Kabanata 2
Tiny's point of view
"Rude! Lilo! Pasuyo naman oh?" utos ni Mang Victor
Sila kuya Rude at kuya Lilo ang laging inuutusan sa mga buhatan, palibhasa maskulado at malakas ang pangangatawan. Liban pa roon mabait at maalaga silang dalawa kaya lang, hindi pa rin sila masagot sagot ni ate Titania ang pinakamatanda sa aming lahat. Hindi kagandahan pero luklukan ng bait at talino na siyang dahilan kung bakit nagustuhan siya ng dalawa kong kuya.
"Miss ako na po dyan, dalhin ko na po yung bag niyo." malambing na sabi ni kuya Lilo
"Ako na po rito sa maleta!" sambit din ni kuya Rude
"Maraming salamat mga kuya!" pasalamat ni ate Scarlet sa dalawa
"O siya siya ipasok niyo na yan sa loob ng kwarto ko at susunod na rin kami ni Scarlet doon." utos ni Mang Victor
Habang naglalakad si kuya Lilo papuntang kwarto ay sumunod din kami ni Mariella. Nagtatakbuhan ang lahat at sayang-saya sa paglalaro. Sa hindi sinasadya, natabig ni April si kuya Lilo kung kaya't bumagsak ang bag sa sahig. Nagsigawan kami nang makita kung anong mga nalaglag.
"Kutsilyo"
"Itak"
"Karayom at sinulid"
"Martilyo"
"Pako"
Gulat na sigaw ng lahat.
Agad itong niligpit ni kuya Lilo at dumiretso na sa kwarto ni Mang Victor. Nagpatuloy ang paglalaro ng mga bata, syempre nakisali na rin kami.
Napaisip ako bakit may dalang mga kasangkapang PAMPATAY? si ate Scarlet. Tumaas ang balahibo ko sa mga naganap. Una, ang pag-irap nito kay Mariella. Pangalawa, ang mga kagamitang nalaglag mula sa maleta niya. Misteryoso.
★Makalipas ang ilang oras★
"Mariella. Dumito ka muna, ang sakit ng tiyan ko. Pupunta akong C.R." sabi ko
Di yata ako natunawan, biglang sumakit ang tyan ko kalalaro na rin siguro. Piling ko lalabas na talaga!
"Dalian mo ah!"
Dali-dali akong pumunta sa banyo para dumumi. Nasa kalagitnaan na ako ng pagdumi nang may marinig akong parang may naglalakad. Nanginig ako sa takot. Hindi naman kasi iyon
ang lakad ni Mariella eh. Ewan ko lang, baka iniba nya."May tao ba dyan?" sigaw ko
"Awhooo! Awhooo!"
Jusko Lord! Help me!
"Mariella! Huwag naman dito!" bintang ko na nanginginig pa ang mga salita
BINABASA MO ANG
The Orphanage
Mystère / ThrillerSa isang masayang bahay ampunan lahat magaganap ang kahindik-hindik at hindi inaasahang pagpatay. Lahat ay talagang naguguluhan dahil hindi malaman kung sino ang salarin. Ngunit may isang batang malakas, napakalakas, at pinakamalakas ang tutulong up...