Author's Note: Once again Congratulations Armys and BTS!
3 weeks after...
Nakabalik na sila sa Philippines...
At kasama nila si Laxus...Maxine's Pov
Ngayong kakauwi lang namin dito ilang araw muna kong hindi nag gagala. Hindi din muna ko nag oonline. Puro nood lang ng Kdramas at Yey. Tinatamad pa kasi ko. Siguro pagod? Oo pagod lang. Chaka nung pag kauwing pag kauwi namin nag punta pa ko kila Laxus at nag gala kami kaya nabigla siguro ko. May sinat din ako ngayon dahil naulanan kami ni Laxus. Tss. Kung minamalas ka nga naman.Darren's Pov
Ilang araw ko nang di nakikita o nakakasama si Maxine. Namimiss---what? Hindi. Mali. Hindi yun totoo.
(A/N: Umamin ka na Da)
Bwoah! Ok. Ok. Ok. Fine. Oo. Namimiss ko na nga si Xin. Namimiss ko na syang asarin at kulitin. Ano kayang nangyari don? At hindi nag oonline at nag gagala dito?Puntahan ko kaya? Oo sige. Sige. Ok...para kong tangang kinakausap ang sarili ko. Tss. Haha. Lumabas na ko ng kwarto at nag drive ng kotse.
Pag dating ko sa bahay nila si Tita (Mama ni Xin) lang ang nasa baba.
"Hello po tita" bati ko
"Oh Darren anong meron at nagawi ka dito?" Sabi nya
"Ah si Xin po kasi di na nag pupunta samin? Ano pong nangyare?" Sabi ko
"Ah sinisinat lang at naulanan sila ni Laxus nung nakaraan. Pero ok lang naman sya" Sabi nya
"Ah ok po. Wait. Who's Laxus po?" Sabi ko
"Ah eh. Kababata nya yon. Eh nag kita sila sa Seoul nung nakaraan. Ayun sabay silang umuwi dito. Diba nasabi sayo?" Sabi nya
"Ah eh hindi po eh" Sabi ko
"Ah sige. Nandun sya sa kwarto nya. Umakyat ka na lang. Dadalan ko kayo ng miryenda" Sabi nya at umalis na
Umakyat naman ako sa kwarto at kumatok. Pero nakabukas naman kaya pumasok na ko. Nakita ko syang nakaharap sa gawi ko. Siguro narinig nya ang katok ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko syang nakatitig mismo sa mga mata ko. Umiwas naman ako ng tingin.
"Ano? Tutulala ka na lang jan at hindi papasok?" Tanong nya at dumapa sa kama at nag palungbaba.
"Ah eh. Nga pala bat di ka nag gagala at di ka nag oonline?" Sabi ko
"Bakit? Miss mo?" Tanong nya sabay smirk
"Hahaha joke lang!" Sabi ulit nya
"Tss. Bakit nga?" Tanong ko
"Tss. Wag kang unli. Alam kong nakausap mo na si Mama no!" Sabi nya at napaiwas naman akong tingin. Totoo kasi eh.
"Haha sige na tara dito. Upo" Sabi nya habang tinatap yung kama nya
Sumunod naman ako at naupo. Nanood naman ulit sya ng pinapanood nyang Yey. Mr. Bean yung pinapanood nya. Haha isip bata.
(A/N: Parang sya hindi? Wag ka nga Finn Gonto!)
Haha sorry na.Maya maya may kumatok. Pumasok si Tita at may dalang sandwich at juice. Pag katapos non ay lumabas na sya. Nag kwentuhan naman kami ng konti chaka non nag paalam na kong umuwi dahil mag gagabi na.
Pag kauwi ko sa bahay pumasok na ko sa kwarto. Ngayon nakatulala ako at nakatingin sa ceiling. May crush na nga ba ko kay Xin? Aish! Erase! Erase! Erase! Makatulog na nga lang!
——————————————————
Author's Note:
Heya! Just a short update. Shoutout sa isang reader jan! Eto na yung POV ni Darren. Dapat di pa to ngayon eh. Pero pinaaga ko na dahil gusto mo naman kaya. Ayun. Please vote guys!Once again and again and again and again and again and again Congratulations Armys and BTS!
YOU ARE READING
Because of Fangirling
FanfictionFangirling? Ang pag fafangirl ba eh ang pag iidolo lang? Pero hindi natin alam na makakapag bago ito ng buhay ng ating bida...