10

1.5K 57 12
                                    

NANG MAKARATING sina Grace at Tycho sa yacht—na usapang magaganap ang surprise party ng isang friend ng binata ay ipinakilala siya agad sa mga naroon. Nakilala niya sina Grant, Gray at Michelle, si Nessie na younger sister ni Tycho at si Troy. Sabay-sabay nilang sinurpresa si Josephine na fiancée ni Grant. Napangiti siya at kinilig nang magyakapan ang dalawa, nahiling niyang sana gano'n din sila ni Tycho ka-sweet pero imposible dahil magiging fiancé na ito ni Joyce!

Masayang kasama at friendly ang mga kaibigan ni Tycho, hindi tuloy niya maiwasang ma-konsensya dahil totoo ang mga ipinapakita ng mga ito sa kanya, samantalang siya ay namumuhay sa ibang katauhan. Nag-dinner sila all together at masayang nagka-kuwentuhan.

Nalulungkot tuloy siya ngunit nawala din 'yon nang marinig niyang kumanta sina Tycho kasama ng mga kaibigan nito—naalala nga pala niya na may banda ito kasama ng mga kaibigan nito no'ng high school.

Mahusay din palang mag-gitara si Tycho and for sure magaling din itong kumanta—tinutugtog ng banda nito ang dalawang Bruno Mars songs. Hindi na naman niya maiwasang humanga. Simula pa lang ito at tiyak na marami pa siyang matutuklasan dito—kaya natatakot siya na baka mas lalo siyang mahulog dito kaya sana ay kaya niyang pigilan ang sarili niya.

Tutal ang tingin naman ni Tycho at ng lahat na siya si Joyce, ginampanan na talaga ang role niya at inalis ang hiya-hiya sa katawan niya. Nang magsayawan ng hiphop ang lahat ay nakisayaw na din siya at nagsaya, tawang-tawa nga siya dahil ang cute sumayaw ni Tycho at siya man nagpapaka-trying hard dahil hindi naman talaga siya sumasayaw. Si Tycho naman kahit sinasabi nitong hindi ito marunong magsayaw ay hindi naman halata.

Nang matapos ang party ay tuluyan na rin silang umalis lahat sa yate at naiwan na lamang doon sina Grant at Josephine para masarili ang isa't isa, nagkanya-kanyahan na rin sila ng mga kasama nila. Hindi pa sila agad umuwi ni Tycho dahil naisipan muna nilang maglakad-lakad sa baybayin.

"Ang ganda ng mga bituin," mayamaya ay sabi ni Tycho habang naglalakad sila, mahangin sa lugar at masarap sa pakiramdam ng hangin na bumabalot sa katawan niya, mabilis itong bumaling sa kanya at ngumiti. "Pero mas maganda ka pa rin kaysa sa mga bituin." Nakangiting sabi nito.

Tipid din siyang ngumiti sa binata. "Bolero." Natatawang sabi niya. Ganito ba talaga ito ka-cheesy kapag kasama si Joyce?

"Bukod sa pagiging seryoso kong businessman, ngayon lang uli ako naging seryoso sa sinabi ko." Anito, na tipid na ngumiti.

Napangiti uli siya at napailing. "Ganyan ka ba talaga ka-cheesy?" hindi niya napigilang itanong, wala kasi sa hitsura nito ang gano'n.

Natawa ito sa sinabi niya. "Sa pagkakaalam ko din ay hindi ako ganito, ni hindi nga sumagi sa isip ko na makakapagsalita ako ng mga ganyan e," natatawang sabi nito. "Seriously, handa ka na bang ma-engage sa akin next week, Joyce? Puwede ka pang umatras." Anito.

"Ikaw, pwede pang umatras." Instead ay sabi niya.

"Sigurado na ako sa desisyon kong ma-engage sa 'yo, e, ikaw?"

Ibig din bang sabihin nito ay in love na talaga si Tycho sa twin sister niya? Sumikip ang dibdib niya sa napagtanto. Kailanman talaga ay hindi na siya makakapasok sa puso nito! So, balak mo talagang pumasok sa puso niya? May balak kang agawan si Joyce? Lihim siyang napailing. Alam naman niya kung saan siya lulugar, e. Kapag dumating na uli si Joyce, babalik na uli siya sa normal na buhay at kailangan na din niyang i-dispatsa ang anumang bawal na damdaming 'yon.

"Hindi ka yata masaya." Puna nito sa kanya, habang patuloy sila sa paglalakad. "May nasabi ba akong hindi maganda? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling-iling siya. "May naisip lang ako na nakakalungkot na bagay." Aniya.

"Care to share?"

Umiling uli siya. "I'm sorry." She can't reveal her true identity to him, not yet.

"It's okay," tipid itong ngumiti sa kanya.

Habang naglalakad siya ay bigla na lang naputol ang heels ng suot niyang stiletto, muntik pa siyang matumba kung hindi siya kaagad nakakapit sa katabi niyang binata na mabilis ding umalalay sa kanya. Mukhang bumigay na rin sa serbisyu ang tatlong taong sapatos niyang 'yon.

"Are you okay?" anito.

Tumingin siya sa suot niyang sapatos. "Mukhang hindi." Aniya saka siya paika-ikang naglalakad papunta sa bench na nasa 'di kalayuan habang nakakapit sa braso ng binata. Ngunit nagulat na lang siya nang mabilis siyang binuhat ni Tycho—na parang sa bagong kasal.

Bumilis ang kabog ng puso niya lalo na nang magtagpo ang mga mata nila ng binata—titig na titig ito sa kanyang mukha kaya nag-iwas siya ng tingin dito, nangangamba kasi siyang bigla siyang makilala, mahirap na.

Hindi na niya maintidihan ang pakiramdam niya; para kasing nagwawala ang mga paru-paro sa loob ng sikmura niya, na parang may mga maliliit na boltaheng gumagapang sa kanyang katawan at marami pang weird na nangyayari.

"A-Ahm, Tycho, ibaba mo na ako, okay lang ako..." aniya saka niya tinapik-tapik ang braso nitong nakahawak sa kanya pero imbes na ibaba siya nito ay nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa bench. "T-Tycho..." baka kasi maramdaman nito ang panginginig ng buo niyang katawan dahil sa dulot na iba't ibang damdamin ng binatang ito.

"Dadalhin na kita sa bench at huwag ka nang mag-reklamo dahil I insist." Instead ay sabi nito kaya sa huli ay sumuko na lang din siya, dahan-dahan na lang siyang kumapit sa leeg nito.

Ang bango-bango nito at para siyang naha-high dahil sa magkakahalo niyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. Napapikit na lang siya habang ramdam na ramdam ang mabilis na tibok ng puso niya. Nang maramdaman niyang tumigil na sa paglalakad si Tycho at malapit na sila sa bench ay doon lang siya nagbukas ng mga mata, na-concious siya nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya. Ganito ba talaga ito tumitig kay Joyce?

"T-Tycho..." basag niya sa katahimikan nilang dalawa. Hindi kasi siya sanay na tahimik ito at nakatitig lang sa kanya baka mahimatay na lang siya bigla.

"Are you really okay? Hindi ka ba napilayan?" anito saka ito nag-squat para suriin ang paa niya ngunit mabilis din niya itong inawat.

"I-I'm really okay, don't worry." Aniya.

Bumaling ang tingin nito sa kanyang mukha. Napalunok siya nang mariin at akmang mag-iiwas ng tingin, pero mabilis na hinawakan nito ang baba niya para matuon lamang ang atensyon niya sa binata.

"There's really something different in you tonight." Anito.

Kumabog ang puso niya—hindi kaya naramdaman na nito na hindi talaga siya si Joyce? Kulang pa ba siya sa pag-arte o nasobrahan? Sweet ba si Joyce kay Tycho? O may nagawa ba siyang kahina-hinala? Ano'ng kailangan niyang gawin para hindi ito maghinala?

"A-Ano namang something different na 'yon?" kinakabahang tanong niya.

"Parang hindi ikaw—"

Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil mabilis siyang sumingit. "Ako si Joyce!" aniya na ikinagulat si Tycho—saka niya mabilis na inilapit ang mukha sa binata and in a split of a seconds ay nahalikan na niya ang mga labi ng binata. Pati siya man ay nagulat din sa kanyang ginawa.

Why did she kiss him? Gusto ko lang siyang kumbinsihin na ako si Joyce! Eh, paano kung mas lalo itong magtaka dahil sa ginawa niya? And he's also so kissable! Oh, God! You've gone crazy, Yram Grace!


***

A/N: Hello! So, what do you think of the story? Haha!

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon