14

1.4K 63 11
                                    

KINABUKASAN, pagkatapos ng work niya sa shop ay sinundo siya ni Tycho para dalhin sa secret place na sinasabi nito sa kanya, na mabilis din naman niyang sinang-ayunan, hindi rin niya maiwasang ma-curious lalo pa at sinabi nitong siya pa lang ang una nitong dadalhin doon.

"Kumusta ka na? Ilang araw din tayong hindi nagkita," nakangiting sabi ni Tychi saka ito saglit na bumaling sa kanya. "I've missed you so much." Dagdag pa nito.

Hindi na naman niya napigilang mapangiti. "I'm okay, mahirap sigurong maging Presidente ng kompanya, 'no?" aniya. Nasa sasakyan na siya ng binata noon at patungo na sila sa lugar kung saan siya gustong dalhin ng binata.

"Mahirap pero rewarding na makita mong masaya ang mga taong nasa paligid mo dahil sa magandang dulot ng mga ginagawa mo—lalo na ang family mo." Nakangiting sabi nito.

"Hindi ka ba na-i-stress at na-pressure, kasi nasa early twenties ka pa lang ay ibinigay na sa 'yo ng daddy mo 'yong responsibilidad?"

"No'ng una talaga feeling ko hindi na ako mabubuhay nang matagal pero sa awa ng Diyos, naka-survive naman." Nakangiting sabi nito. "Ang daming inaayos at ginagawa sa kompanya pero gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para pagtagumpayan 'yon."

"Ang suwerte talaga ni Joyce sa 'yo."

"Ha?"

"Ah, a-ang sabi ko ang swerte ko sa 'yo dahil napaka-workaholic at dedicated mo." Aniya, feeling niya ay halos mag-tumbling ang puso niya sa kaba, muntik na siyang marinig sa sinabi niya.

She heard him chuckled. "Suwerte ko din naman sa 'yo dahil napakabuti mong tao." Anito.

Napakabuti? Saglit siyang natahimik. Mabuti ba siya kung nagsisinungaling siya sa lahat? Kinukutkot na naman siya ng konsensya niya. "Sorry, Tycho."

Saglit itong lumingon sa kanya. "Why?" anito saka muling ibinalik ang mga tingin sa daan.

"Sa lahat." Gustuhin ko mang sabihin, pero hindi pa ako handang sabihin ang lahat sa 'yo.

Ginagap ng binata ang kamay niya saka pinisil 'yon. "Wala kang kasalanan sa akin." Anito saka nito dinala ang kamay niya sa bibig nito at hinalikan 'yon. "At kung meron man, alam kong ginawa mo lang 'yon dahil may matinding rason ka."

"Kung nagsinungaling ba ako sa 'yo, mapapatawad mo ba ako?" aniya.

Tumango ito sa kanya at tipid siyang nginitian. "Maiksi man ang panahon na pinagsamahan natin, nakilala ko na ang totoong puso mo kaya patatawarin pa rin kita."

Pero kung malaman ba nitong siya si Yram Grace, patatawarin din kaya siya? Hindi na naman niya napigilang malungkot pero dahil ramdam na ramdam niya ang kamay niyang hawak nang mahigpit ni Tycho, nakakalimutan niya ang kalungkutan niya.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa sinasabing secret place ni Tycho ngunit napakunot-noo siya sa pagtataka dahil dinala siya nito sa sementeryo. Nang buksan nito ang pintuan niya ay hinila siya palabas at magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa kung saan.

"Nagtataka ka ba kung bakit tayo naririto?" nakangiting tanong nito.

"Oo, bakit nga ba tayo naririto?" nagtatakang tanong niya.

"Nandito tayo sa sementeryo dahil patay na patay ako sa 'yo." Sagot nito, saka ito napangiti sa sinabi nito, napailing at natawa din siya sa sinabi nito. "Seriously, may gusto akong ma-meet mo."

"Nandito siya sa semennteryo?" nagtataka pa ring tanong niya. "Oh God, don't tell me may third eye ka tulad ni Vincent ng Ghost fighter? At nakakakita ka ng multo." Nanlalaking mga mata na sabi niya.

Grace's Anatomy Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon