Maxine's Pov
Nag punta agad ako sa ospital. Pero nag paalam naman ako kay Mama. Pag dating ko sa ospital nakita ko si Laxus na nakahiga. Pwede naman na daw syang dalawin sabi ng Doctor kaya pumasok na kami ni Tita (Mommy ni Laxus).Umupo ako sa tabi ng kama nya. Hinawakan ko ang kamay nya. Yung kabilang kamay ko naman hinawakan ang noo nya at hinawi ang buhok nya. Laxus lalaban ka diba? Uy! Diba mag pupunta pa tayong Paris sabi mo sakin nung bata pa tayo? Laxus tutularin mo yun diba?
Hindi ko na napigilang maiyak. Si Tita naman lumabas muna.
"Laxus diba lalaban ka? Gigising ka diba? Uy friend! Laxus malakas ka diba? Mag paParis pa tayo diba? Makakasama pa kita diba? Mayayakap at makakausap pa kita diba? Diba?" Sabi ko habang umiiyak
Laxussss! Kaya mo yan! Mag kakagirlfriend ka pa diba tas ako Ang kikilatis. Diba sabi mo sakin dati? Hindi ka bibitaw diba? Tutuparin mo yung pangarap natin friend diba? Laxus gumising ka na! Please!
Maya maya biglang gumalaw yung kamay nya kaya tinawag ko si Tita at ang Doctor.
"Laxus!" Masayang sambit ko dahil nakadilat na sya
"Sino ka?" Takang tanong nya
Hindi ako nakaimik. I-ibig sabihin...hindi na nya ko naaalala? Laxus! Bakit? Laxus naman joke ba to? Bigla na lang tumulo ang mga liha sa mata ko.
"Laxus! Wag ka ngang mag biro ng ganyan. Si Xin yan kababata mo" Sabi ni Tita
"Huh? Kababata? Wala kong natatandaang kababata ko?" Sagot naman ni Laxus
Hindi na ko nag salit at tumakbo palabas ng ospital. Hindi ko alam na sumunod pala sakin si Tita.
"Xin sabi ng Doctor kaylangan syang dalin sa US para magamot kaya bukas aalis na kami. Xin hayaan mo ipaaalala ko sakanya lahat. Sige na anak ingatan mo Ang sarili mo dahil maaalala ka pa ni Laxus" Sabi nya at umalis na
Laxus naman eh! Lalaban pa tayo friend diba? Ehhhh bakit mo ko kinalimutan?! Kakainis naman eh! Umuwi na ko at nag kulong sa kwarto.
After 3 weeks...
Darren's Pov
3 weeks na atang hindi namin nakikita o nakakasama si Xin eh. Di din sya nag oonline. Bakit nanaman kaya? Napano nanaman kaya ang babaeng yon?Puntahan ko na lang ulit sya. Kinuha ko ang susi ng kotse at nag drive. Pag dating ko sa bahay nila pinapunta agad ako ni Tita sa kwarto nya.
(A/N: Guys try nyong basahin with the song Stay By Daryl Ong. Hutek kaiyak. Haha)
"Darren wag ngayon. Umuwi ka na. Iwan mo muna ko" Sabi nya
"Xin? Napapano ka?" Tanong ko
"Umalis ka na Darren. Wag ngayon" Sabi nya ulet
"Xin! Hindi ka na nga daw kumakain sabi ni Tita eh. Ano bang nangyayari sayo?" Sigaw ko
"Pagba sinabi ko sayo mabubuhay mo pa sya!? Mabubuhay pa ba si Laxus pag sinabi ko sayo ha!?" Sigaw nya at umiiyak
Patay na si Laxus? Yung kababata nya? P-pano...
"Ang sakit. Nangako sya pero iniwan nya ko. Sabi nya mag pupunta pa kaming Paris. Sabi nya mag koKorea ulit kami. Sabi nya mag gegirlfriend pa sya at ako ang kikilatis. Sabi nya iiwan nya kong nakangiti pero bat ang sakit!" Sigaw nya at umiiyak
"Pinilit kong maging masaya para sakanya pero hindi ko kaya Darren. Ang sakit. Ang sakit palang maiwan ng kaibigan. Yung tipong kapatid na turingan nyo? Ang sakit! Yung simula pagkabata nyo lagi kayong mag kasama pero...ngayon...ngayon na lang ulit kami mag kakasama...dapat...pero...wala...Wala na sya...iniwan na nya ko...Ang sakit!" Sigaw nya parin habang umiiyak
Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Kaylangan nya ng mag kocomfort sakanya. Iniwan sya ng taong mahal nya kaya sya nasasaktan ng ganto. Hayaan mo Xin. Ako. Ako yung mag bibigay ng mga bagay na hindi nya naibigay. Papangako kong hindi kita sasaktan.
——————————————————
Author's Note:
Ehhhhh! Naiyak ako dito! Lalo na with matching Stay By Daryl Ong. Hutek! Ang sakit! Feel na feel ko! Please Vote! Salamat! Huhuhuhuhuhu!
YOU ARE READING
Because of Fangirling
FanfictionFangirling? Ang pag fafangirl ba eh ang pag iidolo lang? Pero hindi natin alam na makakapag bago ito ng buhay ng ating bida...