16

1.4K 45 3
                                    


"YOU LOOK so blooming and so in love, Joyce." Nakangiting sabi nina Nessie at Michelle sa kanya.

Ngumiti naman siya sa mga ito. "Kayo din naman."

"Wow! Bagay na bagay kayo ng kuya ko." Masayang sabi ni Nessie.

"Ay d'yan naman ako sang-ayon sa 'yo, Nes, we're really made for each other." Nakangiting sagot ni Tycho saka nito hinawakan ang kamay niya at hinalikan sa ibabaw n'yon—dahilan para maghiyawan ang mga kasama nila sa mesa.

Nasa isang seafoods resto sila para mag-dinner at si Tycho daw ang taya since ito ang nagyaya sa lahat. Nakangiti at yumakap naman ang dalawang babae sa kani-kanilang mga kasintahan.

"Mag-groupie tayo!" nakangiting suhestyon ni Nessie saka ito nagtawag ng isang waiter para kunan sila ng larawan—ang cute nila dahil nakaakbay ang mga lalaki sa kanilang mga partners.

"Ang sarap ng mga pagkain dito, ha." Ani Michelle na animo'y takam na takam sa pagkain.

"Sinarapan nila dahil alam nilang pupunta tayo dito." Nakangiti naman sagot ni Gray, saka ito humalik sa sentido ng kasintahan.

"Troy, kailan ka magpo-propose sa akin? Naiinggit na ako kay Kuya at Joyce, e." natatawang sabi naman ni Nessie.

Ngumiti at umiling naman ang binata saka nito niyakap ang kasintahan. "In God's perfect time, my love." Anito.

"Teka, ang kekeso yata n'yong lahat, ah." ani Tycho.

"Ikaw din naman, ah." sabay na sabi nina Gray at Troy.

Natawa naman si Tycho. "Sayang wala si Grant." Anito.

"I-video call natin siya!" mabilis namang sabi ni Nessie, kapagdaka'y ka-videocall na rin nila si Grant at luckily, kasama din pala nito si Josephine at nagdi-dinner din ang dalawa.

"Look at us guys, dati mga loko-loko lang tayo na easy go lucky, now, we're the Presidents and CEOs of our own companies and already in a serious relationships." Masayang sabi ni Troy.

"Ikaw lang ang loko-loko sa atin!" sabay-sabay na sabi nina Grant, Gray at Tycho.

"Grabe kayo sa my love ko!" mabilis naman na sabad ni Nessie, saka binelatan ang tatlong mga kalalakihan, nagtawanan tuloy ang lahat.

"I'm so happy for each and everyone." Sabi ni Grant sa kabilang linya. "Hindi na playboy si Troy, subukan lang niya, isang kamao lang ni Nessie ang katapat." Tipid itong napangiti. "Hindi na rin green-minded si Gray, kasi puro si Michelle na ang nasa isip niya at siyempre pa, hindi na psycho si Tycho dahil kay Joyce na lang siyang nababaliw." Anito, natawa naman silang lahat sa sinabi nito.

"At siyempre pa, hindi ka na monster Grant, dahil may taga-tame na sa 'yo, si Josephine."dagdag ni Tycho saka umugong ang tuksuan. Napapalingon tuloy ang ibang mga tao sa resto.

"Pero mas sweeter ang magiging bonding moments n'yo guys kung bibili kayo ng sweet candies, malapit nang maipatayo nina Tycho ang Palawan at Manila branch." Masayang sabi ni Josephine.

Sabat-sabay naman naglingunan ang lahat kay Tycho na nakangiti lang at tumatango-tango. "Next week na ang bukas dito sa Palawan kaya invited kayong lahat sa opening, 'yon pa lang sana ang good news ko." Nakangiting sabi nito.

"Naman!" masayang sabi ng lahat. "Congrats!"

Bumaling naman sa kanya si Tycho. "Congrats, Tycho!" nakangiting sabi niya pero hindi niya alam kung makakapunta pa siya sa opening ng sweet candies shop nito dahil baka dumating na si Joyce at ito na ang magpunta doon.

"Thanks!" nakangiting sabi nito saka ito kumindat sa kanya.

Pagkatapos nilang kumain sa seafoods resto ay nagkayayaan pa silang mag-coffee at unli kuwentuhan at tawanan na naman doon hanggang sa nagkanya-kanya na sila para umuwi. Inihatid siya ni Tycho sa bahay nila. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan at hinalikan sa noo bago siya tuluyang pumasok sa loob.

Nang makapasok siya sa loob ng gate at maisara 'yon ay napahawak siya sa tapat ng kanyang puso, ang saya-saya ng pakiramdam niya. She's so in love with Tycho. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng bahay nila, pasado alas dyes na kaya tiyak tulog na din ang parents niya kaya tuluyan na siyang dumiretso sa kuwarto ni Joyce.

Ngunit nagulat siya nang patungo siya sa bathroom para maglinis ng sarili at magbihis ng pantulog nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran, muntik pa siyang mapatili, mabuti na lang at agad nagsalita ang sinumang taong yumakap sa kanya.

"I've missed you so much, sis." Anito, kaya mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap nito at agad na bumaling dito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang nakangiting mukha ni Joyce. Kapagdakay muli siyang niyakap nito nang mahigpit. Lively na lively ang kapatid niya na parang walang pagod sa naging flight, kanina pa daw five PM dumating at kapwa sila sinurpresa with their parents. "It was a successful journey, all thanks to you. Ngayon, ako naman ang babawi sa inyong lahat; lalo na sa 'yo at kay Tycho."

Hindi tuloy niya alam kung ano'ng mararamdaman niya; she was too shocked. Kung gano'n ay kailangan na rin niyang tumigil sa pagiging Joyce at ibalik na ang lahat sa dati.

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon