Imposible

9 0 0
                                    

Kabanata 7

Tiny's point of view

Sa bilis ng aming pagtakbo ay humampas ang katawan ni Paula sa sahig na ikinatigil ng lahat. Agad pinulot ni Kuya Lilo si Paula kaya ipinagpatuloy namin ang pagtakbo. Nasa kalagitnaan na kami ng pagtakbo pero bigla na agad tumayo ang aking mga balahibo, mukang masama ito.

Nakarating na kami sa harap ng pintuan ng kwarto nila Aling Prising. Di nag-atubiling binuksan ni Mang Victor ang pinto.

"Hindi ko kayang buksan! Napakahigpit!?"

Namuo na ang pawis ni Mang Victor sa kanyang leeg pero hindi nya pa rin nagawang buksan ang pinto. Agad na umabante sila Kuya Rude at Kuya Lilo para sa tulong na ibibigay nila kay Mang Victor ng mabuksan na ang pinto. Pero agad din itong nahinto dahil sa sinabi ni Ate Titania.

"Naka-lock ang pinto kaya kahit anong pilit nyo ay hindi nyo iyan mabubuksan." Nanlumo ang mukha ni Ate Titania matapos banggitin ang kanyang pangungusap.

Hindi nagpatinag sina Mang Victor. Pinagtutulak nila ang pinto, pinagtatadyakan pero mukang balewala.

Hindi ko na kayang panuorin na lamang sila habang napapagod samantalang ang kanilang emosyon ay nangunguna rin sa kuryosidad. Mukang napakahirap at bigat sa pakiramdam.

Umabante ako ng lakad papuntang pinto. Agad na natigilan ang tatlo sa pagtutulak dahil sa takot na baka matamaan ako habang tinutulak nila ang pinto.

"Tiny tumabi ka dito!" Sigaw ni Mang Victor

"Lumayas ka dyan Tiny, wala ka talagang dulot kundi manggulo!?" Nag-iigting na galit ni Aqua

Hindi ako nagpatinag sa kanilang mga salita. Bago pako panghinaan ng loob ay agad kong sinuntok ang pinto. Kagaya ng inaasahan ay tumilapon iyon at tuluyan ng nasira.

Kitang-kita mo sa kanilang mga mukha ang gulat. Dahil sa liit kong to ay nakasira ako ng pinto sa isang suntok lamang. Tila napakaimposible.

"Ow!"

"Ano yun!?"

"Pano mo yon nagawa?"

"Cool."

"WONDER TINY!"

Mga salitang narinig ko sa kanilang mga bibig habang gulat ang muka.

O.O

Oo, hindi ako normal. Pero parang ngayon ko nakita ang halaga ng aking lakas. Dapat hindi na'ko matakot sa kahit sino kahit na sa killer dahil kaya ko naman syang pataubin sa isang sapak lang. Huwag lang syang magpapakita dahil nag-aalab pa rin ako sa ginawa nya sa aking Ate Claire, ipaghihiganti ko sya, ibibigay ko ang katarungang gusto niya nang matahimik na ang kanyang kaluluwa. Gagamitin ko ang aking pagiging espesyal, kailangan ako ng aking mga kapatid at hindi ko hahayaang may malagas pang buhay dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko malapatawad ang aking sarili kung may mamatay pa sa kanila. Basta sa ngayon hindi ko iniisip ang aking sarili dahil kaya ko'to. Ang iniisip ko ay ang aking mga kapatid dahil alam kong hindi ordinaryo ang kalaban. Matalino at mabilis syang gumalaw. Sobrang bilis...

NAGSITAKBUHAN ang mga bata sa loob ng kwarto habang ako ay naiwan sa labas na nag-iisa, gaya ng aking ipinangako...babantayan ko sila sa abot ng aking makakaya.

"Whahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!? Pugot na uloooooo!!?"

Isang malakas na sigaw na nagpawindang sa aking mga tenga. Ano yun? Bigla akong kinilabutan. Mukang bigo na naman ako sa pagprotekta. Bakit sya pa?

Dali kong sinilip ang loob.

