8

1.4K 59 5
                                    


"I'll be away for more or less than a month, sis at ikaw lang ang makakatulong sa akin. I'm sure kapag nalaman nina mom and dad ang tungkol dito, paalisin na ako sa trabaho ko!"

"No!" mariing sabi niya.

"Magpapanggap ka lang namang ako for more or less than a month, gagawin ko ang lahat ng favor mo in return, please do this for me?"

"Nababaliw ka na ba, Joyce?" naiiling na sabi niiya.

"Hindi ko ito kayang palagpasin, Grace," pagmamakaawa nito. "Alam mo naman na matagal ko na itong gustong gawin, please?"

"Tapos ano?"

"Magpapanggap kang ako sa engagement party namin ni Tycho. Tapos kapag nakabalik na ako parang walang nangyari, sa atin lang ang usaping ito at walang makakaalam. Gagawin ko ang lahat nang gusto mong gawin in return, promise!" nagtaas pa ito ng kanang kamay.

"Paano kung malaman nina mom, dad at Tycho ang kabaliwan mong ito at magalit sila sa akin?"

"Sasagutin ko ang lahat ng sisi dahil ako naman ang may pakana nito, pero sis walang makakaalam nito, hindi ka naman magpapabuko dahil magpapanggap kang ako. As a Grace, sasabihin mo sa kanila na naisipan mong mangibang bansa para magbakasyon tapos ako naman sasabihin kong babantayan ko muna ang shop mo; na kunwari din ay pumapasok ako sa UE Corporation at least mababantayan mo pa rin ang shop mo. Please? Do this for me? I would be very thankful, sis."

"Mahirap itong pinapagawa mo sa akin, Joyce. Ang daming madadamay sa kabaliwan mong ito."

"Saka ko na lang iisipin ang lahat ng consequences at magso-sorry sa lahat kapag natapos ko na itong big project ko."

"Mas mahirap pa itong pinapagawa mo sa akin kaysa sa gagawin mo sa Spain; kailangan kitang gayahin sa lahat nang ginagawa mo at hindi ko kayang hindi manood ng anime ng isang araw!" aniya. Dagdag pa na kailangan niyang pagupitan ang mahaba niyang buhok para mas lalong maging kamukha ito at magsuot ng mga damit nito na hindi siya kumportable. Pero ang pinakamalupit n'on—malilimitahan na ang panunood niya ng anime at pagiging otaku! Isa 'yong nightmare!

"Nice, humahaba na ang mga sinasabi mo," nakangiting sabi nito pero akmang magsasalita siya muli itong sumingit. "Please sis? Do this for me, babawi ako sa 'yo—big time!"

"I'm sorry, I can't!" naiiling na sabi niya.

"Eh kung gano'n, tatakas na lang ako at hahayaan ko na lang mapahiya sina mommy, daddy at ang mga Arenaz sa mga inimbitahan nilang mga bisita sa party." Malungkot na sabi nito.

"Hahayaan mo silang mapahiya?" aniya.

"No choice, hindi ko kayang bitiwan ang project na ito, once in a lifetime lang ito kung dumating sa akin, ang engagement puwedeng i-move sa susunod na buwan pero baka magalit sina mom at dad sa magiging rason ko."

"You're really insane, Joyce." Naiiling na sabi niya. Kapag ginawa nito 'yon, hindi lang ang parents nila ang masasaktan at mapapahiya, even Tycho Arenaz! Minsan gusto niyang batukan ang kapatid sa mga desisyon nito na minsan ay epic fail.

"Please pretend as me, sis?" nagsusumamong sabi niya. Hindi siya sumagot dito. "Sa Friday na ang alis ko, please, help me..."

"I don't know what to do with you." Naiiling na sabi niya.

Tipid itong ngumiti sa kanya. "Pumapayag ka na, 'di ba?"

"May sinabi ba ako?"

"Please? Kukulitin kita nang kukulitin hanggang sa magsawa ka sa pagmumukha ko."

"Sira! Kung magsasawa ako sa mukha mo para na rin akong nagsawa sa mukha ko."

Natawa ito sa sinabi niya. "Promise! After this project, I'll be a good daughter and sister to you, babawi ako sa 'yo nang bongga at kay Tycho na din."

"Ewan ko sa 'yo, umalis ka na nga at matutulog na ako." aniya saka na siya nahigang muli sa kama at nagkumot.

Naramdaman naman niyang tumabi ito sa higaan niya. "Sabihin mo munang pumapayag ka."

"Ang mga ganitong bagay ay hindi sinasang-ayunan."

"Kung gano'n, hindi ako aalis dito."

"Ano'ng hindi," mabilis siyang tumayo para hilain ito palabas ng kuwarto niya, nagpabigat naman ito para hindi niya ito mapalabas ngunit hindi ito tatalab sa kanya. "Kung hindi ka aalis, magpapahuli ako kina yaya ng ng daga at ipapahalik sa 'yo." Aniya, takot ito sa daga.

Mabilis naman nitong hinubad ang medyas na suot nito. "Sige gawin mo 'yan at ipapahalik ko din sa 'yo 'tong napakabango kong medyas." Natatawang sabi nito.

"Gross!" nandidiring sabi niya saka niya mas mabilis na hinila palabas ang kapatid nang mailabas niya ito ay agad siyang pumasok sa kanyang kuwarto at agad na ini-lock 'yon. Narinig niya itong kumatok-katok sa harapan ng kuwarto niya at nagsusumamo pa rin, napailing-iling na lang siya.

Ano'ng tingin nito sa engagement, laro-laro lang na puwede ng substitute? Ang laki din talaga ng saltik sa ulo ng kapatid niya, e.

Pero Grace ayaw mo ba no'n—mararanasan mong maging fiancé si Tycho for a month, baka binibigay ito ng tadhana sa 'yo para kahit papaano ay maramdaman at maranasan mo kung paano ba ito maging fiancé kahit saglit lang, ayaw mo ba? Sabi ng baliw na isipan niya na saglit niyang pinag-isipan nang husto.

Ayaw niyang patulan ang kabaliwang sinasabi ng kapatid niya pero dahil sa baliw ding isipan niya ay parang nahati tuloy ang puso niya.

Gumising ka, Yram Grace! Hindi mo dapat sakyan ang tawag ng tukso para makasama si Tycho, mali ang bagay na 'yon at huwag mong pairalin nang husto ang nararamdaman mo para sa kanya.

Pero ano'ng magagawa ni Grace kung mabilis siyang tamaan ng tukso—lalo pa at si Tycho ang malaking tuksong 'yon. Oh, my God!



***A/N: Hi! 'Musta naman si Tycho para sa inyo? Eh, 'yong story? :) Okay lang kung may napuna kayong mali, tatanggapin ko 'yon nang maluwag sa dibdib, at least totoo :) Tnx. Sa susunod na uli 'yong update :)

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon