Kabanata 8
Tiny's point of view
Hindi kami makapaniwala sa nangyari, kanina't nung iniwan namin ang kabaong ay naroon pa naman si Ate Claire ngunit ngayon nasaan na?
Hindi kaya nagkatotoo ang sinabi ni Aling Prising sa kanyang pamahiin. Sabi nya kase, huwag daw iiwanan ang patay na walang bantay. Hindi kaya aswang ang kumuha? O baka naman ang killer? Aanhin nya naman yon eh patay na nga. Juskooo! Bakit nakalilito!
Nawindang kaming lahat kaya napagdesisyunan naming maghanap sa buong ampunan.
"Hindi muna ba kayo kakain? Lalamig na ang pagkain kapag inuna nyo muna ang paghahanap. Mas mabuting busog ang tiyan nyo nang sa ganon ay makapaghanap kayo ng maayos!" Suhestyon ni Ate Scarlet sabay na tumalikod at nagsandok. Tama nga naman sya! Kaya kakain muna kami bago maghanap, napakasarap pa naman ng ulam...inihaw na manok na may parang palaman na gulay sa loob. Siguro ayon yung tinatahi nya kanina. Ang sarap!
"Happy Eating!"
Kanya-kanyang kuha kami ng ulam pero mukang si Ate Scarlet lang ang masaya. Malungkot pa rin kase kami, paano ba naman, namatay ang Aling Prising at nawala ang bangkay ng Ate Claire. Pero sa ngayon kailangan ko munang magpakabusog dahil ang sarap ng pagkain at liban pa roon kailangan din naming maghanap kay Ate Claire.
"Mga bata magpahinga muna kayo bago maghanap ah! Mas mabuting maghanap kayo ng partner nyo para mas mabilis. Dahil hindi tayo matatapos kung sabay-sabay. Kung isa-isa naman baka may mapahamak pa!" Ani Mang Victor
"OPO!"
NATAPOS na kaming magpahinga at dali-daling naghanap ng makakasama sa paghahanap. Syempre kami ni Mariella ang partner, sino pa ba?
"Tiny may partner ka na? Pwede ba tayong dalawa?" Malumanay na sabi ni Max. Namula yata ang pisngi ko dahil sa pagyaya nya. Aaminin ko na matagal-tagal ko na rin syang crush dahil sa maamo nyang mukha. Napakagwapo!
"Sorry huh? May kapart...
Agad itong pinutol ni Mariella.
"Ay hinde Max! Wala pa syang kapartner! Sige kayo nalang!" Agaran nyang sinuhestyon
Naku Mariella!! Nakakainis ka at nakakatuwa rin hakhak. Natahimik ang muka ko na parang maamong tupa. Bigla akong hinimas ni Mariella sa likod
"Go Tiny! Solohin mo sya huh?" Bulong ng babaitang si Mariella. Segundo kong tinggal ang kamay nya sa aking likod at ikinunot ko ang aking noo na nagbabantang 'patay ka sa'kin mamaya!'. Teka! Parang kinikilig ako hahaha eneber! Makakayanan ko ba'to. Baka mamatay ako sa kilig eh, Max nemen.
"Tiny ba't namumula yung pisngi mo?" Nakawiwindang na tanong ni Max. Sabay ngisi ni Mariella. "May gusto yan sayo Max!" Bweset na tugon ni Mariella. What!? Mariellaaaaaaa!! Humanda ka talaga sakin mamaya, kita mo!!!
Napakamot ng buhok si Max na ikinagwapo ng mukha nya. Haysss hindi ko na kaya! Babagsak na ang tuhod ko.
"Hoy Mariella! Umalis ka na nga!" Sigaw ko
"OK!"
Ngumiti ang aking mukha nang tuluyang umalis sa aking paningin si Mariella. Masosolo ko na talaga si Max. Teka! Sinong magiging kapartner non? Bayaan mo na sya! Kaya nya naman yung sarili nya eh.
"Tiny sorry kung hindi kita crush ah. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigang maliit na tulad mo hahahahaha! Tara na! Maghanap na tayo!" Bweset ka talaga Max! Kala ko crush mo rin ako, hindi pala!
"Hindi rin naman kita crush Max. Kapatid lang yung turing ko sa'yo!" Agarang sabi ko
"Ah kung ganon ayos lang hindi ba? Magkaibigan na, magkapatid pa!" Tuwang-tuwang lumabas sa kanyang bibig. Ouch! Ang sakit nun ah! Hanggang kaibigan lang ang kaya mong ituring sa'kin, hindi na ba kayang mahalin pa? Piling ko tuloy napahiya ako dun, pero ayus lang. Bata pa ko no! Bata pa para sa pag-ibig!
BINABASA MO ANG
The Orphanage
Mystery / ThrillerSa isang masayang bahay ampunan lahat magaganap ang kahindik-hindik at hindi inaasahang pagpatay. Lahat ay talagang naguguluhan dahil hindi malaman kung sino ang salarin. Ngunit may isang batang malakas, napakalakas, at pinakamalakas ang tutulong up...