Teaser

4K 93 8
                                    

Naniniwala si Yram Grace na lahat nang nangyayari sa mundo ay laging involve ang Science not until she fell in love with her twin sister's boyfriend Tycho Arenaz.

Sa gabing dapat ay engagement party nina Yram Joyce at ni Tycho, nakiusap ang kakambal sa kanya na magpanggap siyang ito-sa isang rason-may importante daw itong adventure trip na gagawin-at ang araw ng engagement nito ang araw nang pag-alis nito papunta sa Spain.

Hindi siya pumayag sa pakiusap ng kakambal dahil ayaw niyang ma-disappoint ang parents nila at ni Tycho kapag nalaman ng mga ito na hindi siya ang totoong si Yram Joyce-ngunit sa huli ay wala na siyang nagawa kundi pumayag dahil aminin man niya o hindi ay may parte sa puso niya na gustong gawin ang pagpapanggap na 'yon.

Nakakakaba at natatakot ang pagpapanggap niya bilang si Yram Joyce ngunit nabura ang lahat nang pangamba niya dahil sa matamis na halik ni Tycho sa kanya. Mukhang kailangan niyang higpitan ang pagkakahawak sa puso niya dahil baka mas lalo siyang mahulog sa lalaki.

At paano kung sa huli ay malaman nito na hindi talaga siya si Yram Joyce na fiancée nito at nagpapanggap lamang siya?

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon