Aria's POV
Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Lucas pero hindi pa rin ako kumakatok. Ewan ko ba. Ang hirap ng ganitong set-up. Nagpapanggap na mahal mo ang isang tao kahit hindi naman na talaga.
Well, I guess kailangan ko na lang enjoyin lahat ng mangyayari sa loob ng ilang buwan. Hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko.
Basta sigurado akong hindi ko na mahal si Lucas. Yun ang importante. Pumasok na ako sa loob at nakita ko agad si Lucas na nanood ng tv.
"Hoy poste!" Poste. Hayop naalala ko pa yun? Nagulat ako sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinahalata.
Poste ang laging tawag ko sa kaniya noon. Pano ba naman kasi napaka tangkad na nilalang hanggang balikat lang niya ako. Kusang bumabalik ang nakagawian namin noon. Hindi maganda to. Baka mamaya masanay lang ako, ako pa ulit masaktan sa huli.
"Hi mahal!" Hayop na yan.
"Mahal mo mukha mo!" At hinagis ko sa kaniya yung unan na nasa tapat ko.
"Kamusta ka?" Umupo ako sa tabi niya.
"Humihinga pa rin naman babe." Pigilan niyo ko susuntukin ko talaga to.
"Pilosopo." Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso niya.
"Aray babe masakit. Naalog ata yung utak ko." At ayun nga nag-kunyari siyang masakit ang ulo niya.
"Tanga! Sa braso kita hinampas hindi sa ulo." Tumigil na rin naman siya sa pag-arte niya at ayun tawa siya nang tawa.
"Happy ka?" Sarcastic kong tanong sa kaniya.
"Oo nandito ka na kasi ulit sa tabi ko eh." Nasa tabi niya na ulit? Anong ibig niyang sabihin?
"Ang ibig kong sabihin is diba ang tagal kong nasa ospital ngayon na lang tayo uli nagkasama." Oo nga naman. Napatango na lang din ako sa sinabi niya.
Tumayo ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng cookies. Teka, may stock pa kaya siya ng cookies? Eh matagal na kaming break tiyaka ngayon na lang siya uli umuwi. Favorite ko kasi ang cookies at kaya ayun lagi siyang may stock nito dito. Tapos kukuha na lang ako kapag gusto ko.
Hindi ko rin naman alam kung bakit bigla ko ring naisipan na may cookies pa dito. Samantalang ayun nga break na kami diba?
Binuksan ko ang cabinet kung saan laging may stock ng cookies, at sa gulat ko ay meron nga. Ang daming cookies. Pero bakit? Posible ba?
Nagulat naman ako nang may biglang yumakap sakin sa likod at sa amoy at tangkad pa lang niya alam kong si Lucas to.
"Nag-stock na ako ng cookies dahil alam kong tatambay ka na naman lagi dito." Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya.
Wala akong kahit anong ginawa. Para akong na -stun dito. Hindi ko rin siya pinipigilan o kahit kumawala man lang sa yakap niya ay hindi ko rin ginawa. Naaalala ko to. Lagi kaming ganito, mahilig siyang mang back hug.
Aaminin ko na-miss ko to. Pero lahat din ng sakit bumabalik. Lahat ng alaalang hindi na dapat pang maalala ay naaalala ko na naman. Pagmamahal. Saya. Sakit. Lahat sila bumabalik at nararamdaman ko.
"Aria.. bat ka umiiyak?" Hinawakan ko ang mukha ko at basa nga ito.
Hindi ko man lang naramdaman na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kumawala ako sa yakap niya at pumunta ako sa cr.
Nilabas ko lahat ng luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ano ba Aria? Akala ko ba okay na? Akala ko ba naka move-on ka na? Bakit umiiyak pa rin ako?
Napa-hilamos ako sa mukha ko at pilit na tinitigil ang pag-iyak ko. Hindi pwede. Wala na. Tapos na Aria. Tapos na.
Hindi ko pwedeng iyakan na lang ulit ng ganito si Lucas. Hindi na ako iiyak dahil lang sa kaniya. Ayoko na.
"Aria? Okay ka lang?" Tanong ni Lucas mula sa labas ng pinto. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako okay dahil sa kaniya. Pero hindi pwede.
"Oo okay lang ako." Inayos ko ang sarili ko at lumabas na. Nandito lang din siya sa labas nag-hihintay.
"Bakit ka umiyak?" Tanong naman niya.
"Wala. May naalala lang ako." Nginitian ko siya. Nagulat ako dahil niyakap nanaman niya ako.
"Baka kailangan mo. Wag ka mag-alala nandito lang ako pag kailangan mo ng tulong." Still the same Lucas I knew. Makulit pero sweet.
Pero pano kung siya ang problema ko? Hay Lucas. Ikaw lang ang nakakagawa lahat ng nararamdaman ko. Saya at sakit. Kayang-kaya mo ibigay parehas.
"Ano ka ba. Okay lang ako." I gave him the smile na alam kong maniniwala siyang okay ako.
***
Nandito na kami sa sala at nanonood lang ng dilaw na sponge. Hindi ko na rin naman na inisip pa ang mga nangyari kanina.
"Babe sa tingin mo destiny tayo?" Hindi tayo destiny matagal na tayong tapos eh.
"Ikaw? Ano sa tingin mo?" Binalik ko sa kaniya ang tanong niya.
"Sa tingin ko, oo." Bat naman niya nasabi yun?
"Bat mo naman nasabi?" Bakit nga ba ako curious?
"Wala lang. Feeling ko lang tayo talaga." Hangal hindi talaga tayo para sa isa't isa.
"Lucas, kaya mo ba akong lokohin?" Bobo ka talaga Aria, nagtanong ka pa. Gustong gusto ko talagang nasasaktan eh.
"Hindi. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko Aria. Kahit anong mangyari hindi ko gagawin yun." Pero nagawa mo na.
Ano ba talagang nangyari satin Lucas? Bakit nga ba tayo umabot sa ganito? Paki-explain naman oh. Baka sakaling gumaling na yung sugat sa dibdib ko.
***
a/n: grabe 200+ reads agad ha! thank you. mga mami i'm dropping neo series #4 soon! guess who hakhak abang abang na tayo diyan.
BINABASA MO ANG
nostalgia ›› lucas
Short Story[ON-HOLD] ❝akala ko tapos na tayo, akala ko lang pala❞ ➵ Wong Yukhei ➵ neo series #3 ➵ epistolary x narration start: 18.05.15 completed: