Aria's POV
Kung kelan masaya na ako tiyaka naman manggugulo ulit si Lucas. Kelan niya ba ako papatahimikin? Manigas siya dun sa ospital, wala akong pake.
Hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito katigas ang puso kapag siya ang pinag-uusapan. Kasalanan niya to.
Two years na rin ang nakalipas, anong malay ko sa buhay ni Lucas diba? Matagal na kaming hindi nag-uusap simula nung nangyari yun.
*ring* *ring* *ring*
Tumunog ang phone ko at tinignan ko kung sinong tumatawag. Unknown number.
"Hello?"
"Aria.."
"Tita.."
"Aria, kung desperada na ako sa tingin mo.. pasensya na.. nakikiusap ako sayo Aria anak.. kailangan ka ni Lucas."
Binigay talaga ni Yuri ang number ko. Anong gagawin ko ngayon? Pwede ko naman tanggihan pero umiiyak na tong kausap ko.
"Aria ayoko pang mawala ang anak ko kanina pa siya hindi matahimik dito hinahanap ka.. hindi siya pwedeng mapagod"
"Alam niyo naman pong matagal na kaming wala ni Lucas diba? Wala po ba siyang naging ibang girlfriend?"
"Wala.. ikaw lang. Kahit ngayon lang please. Aria kahit ngayong araw lang. Magpakita ka lang sa kaniya."
May magagawa pa ba ako? Aminado akong matigas ako pagdating kay Lucas pero kasi mama niya tong kausap ko. At naging mabait sakin si tita.
"Sige po. Saan po ba yan?"
"Ite-text ko sayo iha. Maraming salamat."
Binaba ko na ang tawag. Ano nanaman ba tong pinasok ko? Tama bang pagtagpuin ko nanaman ang landas namin ni Lucas?
Nag-ayos na ako ng sarili ko. Bahala na kung anong mangyayari mamaya. Sa totoo lang hindi ko talaga naiintindihan ang mga nangyayari, kung bakit ba siya naaksidente, kung anong nangyari sa kaniya.
***
Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng room ni Lucas, hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Kinakabahan akong makita siya. Dalawang taon na kaming hindi nagkikita o nag-uusap man lang.
Ilang minuto na rin akong nandito sa labas, nakatayo lang at parang naghihintay na kusang bumukas yung pintuan sa harap ko.
Bigla namang lumabas ang mama ni Lucas at nagulat din siya dahil ako ang bungad.
"Aria.. gumanda ka lalo. Na-miss kita." Puri naman niya saakin. Niyakap niya ako kaya naman niyakap ko rin siya. She's always been like this, mabait at mahinahon magsalita.
"I missed you more po. Kamusta na kayo?" Nginitian ko siya.
"Okay naman ako iha. Na-miss lang talaga kita dahil hindi ka na bigla pumunta sa bahay." Wala naman na kasing rason pa para pumunta ako sa bahay nila simula nung nag-break kami ni Lucas.
"Pasensya na kung ikaw ang ginugulo ko ngayon. Ikaw lang kasi talaga ang hinahanap niya." Pero bakit ako? Alam naman niyang break na kami.
"May amnesia si Lucas at nabura sa isip niya ang mga nangyari nung nakaraang tatlong taon." Ang ibig sabihin ba non ay..
"Ang naaalala niya lang po ay ang mga nangyari bago yung tatlong taon na yun?" Tumango naman si tita.
"Oo. Ang naaalala niya ay hanggang ngayon ikaw pa rin ang girlfriend niya. Hinahanap ka niya at hindi siya mapakali. Masama sa kaniya ang mapagod dahil kakagising niya lang." So anong gusto niyang mangyari? Mag-panggap akong girlfriend ni Lucas hanggang ngayon?
"Ano po bang nangyari sa kaniya?" Wala talaga akong alam.
"Lasing na lasing si Lucas at nag-drive pa rin siya." Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya?
"Alam kong sobra sobra na tong hinihingi ko sayo Aria pero pwede ka bang magpanggap na girlfriend pa rin ni Lucas kahit hanggang sa gumaling lang siya." Sabi na nga ba. Alam ko na kung san papunta ang usapan na ito.
"Pero alam niyo naman po ang nangyari noon, diba?" This is too much for me.
"Naiintindihan kita iha.. pero ayokong mawalan ng anak. Nagmamakaawa ako sayo.." Halos lumuhod na sa harapan ko ang nanay ni Lucas.
"S-sige po." Bahala na kung anong mangyayari.
Pumasok na kami sa loob. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero laking pasasalamat ko dahil tulog si Lucas. Tahimik dito at naaawa ako sa itsura ni Lucas ngayon. Sobrang hina niyang tignan.
"Ililipat na rin siya bukas ng room at aalisin na dito sa icu. Lalabas lang muna ako iha.. bantayan mo muna siya." Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
Payapa siyang natutulog ngayon pero kitang kita mo sa mukha niya ang mga pasa. Wala siyang pinagbago, gwapo pa rin katulad ng dati at kahit puro pasa ang mukha niya kitang kita na palangiti siyang tao.
"Tapos na tayo pero bakit meron pa ring tayo?" Mahina kong sabi sa kaniya. Tapos na kasi kami pero bakit meron na naman? Bat kami na naman ulit?
"Akala ko tapos na tayo, akala ko pang pala lahat." Hay Lucas.
Naramdaman kong gumalaw siya at dinilat niya ang mga mata niya. Para akong na-stun dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Aria.. bat ngayon ka lang pumunta? Kanina pa kita hinahanap." Anong dapat kong sabihin?
"Lucas.." Tanging pangalan niya lang ang nasabi ko.
Unang banggit pa lang niya ng pangalan ko, gusto ko nang umiyak. Bumabalik lahat ng sakit.
"Yukhei ang tinatawag mo sakin bakit Lucas ang tawag mo sakin ngayon?" Shit. Oo nga pala.
"Ah wala feel ko lang tawagin kang Lucas." Palusot ko naman sa kaniya.
Simula kasi nung nag-break kami hindi ko na siya tinawag pang Yukhei dahil hindi naman na kami close. At gusto niyang ako lang ang tumatawag sa kaniya sa pangalang iyon.
"I missed you Aria." Na-miss? Eh diba ang alaala niya kami pa rin? Ang sarap niyang sapakin sa mukha pero tiyaka na lang kapag magaling na siya.
"May amnesia daw ako Aria pero gwapo pa rin naman ako. Buti na lang nandiyan ka para sakin." Hindi na ako sanay makipag-usap kay Lucas. Sobrang awkward na nito para sakin. Pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kaniya na hindi ako sanay.
"Sige na Lu- Yukhei magpahinga ka muna." Alam kong kagigising niya lang pero hindi ko talaga alam kung pano siya kakausapin kaya matulog na lang siya ulit.
Ano ba tong ginagawa ko?
BINABASA MO ANG
nostalgia ›› lucas
Short Story[ON-HOLD] ❝akala ko tapos na tayo, akala ko lang pala❞ ➵ Wong Yukhei ➵ neo series #3 ➵ epistolary x narration start: 18.05.15 completed: