Mixed Signals

663 43 5
                                    



Aray!

Wala na sigurong mas sasakit pa sa leeg ko ngayon. Para akong naparalyze, isang maling galaw lang mags-snap siguro ang ugat ko sa leeg na maging dahilan ng pagkamatay ko.

Ang exag naman, pero ang sakit talaga!

Napahaplos na muna ako sa leeg bago dahan-dahang minamassage at sinubukan i-bend sa kanan. Since nakasandal pala ako sa bintana na nasa kaliwa ko lang.

Saka ko naalala kung nasaan ako at kung saan kami pupunta. Bigla akong nagpanic nung wala akong makitang tao sa driver's seat, sa shotgun at wala na rin akong kasama dito sa passenger's seat.

Nasaan na ba sila?

Naka-on pa rin naman yung engine kaya may aircon pa rin siguro dahil nandito pa ako pero, saan ba napunta ang mga tao? Huwag mong sabihin..

Eksakto namang bumukas yung pinto sa kabilang pinto ng passenger's seat which is sa kanan at bumungad ang usual bored expression ni Eros ngunit nagbago ito nung nagtagpo ang mga mata namin. Nakahinga naman ako nang maluwag, at least nandito siya.

Kung hindi sana masakit leeg ko, kinilig na ako ng sobra.

Medyo magulo ang hindi gaanong mataas niyang buhok na walang effort tumayo kahit hindi naggel. Naka v-neck shirt siya kaya mas lalo mong madedetermine na maputi siya in a way na hindi maputla partnered with khaki short na a little centimeters above the knee.

Matipid siyang ngumiti bago nagsalita "Gising ka na pala, Idy. May gusto ka bang bilhin?"

Kunot-noo akong napatingin sa likod niya at nakitang huminto kami sa may seven eleven at katabi nito ay isang gasoline station. Para siguro bumili ng mga pwedeng kakainin habang naliligo pati na rin pag-add ng fuel.

Tumango lang ako bago umusod para doon na ako lumabas sa pinto kung saan hinawakan niya para hindi masara.

Walang salita akong sumunod sa iba sa loob ng 7/11 at agad kumuha ng koko krunch, kitkat at paborito kong cheetos. Konti lang yung kinuha ko para sa sarili ko kasi alam ko namang marami rin silang bitbit na kung anong pagkain sa bag nila. Nagdala rin naman ako pero konti lang.

Nakita ko naman ang iba sa counter at wala pa medyong tao since 9:46 a.m pa base on my watch. Nasa harap na ng counter at nagbabayad ang couple na mahina at kalma lang na nag-uusap, sa likod naman ang dalawang kaibigan ko na nagbabangayan na naman. Ayaw kasi ni Lily na si Jerome ang magbayad nung pinili niya kasi may pera siya pero sabi ni Jerome siya nalang daw kasi nga parte iyon ng panliligaw.

Umiiling akong napangiti sa dalawa, kahit na ganoon alam ko namang gusto nila ang isa't isa.

Oo nga pala. May pagkain ako pero wala akong maiinom.

Mabilis akong napatalikod para makabalik sa may freezer nung may nabangga akong lalake. Pamilyar yung hubog ng katawan niya na hindi malaswa kahit may konting muscles na kitang-kita dahil nakasando siya ng kulay black at nakashort na may flowers na print.

Napaangat agad ako ng mukha at nakita ang mukha ni Logan na nakaangat ang dalawang kilay na animoy nagtatanong kung saan ako pupunta dahilan nang pagbangga ko sa kanya.

Oneshot: Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon