Chapter 23

194 5 3
                                    


CLARA

Habang naglalakad ako hindi ko mapigilan na mailang sa tingin ng mga estudyante sakin. Wari'y may nagawa akong hindi maganda. Hindi pa ba ako nasanay?

Sa araw-araw naman na nandito ako ay ganito naman sila lagi. Hindi na ako magtataka kung by any moment biglang may haharang sa'kin at sasabihan ako ng masama.

"Clara." At hindi nga ako nagkamali. May tumawag sa pangalan ko. Hindi na ako magugulat pero iba ngayon, kilala ko ang tumawag sa akin. Si Agatha.

"Agatha?"

"Kailangan nating mag-usap." Ramdam ko yung inis sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan.

Bigla na lang niya akong hinila na hindi naaayon sa kagustuhan ko dahil medyo masakit ang pagkakahila ko.

"Agatha, ano ba?"

Tumigil kami sa likod ng isang building.

Tinignan niya lang ako na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Wala naman akong ginagawang masama.

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong sampalin. Napahawak ako sa kanang pisngi ko na sinampal niya ng malakas. Ang sakit.

"Next time, huwag kang lalapit sa boyfriend ko. Kung akala mo na magkaibigan tayo, nagkakamali ka ng iniisip mo. Wala akong kaibigang taksil at malandi." Nangigiliiti na sabi ni Agatha habang nakataas ang isa niyang kilay. Kitang-kita talaga sa itsura niya na galit na galit siya sa akin.

"Learn your lesson, bitch!" Salita pa nito bago naglakad papalayo.

Naiwan akong hawak-hawak pa rin ang pisngi. Pakiramdam ko may marka pa rin ng palad niya sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit. Ang lakas ng sampal ni Agatha.

Hindi ko mapigilan ang pagluha. Kahit anong pigil ko ay may mga luha pa rin na lumalabas.

Ano bang ginawa ko?

Tungkol na naman ito kay Simon? Sino pa nga ba.

Ito na nga ba yung sinasabi ko. Girlfriend nga pala ni Simon si Agatha. Ang minsan kong naging kaibigan. Ang totoong taksil sa aming dalawa.

Totoo naman talaga. Pinamukha niya sa akin na taksil at malandi ako samantalang siya ang unang nagtaksil.

Alam naming dalawa na magkasabwat kami sa pagpa-prank kay Simon pero mukhang nakalimutan niya na 'yun.

Bakit ba kasi ako pa itong nalalagay sa sitwasyong hindi ko kailanman inisip.

I hate you Simon. Bakit mo pa ako kailangan maging sex slave kahit may girlfriend ka na!!

Pinunasan ko ang luha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko para hindi na ako maiyak pa. Kailangan kong magpanggap na okay lang ako, na hindi ako sinampal ni Agatha na dati'y itinuring kong kaibigan.

Naglakad na ako pabalik sa CASE Building na parang walang nangyari. Hindi ko na lang pinansin ang mga tinginan ng estudyante.

Monday pa naman ngayon kaya kailangan ko pa ding subukan na baguhin ang araw ko. Ayokong punuin ang araw na ito na malungkot ako.

"Clara, uy!" Napalingon ako sa likod nang may tumawag sakin. Nakita ko si Drake na sobrang laki ng ngiti. Napakaliwanag ng mukha niya. Nakakagaan ng pakiramdam makita ang ngiti niya. Nakakahawa ang positivity.

"Drake. Uy, andyan ka pala!" Bati ko rin sa kanya.

Sabay na kaming naglakad.

"Kumusta ka na? Balita ko may nangyari daw sa'yo sa Batangas?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Alam niya pa lang muntik na akong malunod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Addicted: The Prank to Don Juan (Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon