58

279 21 8
                                    

Aria's POV

Magkasama na kami ni Winwin ngayon at naglalakad lang papunta sa favorite naming cafe. Hindi naman din ako na-awkward sa kaniya pagkatapos nung huling pag-uusap namin. Pero that was the first time na iniyakan niya ako.

"Yung nangyari last time.. kalimutan mo na yun." He spoke.

"I'm sorry Win." Yan lang ang kaya kong sabihin sa kaniya.

Pumasok na kami dito sa loob ng cafe at naghanap ng table. May namumukaan ako dun sa may table sa bandang dulo. Side view lang kasi ang nakikita ko tapos ang layo pa. Kamukha ni Lucas pero may kasamang babae. For sure hindi si Lucas yun dahil may gagawin daw siya.

"Ano sayo?" Natigil ang pagtingin ko dun sa lalaki dahil tinanong ako ni Winwin.

"Caramel macchiato. Thanks!"

"Sige diyan ka muna." Umalis na siya para umorder at ako naman pinagmasdan lang ang mga nasa paligid ko.

Ang saya ko kasi sa tingin ko bumabalik na ang lahat sa dati. Lucas and me being back to relationship. Winwin and I being back to being bestfriends at nakakasama ko na naman ulit ang buong nct. Parang dati lang sobrang ayokong bumalik sa dati dahil sa sakit na naramdaman ko. Pero ngayon sana wala nang mangyari pang hindi maganda. Sana ito na talaga yun.

Medyo matagal pa si Winwin kaya naman nag phone na lang din muna ako. Wala pa ring message sakin si Lucas simula kaninang umaga. I mean hindi naman sa dapat na lagi niya akong minimessage, nasanay lang din siguro ako or baka busy nga talaga siya.

Bumalik naman na si Winwin dito bitbit ang mga order namin pero hindi siya umupo sa harap ko.

"Wait lang punta lang akong cr." Nag thank you ako at umalis muna siya ulit.

***

Lucas' POV

Kasama ko na ngayon si Hailey at marami pa kaming kailangan pag-usapan para hindi niya sirain ang mga ginagawa ko dahil mukhang alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko. Nandito lang ako ngayon sa cr nang may naramdaman akong humawak sa balikat ko.

"Nag-uusap pa pala kayo ni Hailey?" Nilingon ko kung sinong humawak saakin at nakita kong si gege.

"Naaalala mo pala siya? Alam mo bang kasama ko ngayon si Aria." Kasama niya si Aria? Hindi niya kami pwedeng makita na magkasama ni Hailey.

"Umamin ka nga sakin Yukhei. Nagpapanggap ka lang ba?" Nagulat ako sa tanong ni Winwin gege pero hindi ko pinahalata.

"Sumagot ka. Nagpapanggap ka lang bang nakalimutan mo ang mga nangyari?" Lalong sumeryoso ang mukha niya at ako nag-iisip ng tamang isasagot.

"At bakit sa tingin mo ay gagawin ko yun?" Tanong ko sa kaniya.

"Wag natin tong pag-usapan nga-" Pinutol niya ang mga sasabihin natin ko.

"Subukan mo lang na lokohin ulit si Aria, Yukhei. Subukan mo lang." Tinalikuran na niya ako at lumbas na. Hindi na ako pwedeng magtagal dito at baka makita pa kami ni Aria.

Ayoko nang masaktan ko pa siya ulit. Ginagawa ko to lahat para maging okay na ulit kaming dalawa. Lumabas na ako at nilapitan agad kung nasaan si Hailey para matapos na.

"How's my babe? Tapos ka na bang mag-panggap? o naaalala mo na ang lahat?" Agad niyang tanong sakin pag-upo ko. Kadiri.

"Wag mo akong tawaging babe hindi kita girlfriend. Tiyaka pwede ba? Layuan mo nga ako. Hindi naman talaga kita gusto." Totoo naman na hindi ko siya gusto. Masyado lang talaga siyang umasa na magugustuhan ko siya.
Oo, maganda siya pero hindi siya yung tipo ko ng babae.

"Pero two years ago, hinalikan mo ako sa harap ni Aria. Anong tawag mo dun?" Yun pa rin ba ang pinanghahawakan niya hanggang ngayon?

"Walang meaning yun. Ikaw ang pumasok sa kwarto ko at bigla akong hinalikan. May problema ako noon kaya naisipan kong gamitin ka para matapos na kami kahit ayoko." May rason ako kung bakit ko ginawa yon. Pero hindi ko intensyon na masaktan ng ganon si Aria. At ngayon sinusubukan kong ayusin ang lahat.

"Let me guess, bumalik na ang mga alaala mo no? And now you're trying to protect your relationship with her. Kunyari wala ka pa ring maalala pero ang totoo bumalik na lahat." Pano niya nalaman na bumalik na ang mga alaala ko? Wala naman akong sinasabihan.

"Mag-panggap ka hanggat sa gusto mo Lucas, pero hindi mo matatakasan ang katotohanan." Bakit ba alam niya lahat?

"Pano mo nalaman lahat ng to? Pwede ba kung ano man ang alam mo, itikom mo yang bibig mo. Wag kang manggulo." Naiinis na ako sa babaeng to. Kung hindi lang siya babae kanina ko pa nasuntok sa mukha to.

"I did my research Lucas. Kahit hindi ko man kayo guluhin ni Aria, hindi ka makakatakas sa papa mo. Wag mong iwan sa ere si Luna." Si Luna. Bakit niya kilala si Luna?

Tumayo na siya at aalis na pero may sinabi pa siya saakin na talagang kinakatakutan ko.

"Your love story with Aria isn't a happy ending Lucas. Tanggapin na natin yon." At umalis na nga siya.

Hindi pwede. Gagawin ko ang lahat para maging masaya at okay kami ni Aria. Nagpapanggap man ako o hindi. Kahit naalala ko na ang lahat. Ginagawa ko to para samin parehas ni Aria. Ayoko na siyang masaktan pa ulit kaya inaayos ko lahat ng pagkakamali ko. Na sana ay sa tamang paraan ko nga ito ginagawa.

Kahit na alam kong dadating ang panahon na magkakahiwalay na naman kami, susubukan ko pa ring lumaban. At isasagad ko lahat ng oras hanggat maaari na pwede kaming maging masaya magkasama.

***

a/n: i'm sorry kung more on the serious side tong story na to or even yung iba kong stories. sorry kung walang humor :< naka focus kasi talaga ako dun sa pinaka plot and sana nagugustuhan niyo pa rin. :(

nostalgia ›› lucas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon