Fangirling 6

20 2 2
                                    

Maxine's Pov
Matapos kong ichat si Kuya Will. Hahaha juskong pangalan talaga pag naaalala ko. Ayun pag katapos ko syang ichat ay pumayag na kami. Ipapaalam ko sana kay Darren sa chat pero di parin nag oonline simula nung umuwi kami galing sa Mall kagabi.

Nag bihis ako ng long sleeve na crop top. Yung di masyadong kita yung tyan ko. Kulay Black sya tas may nakasulat na BTS. Oh pak! mga asawa ko yan!
(A/N: Don't you dare! Akin lang si Jungkook!)
Ok fine. Si Taehyung na lang sakin. Tapos nag jeans ako. Tapos rubber shoes. Parang tanga lang eno? Kila Darren lang naman ako pupunta eh.

Tss. Yaan nyo na. Kpop fan nga eh diba. Kaya asahan nyong ganyan ang pormahan.
(A/N: I agree! I agree! Kesa naman Hypebeast!😂)
Hahaha true Author! Tapos kong mag bihis nag paalam ako kay Mama at nag punta sa bahay nila Darren.

Nang makarating ako sakanila tinuro ni Yaya nila ang room nya. Wala naman ang family nya dito kasi nga nasa Canada. Tss. Bat alam ko? Darrenatics kaya ako no?

Pumasok na ko sa kwarto nya. Nakita ko syang tulog at nakakumot. Wait! Nilalagnat ba sya?
(A/N: Subukan mong hawakan. Hindi yan lalapit sayo para sya pa mag pahawak Max!)
Ok Author ang bad mo na ah! Lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo. Pashnea! Ang init! Nag pakuha ako kay Yaya nila ng gamot,tubig na iinumin,tubig sa planggana at panyo pati na rin pala noodles.

Syempre kakainin ko. Syempre joke lang. Ipapakain ko sakanya para pag pawisan sya.

"Babe! I mean Darren gising ka muna" jusko? Bat babe? Hahaha. Sorry.

"Hmm...Xin? What are you doing here?" Tanong nya

"Ah kasi may sasabihin sana ko sa chat kaso di ka pa nag oonline kaya naisipan kong pumunta pero may lagnat ka pala kaya aalagaan kita" paliwanag ko

"Ok. Thank you. Eh ano nga pala sasabihin mo?" Sabi nya

"Bago ko sabihin kumain ka muna tas uminom ka ng gamot" Sabi ko at sumunod naman sya

Tapos nyang kumain kinuha na ng Yaya nila ang pinag kainan nya.

"Ayun nga. Sasabihin ko na..." Pabitin ko

"Naaaa?" Mahabang Sabi nya

"Na...." Pag papabitin ko ulet

"Naaaa?" Inulit nya uli yung ginawa nya kanina

Jusko parang tanga lang eno? Hahaha. Di ko na napigilang bumulalas ng tawa.

"Oy! Bat ka tumatawa?" Tanong nya

"Pano ba naman halatang halata na excited ka sa sasabihin ko at inaabangan mo" Sabi ko sabay tawa ulit

"Ano nga sasabihin mo?" Tanong nya

"Ah ano...kasi...ako na yung make up artist mo. And at the same time... assistant mo" Sabi ko

"Totoo?" Tanong nya

"Muka ba kong nag bibiro?" Sarcastic kong saad

"Pero pano nangyari yun?" Takang tanong nya

"Basta! Si Manager Will na lang mag iistory telling sayo" Sabi ko

Tumahimik naman na sya. Pinahiga ko na ulit sya at natulog naman na sya. Aalis na sana ko nang bigla syang mag salita.

"Salamat Xin" sabi nya,at napangiti naman ako at umalis na

Nang makauwi ako sa bahay ay 7pm na. Nag lakad lakad pa kasi ko sa park.  Matapos kong kumain ng dinner umakyat na ko sa kwarto at nag pakamatay. Jokeeee! Hahaha. Syempre matutulog. Huehuehue.
——————————————————
Author ang taong malapit lapit nang makapuntang Korea's Note:
Heya! Guyseu may hiling lang sana ko. Sana tuwing update ko may side comments kayo para naman malaman ko kung nagagandahan ba kayo. Please? Salamat. Don't forget to vote! Salamat<3

Because of FangirlingWhere stories live. Discover now