"Si Aling Prising yan! Kilala ko ang kanyang katawan!" Ani ni Ate Titania

"Ngu-Ngunit nasaan ang u-ulo nito?" Kuwestyon ni Jomely

Nakita kong tumulo ang luha ni Mang Victor na agad na niyakap ni Ate Scarlet matapos makita ang wala ng buhay na Aling Prising. Wala itong ulong nakahiga sa kama. Tinatagan ko ang aking tuhod dahil ayoko nang makita nila ako na mahina. Nahimatay si Tiphanie, Steff at Coline. Humalumpasay ang kanilang katawan sa sahig ng kwarto. Segundong binuhat ni Kuya Rude, Kuya Lilo at Max sina Tiphanie. Dinala nila ito sa kwarto namin at minuto ring bumalik sa mga nakatulalang naghihinagpis naming mukha. Di ko na mapigilan ang aking luha, pero dapat kong pigilan. Ipinalupot sa'kin ni Mariella ang kanyang dalawang kamay at naghinagpis ng luha.

Binuhat na ni Mang Victor si Aling Prising para iayos ang higa nito, idinaretso nya ito sa kama. Samantalang ako ay napaisip bigla. Hindi ba't nagluluto si Aling Prising sa kusina? Bakit sobrang bilis ata.

Humarurot ako ng takbo patungo sa kusina. Laglag ang panga ko dahil wala akong naabutan na Aling Prising doon pero nakabukas pa rin ang malaking kalan. Di nagdalawang isip na tingnan kung ano ang niluto ni Aling Prising kanina...

"T-T-TUBIG?"

Sa daming ginawang paghalo ni Aling Prising doon kanina ay tubig lang ang lahat.

Binalikan ko si Mang Victor sa kwarto samantalang nadaanan ko ang aking mga kapatid sa aming kwarto na nag-uusap. Ang dami nilang pinag-uusapan, siguro ay isa nako don dahil sa aking nagawa kanina. Hindi ko na lang sila pinansin dahil may kailangan pa'kong gawin no!
"Mang Victor! Hindi po nagluto si Aling Prisng. Nakakagulat pong tubig lang ang kanina nya pang hinahalo! Tanging kanin lang po ang naroon at wala pang ulam." Sambit ko. "Scarlet anak, hindi ba't nilagay mo sa freezer yung mga manok na tinahi para mamayang hapunan? Mabuti pa iluto mo na yon, para makakain na yung mga bata at makatulog." Kitang-kita mo ang panlulumo sa mata ni Mang Victor. May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, kaya masasabi kong talagang mahal ni Mang Victor si Aling Prising.

Umalis na si Ate Scarlet upang pumunta sa kusina at sundin ang utos ni Mang Victor. Samantalang naiwan kami ni Mang Victor sa kwarto habang nandoon ang walang ulong katawan ni Aling Prising. Bigla na lamang nagpanic ang mukha ni Mang Victor nang makita ang pagtagas ng dugo nito sa leeg na pinugutan. "Prising hindi ko kayang mag-isa! Wala akong pinag-aralan! Hindi ko kayang buhayin ang mga anak natin! Bakit? Bakit mo kase kami iniwan? Bakit hindi ka lumaban, Prising!?" Tumulo na nga ang luha ni Mang Victor, hindi na nya ito napigilan pa. Nadala ako sa pag-iyak ni Mang Victor kaya nagbadya na rin ang aking luha.

"Magpapakamatay nalang ako!" Mukang siryosong tinig ni Mang Victor

"Mang Victor!! Marami pa kaming nagmamahal sa'yo! Huwag naman ganito oh!" Suhestyon ko na sinabayan ng aking luha.

"Tiny. Alam kong may kakaiba kang lakas dahil nung bata ka ay nasuntok mo ako dahil sa'yong kakulitan. Alam kong hindi mo iyon sinasadya dahil baby ka pa lang non. Basag ang panga ko non! Tuloy nagsisi ako kung bakit pa kita pinulot sa tapat ng gate eh. Pero nung lumaki ka, nakita ko ang mabuti mong puso. Mabuti ka Tiny kaya alam kong makakayanan mong protektahan ang iyong mga kapatid. Gamitin mo ang lakas mo para nang sa ganon ay wala ng mapahamak pa."

"Opo Mang Victor! Gagamitin ko to sa pagtatanggol sa aking mga kapatid. Huhulihin ko ang salarin at pagbabayarin sa lahat ng ginawa nya!" Mariin kong sinambit kay Mang Victor.

"Tapos na'kong magluto! Mga bata halina kayo dahil kakain na!" Sigaw ni Ate Scarlet

"Opo nandyan na po kami!" Sabay-sabay nilang sigaw at pumunta sa hapagkainan.

Napansin ko si Mariella na tumingin muna sa kabaong. Hindi ko na sya pinansin at agad na pumunta sa hapag.

"Nasaan ang b-bangkay ni Ate Claire!?"

The OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon