12

1.4K 46 0
                                    

Binitawan nito ang kamay niya at saka niya naramdamang umakbay ito sa kanya, inilapit nito ang katawan sa kanya saka nito dahan-dahang hinawakan ang ulo niya para isandal sa balikat nito, hindi na siya nag-inarte pa, isinandal na lamang niya ang ulo sa balikat nito.

Nang matapos ang movie ay magkahawak-kamay silang lumabas sa sinehan, nag-stroll sila sa Mall nang magkahawak-kamay, hindi niya napigilang kiligin dahil sa magkasugpong nilang mga kamay, hindi na siya nag-inarte pa at hinayaan na lamang niyang sumaya ang puso niya—tutal ito naman ang dahilan kung bakit siya pumayag sa kasunduang 'yon with her sister—ang makasama si Tycho.

"Nagustuhan mo ba 'yong movie?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Ngumiti naman siya at tumango sa lalaki. "It was a funny movie and I loved it!" aniya.

"I'm glad you liked it." Nakangiting sabi nito. Saglit itong napatigil sa paglalakad nang may nakita itong naglalakad na cosplayer, it's Eugene of Ghostfighter. "May cosplay event yata ngayon dito sa Mall." anito.

"Wow!" hindi niya napigilang sabi, hindi yata siya naka-receive ng message sa otaku group nila tungkol sa event na 'to. Kapag kasi may nagaganap na cosplay ay laging updated ang group chat nila. "Tignan natin." Na-excite tuloy siya saka niya mabilis hinila ang binata. Nagtanong siya sa cosplayer na nakita nila kung may magaganap na cosplay event, kaso nalaman nilang katatapos lang pala. "Sayang naman."

"So, gusto mo na ng anime?" mayamaya ay tanong ni Tycho sa kanya.

Mabilis siyang bumaling at agad na napagtanto ang katanungan ni Tycho kaya mabilis siyang umiling. "Hindi masyado, nasayangan lang ako para sa 'yo dahil hindi ka nakanood." Palusot niya. "Mag-picture na lang kayo ni Eugene." Saka niya ito hinila para makipagpa-picture with Eugene pagkatapos ay nagsimula na uli silang maglakad.

"Hindi ko yata maalala na nasabi ko sa 'yong I was an anime fan." Nagtatakang sabi nito.

Dinagundong tuloy siya ng kaba. "H-Ha? Ah, e, nahulaan ko lang." mabilis niyang sagot. "Saka wala naman yatang lalaki na hindi nahilig sa anime noon, 'di ba?" Nang tumango ito ay mabilis naman siyang nakahinga. That was close!

"Where do you wanna eat?"

"Japanese resto—I mean, anywhere you want." Aniya.

Napangiti ito. "Okay, sa Japanese resto."

"Hindi, sa Thai resto na lang, favorite ko doon." Aniya, but honestly, she doesn't like any Thai foods.

"Are you sure?" tanong nito.

Gutom pa naman siya. "Sa Filipino resto na nga lang." aniya.

"Tara!" nakangiting sabi nito saka nito muling hinawakan ang kamay niya para igiya sa Filipino resto.

Nagulat siya dahil napadami nang in-order na pagkain ang binata, ubusin daw nilang dalawa 'yon kaya mukhang mapapasubo siya.

"Teka, ayaw mo pala ng prunes sa pagkain." Anito, saka nito tinanggal ang prunes sa isang ulam nang bigla itong may maalala. "Si Yram Grace nga pala ang ayaw sa prunes." Kapagdaka'y sabi nito.

Tumango naman siya. Pero ako si Yram Grace, Tycho! Paano tuloy niya kakainin ang food na 'yon na may prunes? Mukhang pipilitin niya ang sarili niyang kainin 'yon. Lihim siyang napailing. It's mind over matter. Habang kumakain sila ay kinakausap din siya nito.

"What is your first impression to me?" kapagdaka'y tanong nito.

Nginuya at nilunok na muna niya ang kinakain bago niya ito sinagot. "No'ng una kitang nakita, I was too stunned, akala ko may anghel akong nakikita sa harapan ko," pagtatapat niya. It was the truth and she was talking as Grace. Natawa ito sa sinabi niya. "Akala ko din no'n ay masayahin at mabait ka lang pero may other side ka din pala." Aniya, hindi niya napigilang mapangiti.

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon