18

1.6K 64 25
                                    


"H-How are you?" narinig niyang tanong nito.

Hindi siya agad nakasagot sa binata dahil pinilit niya munang pinakalma ang puso niya. "I-I'm fine!" sagot niya pero hindi pa rin ito hinaharap.

Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya, in a split of a seconds ay nasa harapan na niya ito. Useless ang pagpapakalma niya sa puso niya dahil mas nadoble ang mabilis na tibok n'yon nang mapagmasdan niya ang guwapong mukha nito.

"So, is he courting you?" seryosong tanong nito.

Umiling naman siya. "Pinilit lang niya akong kumain dito."

Tipid naman itong tumango sa kanya. "So, how's your shop? Still watching an anime series?"

Gusto uli niyang maiyak, bakit ba siya nagiging emotional pagdating sa lalaking ito? Pinigil niya ang sarili na malungkot, dinaan niya ang lahat sa pagngiti palibhasa sobrang na-miss niya ang pag-uusap nila. Gusto na nga niya ito sugurin ng yakap kung hindi lang ito magtataka.

"Okay naman 'yong shop, pumapatok dahil dumarami na ang mga cosplayers and otaku saka nagpapa-order na din online, and yes, I'm still watching anime series." Sagot niya sa magkasunod na tanong nito. "I-Ikaw?"

Tipid itong ngumiti sa kanya. "Okay din naman, medyo busy pero nakakaya pa naman." Nakangiting sagot nito.

Tipid naman siyang tumango. "Ahm, sige Tycho, balik na ako sa mesa." Saka niya mabilis na nilagpasan ang binata ngunit hindi pa siya nakakalayo nang muli itong magsalita.

"They've already missed you," anito. Kaya naistatwa siya sa kinatatayuan niya—they? Kumabog ang puso niya. Sino'ng tinutukoy nito? "My friends and Nessie." Sagot nito sa katanungan sa isipan niya. Pero bakit nito nasabi 'yon? Eh, lagi naman na nitong nakakasama ang twin sister niya. "And I've missed you like crazy." Dagdag nito na ikinagulo na naman lalo ng sistema niya.

Kumabog ang puso niya nang mapagtanto niyang... Alam na nito na siya si Yram Grace? Paano? Oh, God!

Nang hindi siya agad nakasagot ay mabilis itong naglakad palapit sa kanya at nagulat na lang siya nang yakapin siya nito nang mahigpit mula sa likuran. "I don't know what to do without you."

Pinilit naman niyang kumalas dito. "T-Tycho, I'm Grace!"

"I know!"

"Then what are you doing?" aniya, doon siya nakatakas sa pagkakayakap nito. "What are you saying?" nagtatakang tanong niya.

"You don't have to pretend, Grace, at alam ko na alam mo kung ano ang sinasabi ko."

"Hindi ko alam, Tycho!"

"Okay." Anito, saka ito humugot nang hininga at bumuga ng hangin. "Simula pa lang no'ng una ay alam ko nang ikaw si Grace at nagpapanggap na si Joyce!" anito, na ikinalaki ng kanyang mga mata. How did he know that? Ginalingan naman niya ang pagpapanggap niya! "Akala mo ba mapapaniwala mo ako na ikaw si Joyce? Siguro 'yong iba, oo, pero hindi ako." Naisip tuloy niya ang mga sinasabi nito noon sa kanya at ang mga pagpaparamdam nito—ibig din bang sabihin ay ginawa nito 'yon dahil sa kanya at hindi sa kapatid niya? "Yes! I fell in love not with Joyce but with you, Yram Grace! Hinintay kitang magsalita tungkol dito dahil alam kong may mabigat kayong rason ni Yram Joyce kaya kayo nagpalit ng katauhan at ginaya mo siya nang husto pero hindi pa rin 'yon sapat para mapaniwala ako; ang pagkahilig mo sa anime ay hindi nawala, ang Filipino foods, ang lihim mong pagtanggal ng mga raisins sa foods mo, marahil sa hitsura ay nalito mo ako pero hindi mo malilito ang puso ko." Mahabang paliwanag nito.

Mabilis siyang napayuko at hindi napigilang mapaiyak. "I-I'm sorry Tycho, sa 'yo, sa mga kaibigan mo, kay Nessie at lalo na sa parents mo at sa lahat." Muli siyang nakonsensya dahil sa mga pinaggagawa nila ni Joyce.

Hinawakan ni Tycho ang baba niya para iangat ang tingin niya. "I know you have your reason and I'm very willing to listen into it. I've already forgiven you because I love you. Yes, mahal kita, Grace. At walang minuto na hindi ako masaya kapag kasama kita, kaya labis akong nasaktan at nagselos nang makita ko kayong magkasama ni Zephyr. Gusto ko na rin tapatin si Joyce tungkol sa lahat nang ito at balak ko na rin sanang isagawa mamaya—ang kaso, inuna na kita dahil baka mahuli na ako at maagaw ka na nang tuluyan ni Zephyr sa akin."

"But this is wrong Tycho, una pa lang ay mali na."

"What's wrong?"

"Na mahalin mo ako dahil si Joyce dapat ang laman ng puso mo dahil siya ang fiancée mo."

"Hindi mo madidiktahan ang puso ko, Grace, at hindi ako kay Joyce na-engage kundi sa 'yo kaya ikaw ang fiancée ko."

"Si Joyce ang fiancée mo para sa mga mata ng lahat."

"Then let's make this thing clear for everyone."

"No!" sansala niya. "You'll just make things complicated. Okay na lahat, e, nagulo lang dahil sa pagpapanggap namin ni Joyce."

"No, I'm still thankful dahil mas nakilala kita dahil sa pagpapanggap na 'yon at mas lalo kang napalapit sa puso ko—mas lalo kitang nagustuhan at minahal." Anito, saka nito hinaplos ang kanyang pinsgi. "Maniwala ka man o sa hindi, mas nauna kang nagkapuwang sa puso ko." Pagtatapat nito.

Dumistasya siya sa binata. "Let's not hurt anyone. Gusto ka na ng kambal ko, okay na ang lahat sa parents natin at kayo talaga ang itinadhana ni Joyce para sa isa't isa. Please don't make this hard for the both of us. Makaka-move on din tayo." Aniya, pero siguro hindi na siya makaka-move on, forever.

"Hindi mo ba ako mahal?" kapagdaka'y tanong nito.

Natahimik siya. "Mahal kita, no'ng una pa lang kitang nakita sa shop ko at bumili ng one piece costume mo para sa Halloween party n'yo pero this is wrong. Mahal ko ang mga taong masasaktan natin at hindi ko kaya silang makitang masaktan. Ayusin natin itong mabuti at bumalik na uli tayo sa dati."

"I can't. I already have fallen so deeply in love with you. My days would gonna be boring without you, please... don't do this."

Umiling-iling siya. "Maiintindihan mo din ang lahat ng ito, lalayo muna ako sa 'yo para makalimutan mo ako. Thanks for everything, Tycho and please be happy, Joyce is a wonderful woman." Aniya.

Saka niya agad na nilagpasan ang binata, hindi na rin niya napigilang pumatak ang luha sa kanyang mga mata na mabilis niyang pinunas dahil nakita niyang nakangiting nakatingin sa kanya si Joyce.



***

A/N: Sa mga nakabasa sa magkakaibigang sina Grant, Gray, Troy at Tycho, saan kayo mas na-attach? :)

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon