Kabanata 6
Aling Prising's point of view
Kitang-kita mo sa mga mukha nila ang kahandaan sa mga sasabihin ko kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Nay Prising simulan nyo na po!"
"Sige mga bata at sisimulan ko na."
Nakatutuwa ang mga batang ito na sabik na sabik makinig sa kanilang ina. Kahit hindi kami magkaroon ni Victor ng anak ay ayos lang dahil mayroon naman akong makukulit at mababait na mga anak. Mahal na mahal ko kayong lahat!
"Una. Huwag na huwag kayong magwawalis sa burol, mas mabuting pulutin nyo na lamang ng mano-mano gamit ang inyong mga kamay ang kalat nang sa ganon ay hindi nyo maitaboy ang kaluluwa ng namatay." Mahinahon ang aking pagsasalita para hindi sila matakot sa bawat salitang mabibitawan ng aking bibig
"Ibig sabihin po ba non Aling Prising, nandito po ang kaluluwa ni Ate Claire?" Mariing tanong ni Jomely
"Oo! Nasa tabi mo nga eh!" Pananakot naman ni Jugs
May punto naman si Jomely sa katwirang iyon, maaaring nandito nga ang kaluluwa ni Claire dahil hindi pa naman sumasapit ang 40 days kung saan aakyat na ang kaluluwa nito papuntang langit. Ayon ang paniniwala ko.
"Hoy Jugs! Wag mo kong matakot-takot, sanay na ko sa mukha mong mukang multo!" Katwiran ni Jomely ikinangisi ng kanyang maliit na labi
Nagtawanan ang mga bata na kala mo naman ay wala ng bukas. Ang sarap sa pakiramdam na makita mo ang mga batang ito na masayang humahalakhak, sana hindi ito mapawi.
"Magkukwento pa ba ako o magtatawanan na lang kayo?" Kahit gusto kong tumawa pa sila nang tumawa
Isang tahimik ang bumalot sa paligid.
"Ikaw naman Tiny. Kaya kita pinababa kanina ay sa kadahilanang tumulo ang iyong luha sa salamin ng kabaong. Alam nyo ba ang maaaring mangyari kapag sinuway nyo yun?" Mariin kong tanong
"Hindi po!"
"May susunod na mamamatay!"
Nabalot ng katahimikan ang lahat pagkatapos lumabas sa aking bibig ang pangungusap na iyon. Mukang natakot ang mga bata.
"M-Mamamatay na po si Tiny?" Ani ni Aqua
"Pshhhh! Wag kang magsalita ng ganyan Aqua! Kumatok ka sa inuupuan mo?" Utos ni Max habang nanginginig
Itong batang to ay nakikitaan ko ng potensyal kapag lumaki. Liban sa talino nito ay may maamo rin itong mukha na tiyak na pagkakaguluhan ng mga babae kapag siya ay lumaki.
"Bakit ako kakatok? Wala namang pinto dito!" Natatawang sambit ni Aqua na nakikitaan mo ng pagmamalaki sa mukha
Sana mabago ko pa ang ugali ng batang ito!
Humagalpak ang tawa ng mga bata pagkatapos marinig ang salitang iyon mula kay Aqua.
"Tulooooooooong! Sakloloooooo!"
Isang malakas na tinig ang gumulat sa aming lahat. Boses iyon n-ni Coline, tama!
Segundong tumayo kaming lahat para puntahan ang tunog na yon na alam ko ay sa banyo.
+_+
Coline's point of view
Nasa kalagitnaan na ang pagkukwento ni Aling Prising nang bigla akong maihi. Sinugod ko ng mabilisan ang banyo dahil nakikipag-unahan na ang ihi ko. Agad akong nagsisisigaw ng biglang may aninong dumaan sa bintana ng banyo. May dala itong malaking itak na hahagod sa aking ulo. Bigla akong napatili at napayuko, kala ko katapusan ko na iyon pero nang iniangat ko ang ulo ko ay biglang naglaho ng parang bula ang anino. Nakapagtataka.
Nalaglag ang aking panga dahil hindi pa nga ako nakapagbibihis ng aking palda ay agad na may gumalabog sa pinto.
"S-Sino yan?"
"Coline buksan mo ang pinto! Anong nangyari sayo?"
Mariing sigaw ni Aling Prising na nasa labas ng banyo. Ramdam kong marami sila na nasa labas dahil sa mga bulungan na baka patay na raw ako. Hays
Binuksan ko ang pinto.
"Aray!?"
Tanging sambit ko nang magsiyakapan ang aking mga kapatid. Alam kong sobra ang pag-aalala nila sa akin na lubos kong ipinagpapasalamat.
"Buti ayus ka lang Coline! Kala ko ano ng nangyari sa'yo!" Ani ni Tiny
Aaminin ko na nangangatog pa rin ang tuhod ko sa takot dahil sa mga pangyayaring iyon. Natatakot pa rin kase ako na baka sa susunod ay maituloy nya na ang pag-itak sa ulo ko. Masyadong madugo para sa aking pagkamatay. Protect me please!?
Q_Q
Tiny's point of view
Kumalabog ang aking dibdib sa nangyari kay Coline. Buti na lang talaga at ligtas syang nakalabas ng banyo na walang kahit anong gasgas.
"Mga bata! Lumapit na kayo dahil kakain na tayo."
Salamat Mang Victor dahil talagang gutom na gutom na ako simula nang gumising ako, pero ngayon ko lang ulit naramdaman dahil sa kwento ni Aling Prising at ang pangyayari kay Coline.
Kalabog ng aming paa ang maririnig dahil sa bilis ng aming mga takbo. Ngunit nalaglag ang aking tenga nang marinig sa bibig ni Ate Titania ang isang pangungusap.
"Huh? Nasaan na ang pagkain Tay Victor?"
"Bakit? Hindi ko pa naman kayo tinatawag ah!" Mariin at nagtatakang lumabas ito sa bibig ni Mang Victor
Huh? Sino yung tumawag samin kanina? Eh boses lang naman ni Mang Victor yun at wala nang iba ang makagagaya sa malalim nitong tinig.
"Mang Victor huh? Huwag nyo ho kaming takutin ng ganyan dahil hindi kami natatakot!" Matapang na sambit ni Jomely
Gulat ang lahat sa kasunod na nangyari.
O.O
Isang malakas na kalabog ang narinig namin mula sa kwarto nila Aling Prising. Sino ang naroon? Nandito sila Aling Prising, Mang Victor, at Ate Scarlet sa kusina at nagluluto, nakapagtataka. Isa pang bagay ang nagpatunay na hindi si Ate Scarlet ang pumapatay dahil ang nahulog nitong gamit mula sa maletang dala nito ay ginagamit nya sa pagluluto. Karayom at sinulid na panahi sa manok, itak na panghiwa at marami pang kasangkapan. Pero biglang bumaling muli sa aking isip ang malakas na namang kalabog.
"Ano yun?"
Isang nangingilabot na tanong mula kay Ate Scarlet. Kumpleto kase kami na nasa hapagkainan at abala sa pag-uusap tungkol kay Mang Victor at inaasahan namin na wala nang iba pang maglalaro sa kahit saang sulok ng bahay liban sa kusina at hapag. Nakapagtataka lang talaga. Pero sino yun? Siya kaya ang killer?
Pinangunahan ni Mang Victor ang pagtakbo samantalang si Aling Prising ay abala sa pagluluto ng hapunan dahil nagbabadya na ring dumilim ang paligid. Kaya nga nagtataka talaga ako sa maagang pagtawag sa amin ni Mang Victor dahil masyado pang maaga para maghapunan.
Mabilis na pagtakbo ang aming ibinigay sa kuryosidad na hindi maalis sa aming utak, gusto naming lahat na malaman ang nangyari para matahimik na ang mga utak namin sa kaiisip.
Someone's point of view
Kapag patay na ang puno, mabubulok na rin ang bunga.
BINABASA MO ANG
The Orphanage
Mystery / ThrillerSa isang masayang bahay ampunan lahat magaganap ang kahindik-hindik at hindi inaasahang pagpatay. Lahat ay talagang naguguluhan dahil hindi malaman kung sino ang salarin. Ngunit may isang batang malakas, napakalakas, at pinakamalakas ang tutulong up...