Kabanata 1
Tiny's point of view
"Oh mga bata, ano pang hinihintay ninyo? Magsibangon na kayo at kumain!" sambit ni Aling Prising
Tiny. Tiny ang pangalan ko. Sampung taong gulang at nangangahulugang sampung taon na rin akong naninirahan dito sa bahay ampunan. Labing pito kami dito sa bahay ampunan at ako ang pinakabata sa lahat. Kahit lumaki nang hindi kinagisnan ang ama't ina ay masaya naman ako sa piling nila Aling Prising at Mang Victor, syempre pati na rin sa mga itinuturing ko nang mga kapatid.
Bago ko pa makalimutan, mayroon nga pala akong pambihirang lakas. Sa sobrang lakas ay pinilit ko na lamang na itago ito para na rin sa katahimikan ng buhay ko.
"Uy! Tiny may napulot akong bola sa labas, mamaya laro tayo huh?" pananabik na sabi ni Mariella
Si Mariella, siya ang BFF ko as in best friend forever. Cute siya, makulit at maingay pero napakabait at napakalambing na kaibigan.
"Hoy kayong dalawa! Kakain ba kayo o magkukwentuhan? Diba kanina pa tayo tinatawag! Kadaldalan hindi mapigilan eh!?" sigaw ni Aqua
Kung mayroong BFF, syempre hindi mawawala ang enemy. Walang iba kundi si Aqua. Hindi ko alam kung bakit napakasungit niyan sa amin, wala naman kaming ginagawang mali. Hays
"Good Morning Aqua! Tara sabay tayong pumunta sa hapagkainan, ipaghahanda kita." sweet na sabi ni Jack
Si Jack, love na love niya si Aqua sobrang tagal na. Di ko alam kung anong nagustuhan niya dyan eh. Ganda lang siguro, dahil wala nang ibang maganda sa babaeng yan kundi mukha. Hakhak
"Ooops ako dito!"
"Tabi ako dyan!?"
"Aking plato yan."
NAKAKARINDING sigawan ng mga kapatid ko. Laging silang ganyan araw-araw, kala mo mga hindi kumakain. Kaiingay!
" Mga bata tumahimik muna kayo! May gusto lamang kaming ipakilala sa inyo ni Prising. Eto na nga, habang namimili kami sa palengke ay may nakita kaming isang bata. Umiiyak, gusgusin kaya napagdesisyunan namin na kuhain na lang namin siya. Gusto niyo ba siyang makilala?" sambit ni Mang Victor
Madadagdagan na naman kami. Matagal-tagal na rin kasi ng pumasok dito si Mariella eh. Parang dati lang gusgusin pa to pero ngayon tinalo pa ako.
"Opo, gustong gusto!" sabay sabay naming hiyawan
BINABASA MO ANG
The Orphanage
Mystery / ThrillerSa isang masayang bahay ampunan lahat magaganap ang kahindik-hindik at hindi inaasahang pagpatay. Lahat ay talagang naguguluhan dahil hindi malaman kung sino ang salarin. Ngunit may isang batang malakas, napakalakas, at pinakamalakas ang tutulong up...