RATED SPG!
CLARA
Tapos na ang klase pero ang bulungan at panunukso ng mga schoolmate ko dahil sa nangyari kanina ay di matapos-tapos.
Hindi ko aakalain na magiging ganito ang unang araw ko. Linalayuan ako ng mga tao at pinandidirian na para bang mayroon akong malalang sakit. Nakakalungkot dahil hindi ito ang inaasahan ko sa pagpasok dito si Helix University.
Umuwi na agad ako sa dorm ko dahil hindi ko na kaya pa ang pangungutya nila sakin. Dahil ito sa walang modong Simon na iyon. Dahil sa kanya nasira ang unang araw ko. Nabasag pa ang salamin ko kaya wala akong masuot. Sobrang napaka-special pa naman ng salamin na iyon. Mabuti na lang talaga at maayos ang mata ko. Sinusuot ko lang talaga ang salamin na iyon dahil gusto ko.
Pagpasok ko ng dorm ay may nakita akong bag sa kabilang deck. So ibig sabihin, may karoommate na ako. Mabuti naman para hindi ako mabagot dito. May makakausap na ako pero asan kaya siya nagpunta?
Inilagay ko ang gamit ko sa higaan ko nang bigla akong may narinig na kaibang ingay.
"Uhh Sy..." Pinakinggan ko ng maigi ang kakaibang ingay na yun. Nangangaling ito sa banyo. Ano kayang meron sa banyo. Ito ba ang bago kong karoommate?
Ano kayang ginagawa niya sa loob ng banyo. Hindi ko naman masabi dahil tanging pag-ungol lang niya ang naririnig ko pati na ang agos ng tubig.
"Uhh ohhh." Bumalik na ako sa higaan ko dahil baka makita niya ako, ano pa ang isipin niya. Siguro nagpu-poop lang siya kaya ganyan yung ingay.
Nagbabasa ako ng libro nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa roon si... Agatha? Siya pala ang roommate ko. Si Agatha yung pinahiya ni Simon kanina sa ground. Natatandaan ko siya.
Tuwalya lamang ang suot niya at ang pinagtataka ko ay ang hawak niyang talong na nabali sa kaliwa niyang kamay. Bakit kaya siya may dalang talong sa loob ng banyo.
Nagulat din siya ng makita ako at sinubukan pang itago ang hawak niyang talong sa likuran pero huli na.
"Agatha. Ikaw pala ang roommate ko." Bati ko sa kanya.
"Oh hi. Bakit mo ako kilala?" Tanong niya at itinapon sa basurahan ang hawak niyang talong.
"Naku Agatha. Bakit mo itinapon ang talong? Sayang naman." Balak ko pa sanang kunin iyon pero pinigilan niya na ako.
"Ahh wag na. Hayaan mo na yun. Marumi na yun." Paliwanag ni Agatha.
"Bakit naman?" Taka ko. Paborito ko pa naman ang talong. Sobrang sarap niya kapag tinotorta. Ginugutom tuloy ako.
"Wala." Ngitian niya lang ako at kumuha na ng damit sa bag niya at nagbihis.
"Oo nga pala, alam ko ang pangalan mo dahil nakita ko kayo ni..." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba. Hindi ko alam kung ayos lang ba sa kanya.
"No, hindi mo na kailangang sabihin. Mukhang alam ko na ang dahilan." Pagputol niya sa dapat kong sasabihin.
"Sorry. Hehe! Ako nga pala si Clara." Pakilala ko at inabot ang kamay niya para sa shakehands.
"Agatha. Nice meeting you Clara. Mabuti naman at ikaw ang naging roommate ko." Base sa nakikita ko ay lmukhang mabait naman si Agatha.
"Ikaw din. Sana maging magkaibigan tayo noh?"
"Oo, sure. Let's be friends. Mabuti pa, kumain tayo sa labas. My treat." Anyaya niya.
"Naku nakakahiya naman." Ngayon pa nga lang kami nagkakilala ay ililibre niya na agad ako. Ang kapal ko naman masyado.
BINABASA MO ANG
Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)
RomanceGalit ang dahilan kung bakit napasubo si Clara na i-prank call ang pinakabadboy at pinakababaerong lalaki sa Helix University na si Simon at ayain ito na makipagsex sa kanya. Dahil sa nangyari ay magkakaroon ng pagbabago ang tahimik niyang mundo.