38

278 21 4
                                    

Aria's POV

Pinag buksan ko ng pinto si Winwin. Okay lang naman talaga ako. Pero dahil nagpupumilit siyang pumunta dito edi sige na lang, para na rin masagot na yung mga tanong ko.

"Hi Win!" I greeted him as soon as nakapasok na siya.

"Donuts." Nilapag niya naman ang donuts na dala niya sa table.

"Thank you!" Umupo na siya sa may sofa kaya sumunod na rin ako.

"Hi Aria. Kamusta buhay? Okay ka lang ba?" Okay lang naman ako, siguro.

"Nagkatuluyan pala si Lucas tiyaka yung ahas na yun?" Tanong ko habang kumukuha ng donut.

"Si Hailey?" Hailey pala pangalan nung ahas na yun.

"Bakit? Meron pa bang iba?" Sabay kagat ko sa donut. Tinawanan niya ako.

"Not basically nagkatuluyan. More on naglandian kaya ayon yung isa feeling niya girlfriend siya." Tumango lang ako.

"Hindi niyo man lang sinabi sakin na may bago na pala si Lucas. Edi sana napigilan ko yung sarili ko." Hininaan ko lang ang pagkasabi ko sa huling sinabi ko.

"Hindi naman kasi talaga niya girlfriend yun si Hailey eh. Tiyaka isa pa, wala kaming pake dun. Inaway ka ba?" Inaway niya ba ako? Parang hindi naman.

"Hindi naman. Pero sabihin mo nga sakin, hindi ko ba deserve na pagkatiwalaan?" Alam kong masasaktan lang ako pag pinag-usapan pa namin to ni Winwin pero kasi pinaalala na naman sakin ni Hailey ang nangyari noon.

"Nasa tao yan kung pagkakatiwalaan ka. Ngayon kung sa tingin mong ikaw ang may ginawang mali sa inyo ni Lucas, siya ang mali." Pangalawang donut na ang kinakain ko ngayon. Stress eating.

Sabi na nga ba, hindi na talaga dapat ako pumayag sa plano na to. Napasubo lang ako. Hindi ko itatanggi, bumabalik lahat ng pagmamahal ko para kay Lucas, na hindi na dapat.

"Pano kaya kung ako yung pinili mo noon? Masaya kaya tayo ngayon?" Winwin randomly asked. Napaisip naman ako.

Hindi na rin naman na awkward pa para saakin na pag-usapan namin ang tungkol saaming dalawa noon. Wala naman kaming napaka lupet na past. Nangligaw silang dalawa ni Lucas at si Lucas nga ang pinili ko. Ayoko kasing mawala ang friendship namin ni Winwin.

"Siguro masaya? Not sure." I answered his question. Hindi ko rin naman talaga alam ang mangyayari kung sakaling kami ang nagkatuluyan.

"Masaya tayo ngayon kung tayo ang nagkatuluyan Aria. I can assure you that." Bakit naman?

"At bakit sa tingin mo ay ganon?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Kasi may tiwala ako sayo. At lalong hindi ko kayang lokohin ka. In short, hindi ako katulad ni Lucas." Tiwala. Talaga bang hindi ako pinagkatiwalaan ni Lucas kaya ganon ang nangyari samin?

Tanggap ko naman na ang lahat. Pero ang sakit talaga ng totoo no? Kahit ilang beses ulitin sayo masasaktan ka pa rin talaga.

"Alam mo Aria, hindi ako naniniwalang hindi mo na mahal si Lucas. Alam kong hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin siya." Mahal ko pa nga ba siya? Hindi ko na alam.
Dahil sa totoo lang natatakot ako, natatakot akong mahalin siya ulit, dahil sa huli baka ako na naman ang kawawa. Ako na naman ang masaktan at baka mamaya ako na naman ang lokohin.

"Natatakot ako. Akala ko nakalimutan ko na siya, hindi pa pala." Umayos siya ng upo niya at humarap saakin.

"Natatakot san?" Seryosong tanong ni Winwin sakin.

"Natatakot na masaktan ulit. Natatakot na lokohin ulit. Masakit dito o, baka hindi na niya kayanin." Sabi ko habang tinuturo ko ang puso ko. Mukha akong tanga pero totoong masakit eh.

He enveloped me with a tight hug habang ginagawa ko iyon. "Usap lang walang iyakan Aria."

Hindi naman ako umiiyak pero may mga unti-unting tumutulo na sa mga mata ko. Wala na rin naman na kasi akong luha. Naubos na kakaiyak ko habang ako lang mag-isa.

"Akala ko chance ko na ngayon.. hindi pa rin pala. Pwede bang ako na lang? Hindi kita sasaktan. Promise." Parang bata na sabi niya. Lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya saakin. Pero bakit ako pa rin? Akala ko nakalimutan na niya ako.

Naramdaman ko naman na humihikbi na siya at nababasa na ang balikat ko, umiiyak siya. Hindi ko deserve ang mga luha niya. Hindi niya ako iniyakan ng ganito noon, at lalong hindi siya nag maka-awa saakin ng ganito.

"Two years Aria, sa two years na yun lalo kitang minahal. I stay updated sa buhay mo nang hindi ka ginugulo. Kasi yun ang gusto mo diba?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ako ang nasasaktan para kay Winwin.

"Hindi mo ako deserve Win. Marami pang babae diyan. Yung para sayo talaga." I said habang niyakap ko siya pabalik.

"Ikaw lang ang gusto ko Aria. Kahit gamitin mo lang ako para maka move on kay Lucas. Please." Hindi pwede. Hindi ako ganon.

"Hindi mo deserve ang ganon Winwin. Ayokong masaktan ka." Masakit para saakin na nakikita kong nagmamakaawa si Winwin saakin. Kaibigan ko siya at ayokong nasasaktan siya.

Bakit nga ba kasi hindi na lang ikaw Winwin? Bakit ba kasi si Lucas pa?

nostalgia ›› lucas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon