Aria's POV
Just posted a photo of me taken by Win and ngayon ang daming nag react. Well ano naman? Everybody except Lucas knows na wala naman akong boyfriend.
Ayoko na lang patulan si Lucas sa mga chat niya pero ang sarap niyang i-block sa totoo lang. Akala mo kung sinong mabait na boyfriend kung magalit. Hinayaan ko na lang din dahil nga wala naman siyang naaalala at isa pa nagpapagaling pa lang siya.
Sa ngayon papunta na kami ni Winwin sa dorm ng nct since gusto ko rin naman makita yung iba. Sobrang thankful nga ako kay Winwin dahil nilibre niya ako png coffee. Sobrang stress na rin kasi ako nitong mga nakaraan.
"Win, thanks ah." I thanked him habang naglalakad kami.
"Wala yun. Napapansin ko kasi stress ka na rin nitong mga nakaraan kay Lucas and malapit na rin ang college exams mo so puro aral ka." Sabi niya pero diretso pa rin siyang nakatingin sa daan.
Si Winwin ang unang unang member ng nct na naging close ko. Nagkakilala kasi kaming lahat nung highschool ako. Although mas matanda sakin si Winwin ng 2 years even yung ibang members ayaw na nilang tawagin ko silang oppa mas cool daw kasi kapag parang magkaka-age lang kami.
"And besides Aria it's been two years. Na-miss ko rin namang lumabas kasama ka, hindi naman siguro magagalit si Lucas diba?" Hindi nga ba? Baka nga nananapak na ng ibang members yun eh. Wag naman sana.
"Ano naman kung magagalit si Lucas? Wala naman siyang karapatan." Tumawa lang siya.
"Pero ang alam niya girlfriend ka niya. Walang boyfriend ang gustong makita na may kasamang iba ang girlfriend niya." Drama na naman neto ni Winwin oh.
"Hindi ka naman iba Win at hindi rin naman iba ang mga members. Kaibigan ko kayong lahat at kung may tiwala siya sakin at sa inyo hindi siya magagalit." Pero kasi hindi rin naman ako nag-sabi sa kaniya na aalis ako kaya may mali pa rin ako.
"Siguro nga ang ibang members ay hindi iba para sa kaniya pero ako? Alam kong iba ako para sa kaniya Aria." Wala naman kaming ginagawang masama.
"Drop the subject Winwin." Wala nang nag-salita pa saaming dalawa.
Malapit-lapit na rin kami sa dorm. Bakit feeling ko may mangyayaring hindi maganda? Wag naman sana.
Nandito na kami sa tapat ng dorm ng nct at unang pumasok si Winwin. Huminga muna ako ng malalim dahil pag ako pumasok dito, panigurado ang gulo na naman nila.
Pero mali ang inaakala kong magulo. Lahat sila tahimik maski ang dream tahimik lang din. Anong meron? Bakit parang may tension akong nararamdaman sa dorm nila?
"Kanina pa badtrip si Lucas gege noona." Bulong sakin ni Chenle na palakad-lakad lang.
"Bakit daw?" Bulong ko rin sa kaniya dahil para kaming nasa kumbento. Lahat tahimik at mahihiya kang mag-salita.
"Eh kasi nag date daw kayo ni Winwin gege. Kanina pa nga siya pinapa-kalma nila Taeyong hyung eh kasi baka kung anong mangyari sa kaniya." Hay nako Lucas. Hindi pa rin siya nagbabago. Same old Lucas na napaka seloso.
Hinanap ko naman kung nasan si Lucas at nakita kong nandon siya sa parang mini terrace ng dorm nila.
"Lucas.." Tawag ko sa kaniya. Pero mukhang galit talaga siya dahil hindi siya namamansin. Never pa kami nag-away kahit noong kami pa.
"Uy.. di ka talaga mamamansin?" Kinalabit ko siya pero wala dedma.
"Sorry na, okay? Sorry kung hindi ako nagsabi sayo." Yun lang naman ang mali ko diba?
"Friendly date lang naman yun eh." Totoo namang friendly lang.
"Friendly? How do you expect me to calm down lalo na si Winwin gege kasama mo!?" Ano namang masama kung si Winwin ang kasama ko?
"Bakit? Ano bang mali dun? May problema ka ba dun? Na siya ang kasama ko?" Mahinahon ko pa ring sabi sa kaniya kahit sinisigawan niya na ako. Nakakahiya, sana hindi naririnig ng ibang members.
"Oo! May problema tayo dun Aria! Lumabas kayo ng hindi ka man lang nag sabi sakin! At sa tingin mo friendly yun? Si Winwin gege ang kasama mo! Baka nakakalimutan mong once na siyang nagka-gusto sayo!" Ngayon pa ba namin pag-aawayan to?
"Alam k-" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang nag-salita si Winwin sa likod ko.
"Ano naman kung nagka-gusto ako sa kaniya? Sino bang pinili niya saating dalawa? Diba ikaw? O baka talagang wala kang tiwala sa kaniya?" Seryoso ang pagkakasabi niya pero nginisian ni Winwin si Lucas na parang nang-aasar.
Tapos na kasi bakit kailangan pa nila ulit pag-usapan? Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.
"Tama na, pwede?" Pero mukhang hindi nila nakikita o naririnig man lang dahil tuloy pa rin sila sa sagutan nila.
"Alam mo gege, akala ko matagal na tayong tapos dito pero mukhang hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa girlfriend ko." Ilang taon na ang nakalipas, sigurado akong may ibang gusto to si Winwin.
"Pano kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba? Ano bang karapatan mo? Hindi ka n-" Pinigilan ko na siya sa mga susunod niyang sasabihin.
"Winwin, tama na." Ayokong umabot kami sa usapang iyon. Lalo lang lalaki ang gulo.
"Pasalamat ka talaga mas matanda ka sakin kaya nirerespeto kita. Pero sa pinapakita mo hindi kita dapat nirerespeto." Nagulat ako dahil tinulak ni Lucas si Winwin.
Ano to? Magsusuntukan pa talaga sila?
"Lucas, tama na!" Nilalayo ko na siya kay Winwin dahil baka kung anong mangyari sa kanila. Delikado rin dahil hindi pa magaling si Lucas.
"Ano? Kinakampihan mo pa yan?" Tanong niya sakin.
"Hindi ko siya kinakampihan. Wala akong kinakampihan, kaya pwede ba? Tama na." Pero bakas pa rin sa mga mata niya na hindi pa rin siya tapos.
"Talaga ba Aria? Baka naman may gusto ka rin sa kaniya kaya mo ginagawa to?" Siya nga ang pinili ko diba?
"Ganyang klaseng babae ba ang tingin mo sakin? Edi sana una pa lang hindi na ikaw ang pinili ko! Noon pa lang talaga siguro wala ka ng tiwala sakin! Kaya siguro nagawa mo-" Tumaas na rin ang boses ko dahil hindi na tama ang ginagawa o kahit ang mga sinasabi niya.
Pinigilan ko na rin ang sarili ko bago pa ako may masabing hindi dapat. Umalis na ako sa harap niya at dire-diretsong pumunta sa pintuan. Lahat sila tinatanong ako kung okay lang ako pero hindi ko sila sinagot ang gusto ko lang ay makalabas na ako sa pintuan.
Naiinis ako sa kaniya. Napaka-unfair niya. Siguro nga noon pa lang wala na siyang tiwala sakin. Dahil nagawa niya nga ang hindi dapat. Nagawa niyang sirain ang relasyon namin.
Hindi ko inakala na kaya niya akong pag-taasan ng boses dahil kahit naiinis siya sakin noon hindi niya ako sinisigawan o sinasaktan.
Bakit ko nga ba kinukumpara ang noon sa ngayon? Tapos na yun eh. Marami ng nagbago. Lahat kami nagbago. At sa tingin ko mahirap ng ibalik ang dati.
BINABASA MO ANG
nostalgia ›› lucas
Conto[ON-HOLD] ❝akala ko tapos na tayo, akala ko lang pala❞ ➵ Wong Yukhei ➵ neo series #3 ➵ epistolary x narration start: 18.05.15 completed: