6

1.6K 53 0
                                    


"Don't worry, hindi ka hahabulin ng sales lady para pagbayarin ng dress," nakangiting sabi nito.

Ayan na naman si Tycho! Hirap na hirap na nga siyang i-resist ito pero ito na naman ang nanunukso. "A-Ang dami ko nang utang sa 'yo." Nahihiyang sabi niya.

"Naku, wala 'yon."

"Dahil ba magiging sister-in law mo na ako?" wala sa sariling sabi niya.

"Of course not, dahil friends na tayo—sana." Nakangiting sabi nito.

Muli siyang dinagsa nang kaba. Kailan ba siya titigilan ng puso niya. "O-Of course." Sagot na lang niya. "Ahm, para makabawi ako sa 'yo, ako naman ang manlilibre ng lunch."

"Tara!" mabilis na sagot nito saka sila sabay na naglakad para maghanap nang makakainan. Napapailing na lang siya ng lihim at napapangiti.

Ang gaan nitong kasama at dagdag pa na hindi ito bored kapag kasama siya. Siguro para sa araw na ito, kalilimutan na muna niya ang paglimot sa nararamdaman niya dito—isasagawa na lamang niya 'yon sa susunod na araw, naging instant cheerer din naman niya ito kanina at inilibre pa siya nang mamahaling dress.

"I thought sa Japanese restaurant tayo kakain." Nakangiting sabi nito. Dinala kasi niya ito sa isang Filipino restaurant.

"Favorite mo ang Filipino food, ' di ba?" aniya.

Tumango ito. "Pero gusto ko din naman ng Japanese foods, okay lang kahit saan,"

"Gusto ko din naman ng Filipino food." Aniya.

Pagkapasok nila sa Filipino restaurant ay naglakad sila papunta sa isang bakanteng mesa, ipinaghila siya ng upuan saka ito umupo sa tapat niya. Napapalingon sa kanila ang mga tao dahil siguro ay mukha silang magkasintahan, napaka-gentleman ng binata tapos ang eye catcher pa nito, mukhang marami nang sumusumpa sa kanya dahil ang swerte niya at kasama niya ito.

Nang dumating ang waiter para kumuha ng orders nila ay pareho pa sila ng in-order na pagkain; chicken afritada, kaya napangiti sila sa isa't isa, mukhang madami din silang pagkakapareho nito. Nagdagdag pa siya ng chicharon pusit at sizzling sisig.

"Hindi ko alam na malakas pala ang appetite mo kapag late nang mag-lunch and you really like Filipino foods unlike Joyce." anito.

"Masarap naman kasi, medyo picky kasi ang taste buds ni Joyce minsan, ako naman puwedeng kainin lahat at pagtiisan ang ibang resto basta walang prunes or raisins sa food na kinakain, ayoko kasi n'on." Imporma niya.

Tumango-tango naman ito. "Ako din naman, ayoko nang paminta sa food ko but I like spicy foods, ayoko lang talagang nakakakita ng paminta sa pagkain ko," nakangiting sabi nito. "Kahit pala magkamukhang-magkamuha kayo, ang dami n'yo pa ring differences." Nakangiting sabi nito. "No'ng una ko kayong makita no'n, na-amaze ako dahil super identical kayo, pero dahil na rin sa unique characteristics n'yo, agad ko din kayong na-differentiate at syempre sa ayos na din at porma." Anito.

"Siya ang most loved no'n sa school since grade school kami, madami siyang friends at nakakakilala sa kanya, friendly din kasi siya at masayahin." Kuwento niya.

"Ikaw ba?"

"Medyo aloof na kasi ako sa mga tao no'n pa lang."

"Masarap magkaroon ng mga friends, Grace, lalo na sa high school, ang daming kalokohan, naging sakit nga ako ng ulo ng parents ko no'n dahil pasaway ako, puro banda ang inatupag ko since nagkaroon kami ng mga friends ko no'n ng banda sa school, masyado din akong nagfo-focus sa extra-curricular activities kaya medyo napabayaan ko 'yong academics, though hindi naman ako bumagsak, gusto kasi ng parents ko na lagi akong top sa school which I understand dahil mataas ang expectations nila sa akin bilang panganay sa mga Arenaz." Kuwento nito.

"Kami din naman ni Joyce, gusto ng parents namin na laging mataas ang mga marka namin sa school, puro kasi top students and scholars ang mga pinsan namin abroad." Aniya. Pero hindi naman sila pini-pressure ng parents nila, dahil gusto rin naman nilang makakuha ni Joyce ng matataas na marka sa klase.

"Gano'n yata lahat ng parents para sa kanilang mga anak, kaya tayo, bilang masunurin na anak, nagsusumikap din tayo sa pag-aaral para sa mataas na marka as a reward for our parents."

Tumango-tango naman siya. "Pero hindi naman nila ako pinilit na mag-work sa company ni dad, masaya na sila dahil successful naman ang shop ko—though medyo taliwas sa Biology na kurso ko. Tinuruan din ako ni dad sa pagne-negosyo."

"That's good. Kami din ng sister ko, tinuturuan ni dad nang pagnenegosyo," nakangiting sabi nito. "And I also heard from Joyce na against daw ang parents n'yo sa linya na tinahak niya."

Tumango siya. "Hindi naman dapat makikialam si dad sa career ni Joyce, kaya lang, nakakatakot 'yong paglalakbay-lakbay niya para lang makakuha ng mga ideas na isusulat niya, kahit yata kasi sa matarik na bundok aakyatin niya para makapagsulat ng article."

"Yeah, pero ang cool ng twin sister mo," nakangiting sabi nito.

"Cool ka din naman, kaya b-bagay lang kayo." Nautal siya sa isang salitang sinabi niya.

"Ikaw Grace, may boyfriend ka na ba?" kapagdaka'y tanong nito.

Mabilis siyang umiling. "Wala pang nagkakamali."

"Dapat pagkatapos naming makasal ng kapatid mo, may boyfriend ka na para twin goals kayo." Nakangiting sabi nito.

Paano naman siya magkaka-boyfriend kapag naikasal na ang kapatid niya—e, ang gusto naman niyang lalaki ay matatali na sa kapatid niya.

"Naku! Pass muna ako d'yan, magpapayaman na siguro muna ako, saka na lang ang love life."

"Mayaman ka na kaya."

"Naku, hindi ah, kailangan ko pang mas lalong mag-trabaho para mas yumaman." Aniya.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Ang swerte ng lalaking makakatuluyan mo."

"Ako? Bakit naman?"

"Dahil napaka-ideal woman mo."

"Ako? Ideal woman?" sabay turo sa kanyang sarili.

Tumawa ito sa hindi makapaniwala niyang reaction. "Oo, ikaw, at huwag mo nang itanong kung paano ka naging ideal woman, dahil lahat ng katangian mo ay gugustuhin ng isang lalaki."

Kahit ikaw? Gusto niyang itanong pero 'di bale na lang. "Gugustuhin ba ng lalaki ang babaeng boring, otaku at jologs?" aniya.

"Well, I like you,"

Kumabog ng mabilis ang puso niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinamulaan siya ng mukha. Bakit ba ang dali nitong sabihin ang mga bagay na katulad n'yon? Wala lang ba 'yon para dito? Samantalang siya, ninanamnam 'yon ng puso niya kaya mas lalo itong nagkaka-space sa buhay niya.

"Dahil magiging sister-in law mo ako?" wala sa sariling sabi niya.

Umiling ito. "Hindi lang dahil sa magiging sister-in law kita, dahil talagang ideal woman ka, Grace. At subukan mong buksan ang puso mo sa iba baka may nagpaparamdam na sa 'yo d'yan sa tabi-tabi hindi mo lang nararamdaman dahil masyado kang busy sa trabaho mo. Have some fun, once in a while. Minsan isasama ka namin ni Joyce with my friends mag-bar."

"A-Ayoko doon, maingay."

"Wala namang bar na tahimik, e." natatawang sabi nito.

"Tycho,"

"Hmm?"

"In love ka na ba sa kapatid ko?" bigla niyang naitanong.

"Why did you ask that?" nakangiting tanong nito.

"I-I'm just a bit curious."

"I'm going there, Grace."

"Pero paano kung hindi pala kayo ni Joyce ang fated for each other?"

"Ha?"

"W-Wala."

Ano bang pinagsasasabi niya? Napailing siya ng lihim. Mamaya madulas pa siya at masabi niyang; sana siya na lang ang nakatadhana para dito.

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon