipin kung paano ako napunta sa ganito kagandang lugar. Bahala si Mom kapag ako nawala dito!
Dinama ko ang paligid. Ang sarap manatili sa lugar na 'to at tumakas sa reyalidad ng buhay kasama ang binibini na nasa tabi ko na walang kasing ganda.
Binibini? May kasama ako?
Nanlalaking mata na tinitigan ko sya. She had does beautiful brown eyes. Long black straight hair that shines. A red kissable lips that is similar to a glass. And a Golden skin that's brightened more because of daylight. What? Saan galing mga pinagsasabi ko?
Napatingin din ako sa paligid bago sa kanya. San galing 'to? Naghanap ako ng maaari nyang pagtaguan. Ngunit ng wala akong makita ay nagtataka akong tumingin sa kanya.
Wala naman sya dito sa tabi ko kanina diba? Napadako ang aking tingin sa kamay namin na magkahawak. Napakunot noo ako. Sino ba 'to?
Nagsimulang maglakad yung babae habang hawak pa din yung mga kamay ko. Naks, holding hands while walking ang drama naming dalawa. Pero 'di na bale, chix naman 'to. Isang magandang chix na nararapat lamang sa gwapong tulad ko.
Pero nagtataka pa din ako kung paano sya napunta dito. Kaya bahagya akong tumigil at napansin nya iyon. Sinamatala ko naman ang pagkakataon ng lumingon sya sa akin na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
A Solemnly Given Pledge
Roman d'amourBeing diagnosed with the condition called Dilated cardiomyopathy is hard for a teenager like Con. She was happy living his life when the symptoms slowly develops. And when they found out that it is not curable with any kind of medicines, her parents...