Kabanata 4
Tiny's point of view
Nakita ko si ate Claire sa labas na nagpepainting. Teka! Alas singko palang nang hapon diba? Gising na kaagad ang ate Claire. Dahil alas sais na kase kami nagigising at minsan alas syete pa. Pero ayos lang, di na kase ako inaantok eh, maigi pang panuorin ko na lang syang magpinta. Di na akong nag-atubili pang lumapit sa kanya.
"Hello ate Claire! Ang ganda naman niyan." puri ko na ikinangiti nya ng maluwag
"Oh Tiny gising ka na pala, mabuti may mauutusan na akong kumuha ng iba pang pangkulay sa bag ko. Maaari ba? request nito sa aki na agad ko ring sinunod
"Opo! Walang problema." At agad na umalis
Pumunta ako ng kwarto ng dahan-dahan dahil baka magising sila. Mabilis kong kinuha yung bag ni ate Claire para kuhain yung mga kulay. Pero laking gulat ko nang may makita akong papel na naglalaman ng sulat...
(Treseng bata para maging maganda)
Masama ang kutob ko rito, parang may mangyayaring hindi maganda a! Pero hindi ko na lang ito pinansin at dali-daling kinuha yung mga pangkulay na inutos sakin ni ate Claire.
"Oh ate Claire. Eto na po yung pinapakuha niyo!" Abot ko sa kanya
Aba! Hindi siya sumasagot. Nakaupo lang siya roon at hindi rin gumagalaw. Nakapagtatakang biglang tumayo ang balahibo ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa pakiramdam ko, kaya napagdesisyunan ko na kulbitin na lang siya sa kanyang likod. Mukang napalakas ata ang pagkulbit ko dahil...
"Aaaaaahhhh!! Aaaaaaahhh!!"
Pagkakulbit ko kay ate Claire, agad itong bumagsak. M-May tusok ito ng pana sa noo at puro dugo na ang mukha. Pano? Ang bilis ng pangyayari. Di ko ito kinayanan, bigla na lamang bumagsak ang tuhod ko na ikinabagsak din ng buong katawan ko. Ouch! Dali-dali akong tumayo sa pagkaka-upo. Mabilis na tumakbo papuntang kwarto. Ginising ko ang lahat upang tingnan ito.
"Gumising kayong lahat! Si ate Claire p-pinana sa n-noo!" Nanginginig ang aking labi habang sinasambit iyon kasabay ng mabilis na pagtulo ng aking luha.
Gulat na gumising ang lahat, samantalang si Aqua ay padabog pang tumayo sa kinahihigaan nya.
"Kahit kailan talaga Tiny panggulo ka!" Sigaw nito sa akin, pero agad itong natigilan nang makita ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
"Mga bata! Sundan naten si Tiny." Utos ni ate Titania
Nagsitakbuhan ang lahat habang nakasunod sa aking likuran. Ang iba'y nagtutulakan at may bakas ng pangamba sa kanilang mga mukha na nag-aalala sa kalagayan ni ate Claire.
"Ate Claire!!!"
Nabahala ang lahat matapos makita ang katawan ni ate Claire na may pana sa noo.
"Wait! Titignan ko sya!" Walang takot na sambit ni ate Titania
Tumabi kaming lahat sa daraanan ni ate Titania. Hinawakan nya ito sa bandang pulso ngunit agad na nanlumo ang mga mata nito.
"Wala na ang ate Claire nyo!"
Humagulgol ito sa iyak nang malaman na wala ng buhay si ate Claire.Nagsi-iyakan ang lahat sa sinabi ni ate Titania. Ngunit isang pangungusap na nanggaling kay Aqua ang nagpakunot ng noo ng iba.
"Baka si Tiny ang pumatay!?"
Huh? Panong ako? Hindi ko kayang pumatay ng tao, lalo pa't ate ko yan. Kahit kailan talaga hindi na mababago ang ugali ni Aqua. Ang sama!
"Teka huh? Panong si Tiny, eh ang liit-liit lang nyan. Bobo ka ba Aqua huh? Isip-isip din!?" Sigaw na pinagtanggol ako ng aking bestfriend na si Mariella
"Wag na kayong magsisihan. Gisingin nyo nalang si Mang Victor." Malumanay na sabi ni ate Titania
"Ako nalang ang gigising ate!" Boluntaryong sagot ko
Nagmadali kong pinasok ang bahay at agad na pumunta sa kwarto ni Mang Victor at ate Scarlet. Biglang nanlaki ang dalawang tenga ko.
"Ang sarap ng pinakawalan mo Victor, kaya hindi kitang magawang iwan eh!"
"Basta ikaw ang paligayahin ko Scarlet, lahat ibibigay ko no."
Pinutol ko ang malambing nilang pag-uusap sa isang malakas na katok. BWISET! Nagkaroon ng crack ang pinto nila Mang Victor. Tiny naman oh, pigilan mo kase minsan ang lakas mo.
"Oh tiny bakit ka napakatok?" Tanong ni Mang Victor habang nag-aayos ng butones ng kanyang pantalon.
"Si ate Claire po. Patay na."
Malungkot kong pangungusap"What the fucking hell is happening!? Anong nangyari?"
Mapagkunwaring pag-aalala ng malanding si ate ScarletAgad na dumausdos ng takbo si Mang Victor at iniwang mag-isa si ate Scarlet.
Buti nga sayo! Sabay irap dito.
Sinarado ni ate Scarlet ang pinto at hindi man lang nakuhang silipin ang bangkay ni ate Claire. Ang sama talaga ng ugali mo.
Natigilan ako ng maisip na imposibleng si ate Scarlet ang pumatay dahil nasa kalagitnaan sya ng panghahalay sa kanya ni Mang Victor kaya talagang napakaimposible. Ngunit sino ang pumatay sa ate Claire ko.
Naabutan kong hawak ni Mang Victor ang telepono habang tinatawagan si aling Prising.
"Umuwi ka na dito huh?"
Huling salitang narinig ko sa bibig ni Mang Victor na malungkot pa rin ang mukha.★Pagkalipas ng ilang minuto★
DUMATING na si aling Prising mula sa kanyang trabaho. Wala itong sinayang na oras sa paghagulgol. Napaluha rin ako sa inaakto ni aling Prising, di ko makayanan na makitang ganito ang aming ina. Sorry di ko man lang napagtanggol ang ate kahit na may pambihira akong lakas. Sorry!
Napatili si Cathy pagkatapos makita ang ipininta ni ate Claire.
Sandali, bakit...
BINABASA MO ANG
The Orphanage
Misterio / SuspensoSa isang masayang bahay ampunan lahat magaganap ang kahindik-hindik at hindi inaasahang pagpatay. Lahat ay talagang naguguluhan dahil hindi malaman kung sino ang salarin. Ngunit may isang batang malakas, napakalakas, at pinakamalakas ang tutulong up...